fbpx
How to budget your budget? Budgeting tips during these hard times

How to budget your budget? Budgeting tips during these hard times

Jay Gregorio
Jay Gregorio

Isa ka ba sa mga tinamaan ng lockdown dahil no work no pay ka? Walang ipon? Walang income? Walang mahuhugutan kapag emergency?

You are already having a hard time to make ends meet even when things were normal.

Then this worldwide pandemic strikes and boom! You got hit hard and you don’t see stars, but what you see is your life slowly fading away… to nothingness.

Mukhang ang dilim na ng future mo ah. Nasaan na ang light at the end of the tunnel?

Huwag mag-alala. Nandiyan pa din yung ilaw. Kahit isang tuldok na liwanag na lamang ang iyong nakikita, at least mayroon pa din.

Relax ka lang. Hinga ng malalim. Habang may buhay, may pag-asa. Pag-usapan natin, paano i-budget ang iyong budget?

Ito ang aking recipe for budgeting success.

  • 1 Cup of Rice
    Kung ikaw ay sanay na laging unli rice, ito na ang panahon para matuto kang mag-diet. Oh, bago pa uminit ang ulo mo, hindi ko naman sinasabing mag-KETO ka na. Makakapag-kanin ka pa rin. Babawasan mo nga lang at gawing 1 cup of rice. Sa healthy pyramid, ang 1 cup of rice consumption per meal is more than enough carbohydrates your body needs.
  • 2-3 Tablespoons of Ulam
    2-pc chicken? 1 piece na lang. Ga-bundok na ulam na nakapatong sa kanin? 2-3 tablespoons na lang. Pantayin sa isang cup na rice mo. Hindi kailangan makaramdam ng sobrang kabusugan. Just feeling a bit of satisfaction is good enough.
  • 1 Serving of Subscription
    Ikaw ba ay naka Netflix, iFlix, HBOGo, iwantTV or Skycable? Baka ito na ang tamang pagkakataon na matuto kang mag-let go. Huwag maging attached sa mga idol mo sa palabas. Settle only to 1 subscription. Or better yet, cancel all subscriptions for the meantime habang tag-hirap ka pa. Madali naman mag-renew kapag maluwag ka na ulit.
  • 1 Baldeng Research
    Alamin ang mga gimmick sa load. Unli-text, unli-calls or unli-net. Baka may mga promo na sa halagang sampung piso ay makakatawag ka na sa Mars. Be resourceful. Yan ang isa sa mga ugaling makakatulong sa iyo.
  • 50% Utility Consumption
    Kung dati ay nagbubukas ka ng aircon sa gabi para makatulog, mag-electric fan ka na muna. Pwede din na magbukas na lamang ng bintana. Kung wala ka naman babasahin, huwag na buksan ang mga ilaw. Iwasan gumamit ng shower. Mas makakatipid ka kung mag-tabo ka na muna. Ang key dito ay, kung ano man ang konsumo mo dati, hatiin mo ito sa kalahati. Ito lamang ang dapat mong ma-consume sa mga panahong doble tipid ka.

Kapag nasa krisis ka na, kailangan mas maging maparaan. Tulad ng sabi nila, we have to tighten our belts.

Kung dati ka nang may working budget, i-review mo ulit kung saan ka pa pwedeng makatipid.

Kailangan magawan mo ng paraan na magkasya ang pang-araw-araw na pangangailangan mo at ng iyong pamilya. Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, madaming dahilan.

For more helpful and inspirational topics, visit my other social media accounts.

★☆★ CONNECT WITH JAY ON SOCIAL MEDIA ★☆★

?FB Page: https://www.facebook.com/JayGregorioPage
?Instagram: https://www.instagram.com/jaygregorio
?Twitter: https://twitter.com/withjaygregorio
?YouTube: https://bit.ly/JayGregorioYouTubeChannel

0 Comments

    Leave a Reply

    More great articles

    Government Financial Assistant

    Government Financial Assistance Ngayong ECQ. (Ano-ano Ang Mga Ito?)

    Dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinapatupad sa buong bansa, maraming mga daily wage workers, businesses and their employees…

    Read Story
    pay yourself first

    Pay Yourself First! (Lahat ng Mayayaman Ginagawa Ito)

    Ang isa sa mga sikreto ng mga mayayaman kaya sila patuloy na yumayaman ay ang konsepto ng “pay yourself first”.…

    Read Story
    What to do when broke

    What to do when broke?

    Mahirap ang walang pera. Lalo na ngayon na we are experiencing one of the biggest global crises in human history.…

    Read Story
    Arrow-up
    00 Days
    00 Hrs
    00 Mins
    00 Secs
    Expired
    Would you like to start an eCommerce Business?
    CHECK THIS OUT!