Marami ang nagsasabing mahirap yumaman. Kailangan may pinag-aralan ka o kaya’y matalino.
Dapat may “connection” o “kakilala”.
Walang yumayaman sa pagiging empleyado kaya kailangang mag-business.
At para makapag-business, kailangan ng puhunan.
Dapat may pera ka.
Ang isang mayaman na tao parang laging napaka-busy.
Ang aga nagigising at madalas late na nakakauwi.
Laging puno ang calendar. Etc. Etc. Etc.
Pero alam mo ba na mas mahirap maging mahirap?
Mas mahirap yung nase-stress ka dahil hindi mo na alam kung paano pagkakasyahin ang pera mo sa dami ng iyong mga gastusin.
Yung araw-araw ay ilang oras ang nasasayang sa buhay mo dahil ang hirap mag-commute plus ang traffic pa.
Minsan, habang nakasakay ka sa jeep, napapatitig ka sa mga sasakyan at pinapangarap mo na sana, balang araw ay magka-kotse ka na din para naka-aircon at komportable ka.
Ang init sa jeep eh at mausok. Kakaiba din ang kaba na nararamdaman dahil ubos na ang pera sa wallet mo at sa isang linggo pa ang sahod.
Masakit minsan tanggihan ang mga anak sa mga bagay na gusto nila dahil hindi mo afford.
Mas mahirap maging mahirap kaya dapat naisin mo na umunlad sa buhay.
Nagsisimula ang lahat sa choice.
Choose to live differently… live abundantly… live better.
Hindi naman kinakailangan na maging super rich ka na katulad ni Sy, Tan at Gokongwei.
Well, kung yan ang gusto mo, why not? Go!
Kung ano man ang pangarap mong marating, kapag nag-decide ka na gusto mo na ng improvement sa buhay mo, ang susunod na kailangan mo ay maging masipag at matiyaga.
Nakikita mo na parang ang busy ng mga mayayaman?
Masipag kasi sila.
Parang laging puno ang calendar nila?
Matiyaga silang kausapin ang mga taong magpapa-unlad pa sa kanilang negosyo.
Hindi madaling yumaman.
But definitely, mas mahirap maging mahirap.
So saan mo gusto lumugar?