4 Powerful Ways to Encourage Self Discipline

Anuman ang goal mo sa buhay, pagbabawas ng timbang, o pag iipon ng pera, o di kaya ay paglaan ng maraming oras sa iyong Negosyo o kahit ang paghubog sa iyong skills, lahat ng ito ay nangangailangan ng matinding disiplina… Dahil gaano ka man kasipag, darating ang panahon na mawawalan ka ng motivations sa mga bagay na ginagawa mo.

At dito na papasok ang self-discipline.

Ask yourself, what are your Whys?

Kung hindi mo alam kung bakit ginagawa mo ang isang bagay, madali kang ma di-discourage kapag naharap ka sa isang pagsubok.

Ngunit kung mayroon kang mabigat na dahilan, kung bakit mo gagawin ang isang bagay, anumang pagsubok ang dumating sa iyo, ay hindi ka matitinag.

Ang iyong Whys ang magbibigay sa iyo ng motivations, ito ang mabibigay sa iyo ng drive para magpatuloy kahit na wala ka sa mood na kumilos.

Isa din sa importanteng bagay ay, “Alamin mo ang iyong Weaknesses”

Ano mang mga hindi mgandang bagay na mayroon ka, napakaimportante din iyong malaman at tanggapin ang iyong mga weaknesses.

Sa katunayan, lahat tayo may kanya kanyang weakness.

Kung hindi ka aware sa iyong weakness, ay hindi ka gagawa ng paraan para baguhin ito.

Halimbawa na dito, nung nagsisimula ka ng kumita, ang goal mo ay kumita ng pera, dahil dahil sa maliit palang ang iyong income, ay wala kang naiipon. Then eventually, lumaki man ang iyong income, ay wala kapa din naiipon.

Alam mo ba ang ang problema dito?

Hindi iyong tungkol sa iyong income, kundi sa iyo mismo.

Mali ang iyong mindset pagdating sa pag iipon.

Mag set ka din ng mga “Goals.”

Sabi sa isang quote.
“You don’t have to see the whole staircase, just take the first step.”

Lahat tayo ay may mga goals.

Para ma achieve ang mga ito?
Kailangan mo lamang mag set ng iyong mga goals.

Kadalasan, kapag iniisip ng tao ang kanilang mga goals, ay na didiscourage sila dahil ito ay parang mahirap abutin. Bakit nila naisip iyon?

Dahil alam nila na ito ay nangangailangan ng oras at matinding effort.

“Lahat ay gustong maka achieve ng resulta, pero hindi lahat at willing dumaan sa proseso.”

Pwede kang magsimula sa daily goals.

Halimbawa…
Ikaw ay nag enroll sa isang Online Course, at ang goal mo ay matapos ito kaagad, kung sa unang araw palang ay na p-presure ka ng makatapos ng maraming learning courses, paniguradong mahihirapan ka, o possible na hindi mo na ito magawa.

At mawawalan ka ng kumpiyansa sa iyong sarili at mapapaisip ka na hindi para sa iyo ang bagay na iyon.

Pero kung mag sisimula ka sa 1 or 3 course, aralin at intindihin ito ng mabuti, hindi ba’t mas nagkakaroon ka ng kumpiyansa sa iyong sarili, dahil nakakakita ka ng learning improvement?

Always remember, “Success is the sum of small efforts – repeated day in and day out.”

Huwag din kalimutan mag set ng Standards.

Kung ang goal ay ang gusto mong ma achieve, habang ang standards ay ang itinalaga mong pamantayan sa iyong sarili, na ito dapat ang iyong ma accomplish, pwede mong lagpasan ang itinalaga mong standards sa iyong sarili ngunit hindi ka pwedeng kumulang dito.

Halimbawa, kung ang goal mo ay maka 1 or 3 courses at ang standards mo sa iyong sarili ay 2 courses a day. Hindi mo man ma hit ang iyong goal, ay kailangan hindi ka bumaba sa iyong standard.

Ang pagkakaroon ng standards ay binibigyan mo ang sarili mo na mag trabaho kahit na hindi mo achieve sa ngayon ang goal mo.

Maraming mga opportunity ang lalapit sa iyo, kung magkakaroon ka ng self-discipline.

Kapag mayroon ka ng bagay na ito, hindi mo namamalayan na nadi-discover mo na ang iyong true priorities at malalaman mo na ang real values of your life.

Priorities and Values will begin to appear, and your path to success will become easier.”

Kung hindi mo pa nakikita ng resulta, ‘wag kang tumigil. Magpatuloy ka pa rin. “Wag mong sirain ang iyong disiplina”, lahat ng iyong pinangarap ay mapapasayo.

https://www.forbes.com/sites/brentgleeson/2020/08/25/8-powerful-ways-to-cultivate-extreme-self-discipline/?sh=7d2d1240182d

NEVER GIVE UP!




Leave a Comment