8 Dahilan Bakit Nasasayang Ang Oras Mo

oras
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuusad ang buhay ng isang tao ay ang pagsasayang ng oras at yan ang tatalakayin natin ngayon. Ang 8 dahilan bakit nasasayang ang oras mo. 

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung minsan ba sa buhay mo ay naging productive ka?

Or masasabi mo na may kwenta ang mga ginawa mo sa isang araw?

Oh baka naman mas binibigyan mo ng oras yung mga bagay na hindi naman makakatulong sayo para umunlad?

At di mo namamalayan ang mga yan ay mga nasasayang na oras. Oras na di mo na maibabalik kapag lumipas na.

Oras na sana ginamit mo noon ng tama. At oras na ineenjoy mo na sana ngayon kung ginawa mo ang mga bagay na makakatulong sayo sa pag angat mo sa estado ng buhay.

Umpisahan mo ng mag isip isip ngayon, at panahon na para gamitin ang oras mo ng may kabuluhan. 

#1 Mañana Habit

Mula elementary napag aralan na natin ang ibig sabihin ng mañana habit sa salitang espanyol or kahulugan ng “mamaya na” sa tagalog.

At isa ito sa pangit na kaugalian nating mga pilipino kung kaya ay wala tayong nasisimulan at natatapos na mga gawain.

Mahilig magpaliban ang mga pilipino ng isang gawain dahil iniisip nila na mahaba pa naman ang oras kaya mamaya na lang.

Hanggang sa kamamaya maya ay inabot ng kinabukasan. Malimit mo din marinig siguro ang katagang “marami namang bukas.”

Tama nga naman, pero hindi ibig sabihin nyan ay unlimited ang mga chances na dumarating sayo.

Lilipas ang panahon at ang buhay natin ay lilipas din. Hihintayin mo na lang bang tumanda ka muna bago ka gumawa ng action?

Para maiwasan ang ganitong pangit na habit, its time to change. Gawin mo na agad ang gusto mong gawin ng wala ng paligoy ligoy pa.

“If you don’t take the time to work on creating the life you want, you’re eventually going to be forced to spend a lot of time dealing with a life you don’t want.”

#2 Panonood 

Couch Potato ka ba? Meaning to say, isa ka rin ba sa babad sa panonood ng mga paborito mong palabas?

Like Anime, k- drama series, movies, at entertainment show. HIndi naman masama ang manood pero make sure na hindi nito inuubos ang oras mo na dapat mo pang gawin sa ibang bagay.

Ang panonood ay talaga namang nagbibigay ng saya sa atin. Pero ang entertainment na napapanood natin ay nakakaadik.

So kapag lagi kang babad sa panonood ng ng mga walang kabuluhan na mga palabas, wala ding karunungan na papasok sa utak mo.

Na tutulong sayo para maabot ang mga pangarap mo. May advise is limitahan mo ang panonood mo ng mga entertainment na palabas.

Ihuli mo sya sa mga gawain na dapat mong ipriority. Kapag nakatapos ka ng isang gawain , make it a reward para sa sarili mo after mong matapos ang isang productive na gawain. 

#3 Sobrang Social Media

May kilala ka bang tao na kahit saan magpunta dala dala ang mobile phone?

Hindi mabitawan mula sa paggising sa umaga, sa pagkain ng almusal, tanghalian,hapunan, pati pagpasok sa banyo, grabe noh!

Napaka- accessible na kasi ng paggamit ngayon ng internet at ang social media ang pinakamalaking dahilan kung bakit nauubos or nasasayang ang oras ng mga tao.

Scroll dito, comment doon, like dito, magseshare, mag- aapload. Laging updated sa mga chismis at trending na wala naman talagang katuturan at walang maitutulong sayo para lumago ka at umasenso.

Kaya dapat limitahan mo na ang sobrang paggamit ng social media, dahil isa ito sa masamang habit na uubos ng oras mo.

Ibaling mo ang ang panahon mo sa pagpapalago sa sarili mo. Sa mga bagong kaalaman na makakatulong sayo para umasenso. 

#4 Paglalaro Ng Games 

Matatanda or mga bata sa panahon ngayon ay naaadik sa paglalaro ng mga online games.

Yung tipong late na natutulog at late na din nagigising. Ang sobrang paglalaro ay sobra din ang epekto tao.

