8 Money Rules You Should Follow

Nabanggit ko sa isang blog ang number 1 Money Rule na dapat ginagawa mo. Nagyon naman pag- uusapan pa natin ang iba pang money rules na dapat mo ding malaman.

Ang malungkot na katotohanan kung bakit maraming naghihirap ay dahil sa kakulangan sa kaalaman paano gamitin ang pera ng tama.

Hindi tayo na- educate kung paano ihandle ng tama ang ating financial kaya paulit ulit lang ang cycle natin na trabaho-sweldo-trabaho.

Nagtatrabaho ka lang para gumastos. At pag di ka nagtrabaho ay walang kita, at pag walang kita walang ding pera.

Ang money rules ay maihahalintulad sa isang game rules. Kapag marunong kang sumunod sa mga rules, malaki ang chance na manalo ka.

Ganun din sa pera, kung di ka marunong maghandle ng tama, tiyak ay matatalo ka.

At kung susundin mo naman ang mga money rules na ito malaki din ang chance mo na magtagumpay sa buhay.

So ito na ang mga money rules na magbibigay sayo ng financial freedom at makakatulong sayo makakawala sa rat race.

#1 Use your money to create wealth, not to create poverty.

Ang pera ay pwedeng maging dahilan para yumaman ka or maging dahilan din para maghirap ka.

Depende ito sa mga desisyon at action na ginagawa mo kung paano mo ginagamit ang pera.

Tulad na lang ng pagkakaiba ng mindset ng mga mayayaman sa mahihirap. Ang mga mayayaman ay ginagastos ang kanilang pera para bumili ng mga assets.

Or yung mga bagay na magbibigay pa ng pera sa kanila or income. Gaya ng pagbili ng mga properties, investments at pagtatayo pa ng ibang negosyo.

Ang mga mahihirap naman ay ginagamit ang pera para maghirap sila. After makareceive ng sahod, ginagamit nila ang pera para magshopping.

Pagbili ng bagong gadgets, mga luho, mga bagay na hindi pa naman kailangan, nagbabakasyon, or ang iba ay may budget pa talaga sa bisyo nila katulad ng alak at sigarilyo.

Ang mga mayayaman bumibili ng mga bagay na tumataas ang value at magbibigay ng income sa kanila.

Samantalang ang mga mahihirap ay bumibili ng mga bagay na bumababa ang value na nagiging dahilan kaya lalong naghihirap sila.

Para maiwasan ang ganitong scenario, simulan mo ng gayahin ang mga ginagawa ng mga mayayaman.

Umpisahan mo ng mga ipon para makabili ka din ng mga assets at gumastos ka lang sa mga bagay na kailangan mo. 

#2 Save & Invest

May mga reasons bakit kailangan natin mag iipon. Para sa emergency gaya ng biglang pagkawala ng trabaho,

money rules

or iba pang mga pangyayari na di inaasahan, sa retirement, or pagbili ng mga bagay na gusto natin pero hindi pa sapat ang ating pera.

Pero ang  the best na reason dyan ay mag ipon ka para makapag invest ka.

Dahil ang investment ang magbibigay sayo ng passive income kung saan mag gegenerate ito ng income kahit hindi ka nagtatrabaho.

Tuturuan ka din maging disiplinado sa pera kung ikaw ay matututong mag ipon.

Kung sa ngayon ay wala ka pang naiisip na magandang paglagakan ng pera mo,ipagpatuloy mo lang ang pag iipon.

Habang naghahanap at nag aaral ka pa ng mga bagay kung saan ka pwede mag invest at idouble ang pera mo.

At mas mainam din kung maghahanap ka ng iba pang mapapagkakitaan para madagdagan ang ipon mo. 

#3 Avoid Lifestyle Inflation

Ang lifestyle inflation ay ang pagtaas ng gastos kapag tumaas ang income mo.

Napapansin mo ba noong dati na maliit lang ang sahod mo ay naipagkakasya mo ito sa loob ng isang buwan.

Pero nung lumaki ang kinikita mo ay lumaki din ang gastos mo at kung minsan ay negative pa, nagkakautang ka pa.

Ang madalas kasing nangyayari dyan, kapag nag increase ang iyong income nagkakaron ka din ng kumpyansa na iincrease ang iyong expenses.

Iniisip mo na may kakahayan ka ng bilhin ang mga bagay na noon ay hindi mo nabibili.

Kapag pinagpatuloy mo ang ganitong habit, wala ka talagang maiipon at patuloy ka lang magtatrabaho ng magtatrabaho.

Para maiwasan mo ang lifestyle inflation, wag mong iincrease ang gastos mo. Sa halip gumawa ka ng paraan paano pa madadagdagan ang asset mo.

Gumawa ka ng listahan para matract mo kung magkano ang perang pumapasok, perang lumalabas or gastos, at perang napupunta sa asset at liabelities. 

#4 Don’t spend the money you didn’t earn yet 

money rules 2 min

Kaya naghihirap lalo ang mahirap dahil sa ganitong habit. Gumagstos sila bago pa sila makatanggap ng income.

Umuutang ng mga bagay na di naman kailngan at pagdating ng sweldo ay mauuwi lang sa pambayad.

