fbpx
Peace of Mind, Posible ba ito?

Peace of Mind, Posible Ba Ito?

Jay Gregorio
Jay Gregorio

Ano nga ba ang hinahangad ng tao? Relationship, pagmamahal, pera, career? Oo. Yan ang mga posibleng gusto ng tao.

Pero ano nga ba ang dulo ng lahat ng ito? If we dig deeper and analyze thoroughly, where does this all boil down to?

Peace of mind. Kapayapaan ng pag-iisip.

Nakuha mo nga ang relationship goal mo. The man or woman of your dreams. Pero manloloko pala ang partner mo. So, hindi ka mapakali. Lagi mong kaakbay si duda.

No peace of mind.

Napakarami mong pera. Pati tissue paper mo gawa sa pera. At dahil dito, hindi ka na basta-basta nakakalabas ng bahay na mag-isa.

Kailangan mo na ng bodyguard at natatakot kang ma-kidnap. No peace of mind.

You have studied hard all your life to make sure you get your dream career. At dahil sa sipag at tiyaga mo, you were able to climb the corporate ladder and got the position that everyone is wishing for.

Yes, happy ka, pero maya maya ay iniisip mo na how to protect your job dahil maraming naka-abang na magkamali ka so they can take your place. No peace of mind.

What am I driving at here? You can have everything in the world and still not have peace of mind. What exactly is peace of mind?

It is a state of mental and emotional calmness. When you have this, your mind is free of fear, stress and worry.

At dahil wala kang nararamdaman na fear, stress at worry, you have a sense of freedom. You are happy.

Lahat naman tayo gusto natin maging masaya sa buhay.

Kaya napaka-importante na magkaroon ng mapayapang isip. Hindi man madali magkaroon ng peace of mind, ang mahalaga ay posible ito.

Kailangan lang mag-practice ka sa maliliit na bagay.

Huwag mo agad asamin yung ultimate peace of mind. Baka kunin ka na agad ni Lord nyan.

  • Trust – Trust yourself that you can do whatever it is that you put your mind into. And if you fail, like all of us humans, trust yourself that you are strong enough to get yourself back on track. When you learn to trust yourself, matututunan mo nang magtiwala sa iba. Hindi lahat ng tao masama. Hindi lahat ng tao lolokohin ka. Cut them some slack. Give them the benefit of the doubt.
  • Expectations – Ease up on expectations. Don’t be too hard on yourself. Hindi naman laging nakukuha mo ang mga gusto mo ng 100%. Life is fair and will always let you taste the bitter and the sweet. Tandaan mo lang na don’t miss the silver lining dahil sa kakahanap mo ng gold.
  • Let go and let GOD – We cannot say that we can fully control our life. This is impossible. Napakadaming factors sa buhay na pwede magpa-iba ng ihip ng hangin. When times are confusing… when life is too tough, huwag ka na ma-stress. May mga pagkakataon na kailangan mong bitawan na muna ang manibela. Let go and let God.

At the end of the day, peace of mind is a choice. Choose to accept that life is uncertain and trust yourself that you have given it your best shot.

And believe that God will take care of the rest.

For more helpful and inspirational topics, visit my other social media accounts.

★☆★ CONNECT WITH JAY ON SOCIAL MEDIA ★☆★

🔴FB Page: https://www.facebook.com/JayGregorioPage
🔴Instagram: https://www.instagram.com/jaygregorio
🔴Twitter: https://twitter.com/withjaygregorio
🔴YouTube: https://bit.ly/JayGregorioYouTubeChannel

1 Comment

  1. Felipe Padayao Jr.
    Felipe Padayao Jr.
    May 11, 2020

    Nice Coach Great.

Leave a Reply

More great articles

5 Steps to Successful Goal Setting

5 Steps to Successful Goal Setting

I share this message to inspire you and give you a tips kung papaano ko nakuha ang goal ko at…

Read Story
poor-mindset-vs-rich-mindset

Poor Mindset Vs. Rich Mindset?

Alam mo ba kung bakit maraming nag fe-failed na Entrepreneurs? Dahil dito sa "Mindset" kung papaano sila mag-isip? Successful &…

Read Story
The 7 Steps To Real Success

The 7 Steps To Real Success

Kaibigan kumusta, I hope your doing great and awesome. May message ako na gustong ishare sa'yo... and i believe na…

Read Story
Arrow-up