Katulad din ng paggamit ng social media, ang iba naman ay nahuhumaling sa paglalaro.

Iba kasi yung adrenalin rush na nakukuha nila kapag naglalaro ng games.

Kapag nanalo ay masaya kaya gusto pa ulit maglaro, at kapag natalo naman ay may adrenalin rush pa rin na gusto bumawi para manalo.

Hindi naman masama ang paglalaro ng mga games pero dapat limitahan mo din.

At mas magfocus ka sa mga bagay na magiging productive ang araw mo. Tandaan lahat ng sobra ay nakakasama. 

#5 Puro Ka Plano

Isa sa mga dahilan na uubos ng oras mo ay ang puro pagpaplano at walang gawa.

Yung hindi ka na nakaalis sa pagpaplano mo, gusto mo na maging perfect muna ang  isang bagay bago bago ka magsimula.

Kaya ang nangyayari ay nasasayang ang oras mo at wala kang nasimulan.

Kaya ang dapat mong gawin ay ikilos mo na yan kahit hindi mo sya ganon ka master ang mahalaga ay umaandar na ang mga plano mo, or may action ka ng ginagawa.

Mas marami ka pang matutunan kapag nagsimula ka na sa isang bagay. 

#6 Pagiging Reklamador

oras

May mga tao na may ganitong attitude, yung mahilig magreklamo sa mga bagay na wala naman silang kontrol.

Isa sa dahilan bakit nasasayang ang oras ay dahil sa pagiging reklamador imbis na gumawa ng paraan para maituwid oh maiayos ang kanilang buhay.

Katulad na lang ng pagrereklamo sa gobyerno at sa mga politiko.

Hindi na obligasyon ng mga namumuno sa bansa kung bakit maihirap ang kalagayan natin sa buhay.

Ang dapat sisihin ay ang sarili natin kung wala tayong ginawa. Tanungin mo ang sarili mo kung may nagawa ka ba para umusad ka?

Ikaw ang may kontrol ng mga nangyayari sa buhay mo, at kung wala kang ginawang aksyon, malamang ay wala ding mangyayaring maganda sa buhay mo.

Wag mo sayangin ang oras mo sa pagrereklamo, gumawa ka din ng action paano mo tutulungan ang sarili mo. 

#7 Hindi Ka Decisive

Ang pagiging indecisive ay yung wala kang isang desisyon sa buhay. Yung hindi ka makapagdesisyon agad or makapili ng isang bagay na gusto mong gawin.

Isa sa mga dahilan kung bakit nauubos at nasasayang din ang oras mo.

Parang katulad ng isang babae na nagpunta sa isang shopping mall na inubos ang oras sa pag iikot.

Tapos ang bibilhin ay yung unang produkto na nakita na nya at binalikan lang nya.

Di ba wasted time? Imbis na marami na syang nagawa sa mga oras na yun, ay naubos lang ang kanyang oras dahil sa undecided sya sa kanyang bibilhin.

So kung ikaw ay yung taong gusto magnegosyo, maging decisive ka para makapagsimula ka na at wag mo ng gawing complicated ang mga bagay bagay. 

#8 Pag Aantay

Isa sa mga dahilan at kumakain ng oras natin ay ang paghihintay. Paghihintay sa tamang panahon at yung pag aantay mong ma inspire ka muna.

Ang perfect timing ay ngayon, wala kang masisimulan kung maghihintay ka sa wala.

Ang the best na gawin dyan ay ikaw na ang gumawa ng first move dahil sayo naman nakasalalay ang kinabukasan mo.

Hindi sa paghihintay ng swerte na dumating sayo. Yung sa mga salita ng mga matatanda ay para kang si Juan na naghihintay na mahulog yung saging sa puno.

Kaya kung kaya mong kumilos na ngayon at available nman lahat ng mga resources na kailangan mo for example sa pagnenegosyo ay gawin mo na agad. 

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nasasayang ang oras mo. And I hope may bago kang natutunan ngayon.

At kumilos ka na ngayon din kung gusto mong maging productive ang mga araw mo, at maka usad ka sa pagtupad ng mga pangarap mo. 

oras

Here’s the secret:

“There’s no perfect time, You gotta start NOW. “

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

But wait, maybe you are interested to know about the 8 Passive Income Ideas To Help You Make Money In 2021 click HERE!

Leave a Comment