Isang bad habit ang pangungutang kung ito ay gagamitin mo lang sa mga bagay na hindi naman magbibigay sayo ng income.

At tiyak na malulugmok ka lang at baka di ka pa makabangon sa hirap kung paano makakabayad.

Ang mabuti mong gawin ay gumastos ka lang ng hindi lalagpas sa income mo.

Like 80% sa mga gastusin at 20% para sa ipon mo. Sa ganyang paraan ay maiiwasan mo ang gumastos ng lagpas sa income mo.

Sabi nga sa isang popular na qoute, “ Live below your means.” Wala pa akong nakita na tao na umangat sa buhay na gumagastos ng mas malaki pa sa kinikita nya. 

#5 Remember that money is a tool

Isa sa mga money rules na kailangan mong tandaan na ang pera ay isang tool lamang. Ang pera ay pwedeng maging masama at pwede ring maging mabuti.

Depende sa taong humahawak nito kung paano nya gagamitin ang pera.

Kung gagamitin ito ng mga taong walang disiplina at walang goal sa buhay, malamang ay hindi ito magtatagal sa kanilang mga kamay.

Pero kung gagamtin naman ito ng mga taong marunong magbudget at priority ang pag iinvest, hindi malayong mas dodoble pa ang halaga nito.

Money cant buy happiness ika nga. Pero ang pera ay posiblengg magbigay sayo ng kaligayan katulad ng magandang edukasyon para sa mga anak mo,

convenience or financial freedom, healthcare at iba pang mga bagay na nangangailangan ng pera.

Baguhin mo na ang mindset mo tungkol sa pera at isipin mo na ito ay isang tool lamang para maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay.

#6 Remove the connection between money and time

Kung gusto mong makaalis sa rat race at ayaw mong manatiling broke, kailangan ay gumawa ka din ng paraan paano mo papalaguin ang income mo ng hindi nakabase sa oras.

Meron lang tayong 24 hrs kada araw at sigurado akong hindi mo na kakayanin na magtrabaho pa ng extra para sa pera.

Halimbawa na lang ng mga mayayaman na tao, meron silang business system. At ang sistema na ito ang nagpapatakbo sa kanilang negosyo at nagbibigay ng income.

Ang iba naman ay kumikita sa pamamagitan ng royalties. Gaya na lang ng ilang mga sikat na author na si J. K Rowling ng Harry Potter na libro.

Patuloy syang kumikita kahit ilang taon na ang nakalipas simula ng maipublished ang kanyang libro.

Pwede mo din gawin ito, sa panahon naman natin ngyon ay marami ng paraan para kumita ng extra ng hindi masyadong pinaglalaanan ng oras.

Katulad ng pagsusulat or paggawa ng blogs. Magshare ka ng iyong mga ideas na magbibigay ng value or kaalaman sa karamihan.

Kaya simulan mo na pagbuo ng isang sistema na magtatrabaho at mag gegenerate ng income para sayo.

Ang goal mo ay magkaroon ng asset na magbibigay sayo ng passive income.

#7 Invest in time first before you invest in money( Pay yourself first)

money rules

May tatlong uri ng tao. Una yung taong walang goal at sumusunod lang sa kung ano ang madalas na ginagawa ng karamihan.

Pangalawa, ang taong may goal pero walang ginagawa para matupad ang goal na yun.

Pangatlo, ang taong may goal at tinatrabaho ang kanyang goal araw araw.

Ang mga successful na tao ay merong goal at execution. Inuuna muna nila ang pag iinvest sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpapalawak ng skills bago sila mag invest ng pera.

Naglaan muna sila ng mahabang panahon para sa magdevelop ng skills at kumuha ng karunungan sa kanilang mga experiences at sa mga successful na tao.

Sabi nga ni Warren Buffet, “The more you learn, The more you earn.” Invest in your self first, dahil dyan nanggaling ang quality ng iyong success.

Ito ang number 1 sa mga money rules na hindi mo dapat kaligtaan.

At kung gusto mo malaman ang 4 Most Important Investments na posible makapagbago sa buhay mo, click mo ang link na ito. Best Investments

#8 Money comes from the value you give

Paulit- ulit ko ng nasabi ito pero hindi ako magsasawang ulitin ulit na ang success ay nagmumula sa pagbibigay mo muna ng value sa iba.

Kaya napaka importante talaga na nag iinvest ka muna sa sarili mo para makapagbigay ka din ng value.

Pwede kang magcreate ng isang product or services na nagbibigay ng solution sa problema ng mga tao.

At kapag nakakapagbigay ka ng solution, tumataas din ang value mo at ang pera na ang lalapit sayo.

At dapat na ilagay mo sa mindset mo na makapagbigay ka muna ng magandang serbisyo bago ka may makukuha.

Tandaan na ang daloy ng pera ay nagmumula sa mga consumer papunta sa producer. 

Yan ang 8 money rules that you should follow kung gusto mo talagang may mabago sa takbo ng buhay mo. I hope may napulot ka naman bagong idea sa blog na ito. Again, Follow the money rules! 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Leave a Comment