fbpx
Hindi_madali_maging_mayaman_Pero_mas_mahirap_maging_mahirap_Maging_masipag_at_matiyaga_upang_umunlad_sa_buhay

Mahirap maging mahirap (Sipag at Tiyaga)

Jay Gregorio
Jay Gregorio

Marami ang nagsasabing mahirap yumaman. Kailangan may pinag-aralan ka o kaya’y matalino.

Dapat may “connection” o “kakilala”.

Walang yumayaman sa pagiging empleyado kaya kailangang mag-business.

At para makapag-business, kailangan ng puhunan.

Dapat may pera ka.

Ang isang mayaman na tao parang laging napaka-busy.

Ang aga nagigising at madalas late na nakakauwi.

Laging puno ang calendar. Etc. Etc. Etc.

Pero alam mo ba na mas mahirap maging mahirap?

Mas mahirap yung nase-stress ka dahil hindi mo na alam kung paano pagkakasyahin ang pera mo sa dami ng iyong mga gastusin.

Yung araw-araw ay ilang oras ang nasasayang sa buhay mo dahil ang hirap mag-commute plus ang traffic pa.

Minsan, habang nakasakay ka sa jeep, napapatitig ka sa mga sasakyan at pinapangarap mo na sana, balang araw ay magka-kotse ka na din para naka-aircon at komportable ka.

Ang init sa jeep eh at mausok. Kakaiba din ang kaba na nararamdaman dahil ubos na ang pera sa wallet mo at sa isang linggo pa ang sahod.

Masakit minsan tanggihan ang mga anak sa mga bagay na gusto nila dahil hindi mo afford.

Mas mahirap maging mahirap kaya dapat naisin mo na umunlad sa buhay.

Nagsisimula ang lahat sa choice.

Choose to live differently… live abundantly… live better.

Hindi naman kinakailangan na maging super rich ka na katulad ni Sy, Tan at Gokongwei.

Well, kung yan ang gusto mo, why not? Go!

Kung ano man ang pangarap mong marating, kapag nag-decide ka na gusto mo na ng improvement sa buhay mo, ang susunod na kailangan mo ay maging masipag at matiyaga.

Nakikita mo na parang ang busy ng mga mayayaman?

Masipag kasi sila.

Parang laging puno ang calendar nila?

Matiyaga silang kausapin ang mga taong magpapa-unlad pa sa kanilang negosyo.

Hindi madaling yumaman.

But definitely, mas mahirap maging mahirap.

So saan mo gusto lumugar?

For more helpful and inspirational topics, visit my other social media accounts.

★☆★ CONNECT WITH JAY ON SOCIAL MEDIA ★☆★

?FB Page: https://www.facebook.com/JayGregorioPage
?Instagram: https://www.instagram.com/jaygregorio
?Twitter: https://twitter.com/withjaygregorio
?YouTube: https://bit.ly/JayGregorioYouTubeChannel

0 Comments

    Leave a Reply

    More great articles

    What to do when broke

    What to do when broke?

    Mahirap ang walang pera. Lalo na ngayon na we are experiencing one of the biggest global crises in human history.…

    Read Story
    Be an English teacher

    Be an English Teacher

    Andito na naman tayo sa ating Work From Home Opportunities Series kung saan ay binabahagi ko sa inyo ang mga…

    Read Story
    Mga_OFWs_na_Pinauwi_Paano_Makakabawi

    Mga OFWs na Pinauwi, Paano Makakabawi?

    Alam naman natin na tinagurian nang modern-day heroes ang ating OFWs. Sila ay mga nagsasakripisyo na malayo sa piling ng…

    Read Story
    Arrow-up
    00 Days
    00 Hrs
    00 Mins
    00 Secs
    Expired
    Would you like to start an eCommerce Business?
    CHECK THIS OUT!