Ikaw ba isang “one day millionaire?” yung naniniwala sa salitang “Uy minsan lang to!” “Uy dasurb ko naman to!” yung papalapit palang ang sahod e nakalista na lahat ng bibilhin at gagawin mo kaya ang ending, Uy Mars? Kumusta!?
Don’t get me wrong ha. Hindi naman masama kung bilhin at gawin mo ang gusto mo as long as na naka pag-save kana para sa future.
Anu ano nga ba ang mga common mistakes nating mga pinoy kung bakit hanggang nagyon ay nahihirapan pa rin tayo mag manage ng ating mga finances at kalaunan at nababaon tayo sa utang?
Dito sa blog na ito ay pag uusapan natin ang mga common mistakes pagdating sa usaping pinansyal at anu ano ang mga paraan para maiwasan ito.
#1 Not knowing your financial goals
Ang dahilan kung bakit hindi natin ma reach ang ating financial freedom ay dahil wala tayong plano!
Mas maganda na habang maaga ay alamin na natin ang ating mga plano at maghanda ng sa ganon pagdating araw ay hindi tayo mamroblema kung saan tayo kukuha ng pinansyal.
Halimbawa,
Kung may anak ka na mag aaral sa kolehiyo apat o dalawang taon simula ngayon, mag ipon ka na! Nang sa gayon pagdating ng araw ay hindi na tayo mamomoroblema lalo na’t napakabilis ng paglipas panahon at hindi natin iyon namamalayan.
#2 Not tracking your spending
“You can’t control what you don’t measure.” Sabi nga nila
Mainam na namomonitor natin ang ating pag-gastos. Kung hindi mo minomintor ang inyong paggastos, hindi mo namamalayan na unti unit na palang nauubos ang iyong ipon.
Kapag ginagawa mo ito, mas nakokontrol mo ang iyong pera, dahil nakikita mo kung saan ito napupunta. Sa ganitong paraan din, mas mapa-prioritize mo ang mga bagay na talagang kailangang pagkagastusan. Makakatulong din kung ililista mo ang mga kailangang bilhin bago pumunta sa grocery o tindahan.
#3 Ignoring your debt
“If you’re struggling with debt, ignoring it is never a good idea.“ maniwala ka!
Upang hindi mabaon sa utang, i-priority ang pagbayad nito sa lalong madaling panahon. Unahin ang mga utang na may malaking interes kaysa sa maliit na interes.
Ang pagkakaroon ng maraming utang ay hindi lamang nakakaapekto sa ating buhay-pinansyal, kundi pati na rin sa ating relasyon sa ibang tao. Nababawasan ang tiwala nila sa atin kung hindi tayo makakapagbayad sa araw na ipinangako natin sa kanila.
#4 Buying things you can’t afford
Breaking this habit require strict discipline. Ask yourself first:
“May extra money ba ako para rito?”
“Kaya ko bang baayaran ito ng hindi nangungutang?”
Ito ang bagay na madalas nating nakakalimutan o ipinagsasawalang-bahala. Hindi tayo dapat gumastos ng higit pa sa ating kinikita, dahil “Utang” ang kalalabasan nito.
Naalala mo pa ba ang kwento ng tsinoy businessman? (kung hindi pa, basahin mo dito). Dapat na “kumukurot” lamang tayo kapag gumagastos at hindi “dumadakot” at lalong hindi “umuutang” para lang ipambili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan.
Huwag tayong sosobra dahil tayo rin ang mahihirapan kapag bayaran na.
#5 Not keeping an Emergency Funds
Not having a reserve of money available is one of the most common mistakes new business owners make.
May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan, kaya maigi ng maging handa sa lahat ng oras. Kaya naman mas maganda na bumuo ng tinatawag na Emergency Fund upang mayroon kang madudukot. Halimbawa nalang ay ang biglaang kawalan mo ng trabaho o ng biglaang pagkakasakit.
Mas maganda na magkaroon tayo ng advance saving buong tatlong buwan ng ating sahod para magamit sa mga emergency na bagay. Kung may budget at medyo nakakaluwag luwag, gawing six month para sa peace of mind!
And last but not least….
#6 Live a Simple Life
Ika nga sa kanta” Simpleng buhay ay kayganda…”
Huwag mamuhay ng magarbo kung hindi naman kaya ng bulsa. Unahin ang mga bagay na kailangan (Needs) kaysa sa mga mga bagay na gusto mo lang (Wants).
YOU MUST BE PRIORITIZE YOUR NEEDS OVER YOUR WANTS.
Sa paraan na ito, mas natutuunan mo ng atensyon ang mga importanteng bagay kaysa sa paggastos sa mga bagay na walang katuturan.
It’s easier said than done, madami sa atin ang nagagawa ang mga maling bagay na ito pero meron naman mga simpleng paraan para maiwasan ito.
If you aren’t careful, it only takes one expensive mistake or unforeseen expense to put your finances in trouble.
Are you making some of these classic financial mistakes? Time for a financial check-up!
If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
Or you can also visit my YouTube Channel for more free tips and learnings. Click Here!
Thank you for your sharing. I am worried that I lack creative ideas. It is your article that makes me full of hope. Thank you. But, I have a question, can you help me?