5 Guides Paano Simulan Ang Pagtupad Sa Mga Pangarap Mo

Hi friends, Andito na naman ako ngayon para tulungan ka paano sisimulan ang pagtupad sa mga pangarap mo sa buhay.

Naniniwala ako na lahat ng tao ay mayroong pangarap sa buhay.

HIndi nga lang alam ng karamihan paano kakamitin oh magiging makakatotohanan ang mga pangarap na yun.

Kaya nasasabi na lang ng iba na, hanggang pangarap na lang daw sila.

Kasi nga sa isip lang nila binuo at hindi sila gumawa ng action.

Meron naman ibang tao na determinado at sinubukan ang lahat ng paraan para makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Sila yung mga seryoso na gawing totoo ang nasabing hanggang pangarap na lang ng iba.

Sila yung hindi humihinto at hindi sumusuko sa mga pagsubok na pinagdaraanan nila na kasama sa proseso para magtagumpay.

So ikaw ay hindi pa rin nakakapagsimula ngayon, itong guide ay para sayo.

1 Gawin Ang Pinaplano

Marami ka na din bang mga plano na naging drawing na lang? Drawing ibig sabihin hindi nagkatotoo.

Ang unang guide ko sayo is gumawa ka na agad ng action. Wag kang matakot na magsimula, kung yan ba ay pagtatayo ng sarili mong negosyo.

Oo sa una talaga yan ang first step na napakahirap gawin dahil andyan yung fear na baka walang mangyari sa business mo at hindi ka kumita.

Pero paano mo naman malalaman kung ayaw mong magtake ng action?

Paano mo malalaman kung malulugi ka or yayaman ka kung hindi ka magtatry?

Paano kung andun na pala ang blessing sayo na maghahatid sa goal mo? Kung wala kang gagawin ay wala ding mangyayari.

Kung may mga plano ka na hanggang ngayon ay isang malaking drawing pa rin, abay kilos na.

Your time is limited, wag mo ng hintayin na maubos ang lakas mo at wala ka ng kakayahan na gawin ang maraming bagay para sa mga goals mo.

2 Think Of A Long Term Result

Bago ka magsimula sa pagtupad ng mga goals mo, kailangan mo din isipin ang long term result.

Hindi yan sa isang iglap lang, or isang beses lang nagbigay ka ng effort ay magigising ka ng mayaman ka na.

Dapat mong maintindihan na ang pagtupad sa mga goals mo ay isang proseso at nangangailangan ng mahabang panahon bago magbunga at yun na ang pinakahihintay mong harvest time

. Isang malaking kalokohan ang biglang pagyaman, walang ganun. Kinakailangan talaga yan pagtrabahuhan at paghirapan.

Mahaba haba man ang lalakbayin mo to get the result that you want, ang mahalaga nagtanim ka na ngayon at alisin mo na sa mindset mo ang short term result or yung mga get rich quick thinking.

3 Matutong Mag adapt

Sa pagtupad ng mga pangarap mo, mainam din na matutunan mo ang mag adapt sa mga sitwasyon na nagyayari sa paligid mo, or sayo.

Dahil sa buhay natin hindi palaging nasa taas tayo, may mga pagkakataon na asa ibaba rin tayo.

Ganun din sa pagnenegosyo hindi sa lahat ng oras ay hataw lagi ang sales, meron ding mga ups and downs yan.

Kaya mahalaga na matutunan mo ang pag adapt at gumawa ng action para makabangon ulit.

Katulad na lang ng pandemya ngayon, sa isang taon na lumipas natuto na rin ang ibang mga negosyante na mag adapt sa sitwasyon ng mundo ngayon.

At tanggapin ang mga bagong opportunity at mga pagbabago na magsimula ulit.

4 Iwasang Ma- Adik Sa Bad Habits

Isa sa mga dahilan kung bakit di ka nakakapagsimula sa pagtupad ng mga pangarap mo ay ang mga bad habits na araw araw mong ginagawa.

Hindi mo namamalayan na naadik ka na pala at masama na ito dahil nauubos ang oras mo sa mga bagay na walang kwenta.

Katulad na lang ng nabanggit ko sa isang Blog ko. Imbis na nagsisimula ka ng gawin ang mga plano mo sa buhay.

Mag isip ka ngayon kung ano ba ang mas mahalaga sayo? Ang ubusin ang oras mo sa mga bagay na walang maidudulot sayo or umpisahan ang pagtupad sa mga pangarap mo?

The choice is yours, at alam mo na rin ang magiging resulta alin man sa dalawa ang piliin mo.

So stop na, iwasan mo na ang bad habits na alam mong mahihirapan kang pigilan ang sarili mo once maging adik ka dito.

pangarap

5 Laging Matuto At Makinig

Akala ko noon na kapag nakatapos ka ng pag aaral sa high school at collage ay tapos na din ang kakayahan ko na matuto.

Isa sa mga dahilan din na ang karamihan ay hindi umuusad sa buhay dahil huminto na silang mag aral at matuto.

Kung narinig mo na din sa iba, na “pumurol na daw ang kanilang utak.” Kasi nga ang mindset nila ay sa eskwelahan lang pwede mag aral at pwedeng matuto.

Pero sa totoo lang, kung gusto mo talagang makamit ang mga pangarap mo sa buhay dapat ikaw ay may willingness na matuto ng iba pang mga bagay, dapat maging curious ka sa mga bagay na hindi mo pa alam.

Hindi sapat na may alam ka na. Sa pagnenegosyo mahalaga na ikaw ay may continous learning skill, dahil ikaw din naman ang magbebenefit nyan in the long run.

At syempre matuto ka ding makinig sa mga taong may mas marami ng experiece sayo( Mentors and coaches).

Tutulungan ka nila dahil mas expert sila sayo dahil napagdaanan na nila ang bagay na pinagdadaanan mo pa lang.

So di ka lang dapat makinig kailangan mo din iabsorb yung mga natutunan mo at magtake ng action.

I hope nakatulong itong guide na ito sayo para makapagsimula ka ng trabahuhin ang pangarap mo. Kilos na, habang may panahon ka pa. Sabi nga “ Habang may buhay, May pag- asa.” Kaya wag kang mawalan ng pag asa, magtake ka ng action, at gawin mo na ang mga guide na ito.

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

But wait, maybe you are interested to know about the 8 Passive Income Ideas To Help You Make Money In 2021 click HERE!

Leave a Comment