5 Business System Na Kailangan Mo sa Negosyo

Sa pagnenegosyo meron business system na kailangan mo para patuloy na tumakbo ang iyong negosyo.

Kung gusto mo maging successful sa iyong business, dapat meron kang system na sinusunod at tutulong sayo na patuloy na kumita, mag grow, at ma maintain ang iyong sales.

So kung wala kang business system, ay malamang hindi mo alam paano patakbuhin ng maayos ang business mo.

So kung gusto mong malaman, tara at talakayin na natin ang 5 business system na kailangan mo.

#1 Marketing System

business system

Ano ba ang marketing system? Ang marketing system ay pagpapakilala about sa negosyo mo or prudukto na binebenta mo.

Kung hindi mo alam paano magpromote ng binebenta mo paano ka kikita?

Paano malalaman ng mga tao na nag eexist yung negosyo mo? Meron dalawang klase ng marketing stategy, ito ay ang free at paid.

Sa free, pwede mo itong gawing ng walang bayad by posting your products or services sa mga social media platforms, personal accounts, sa fb pages at fb groups.

Yung paid naman is katulad na lang ng mga nakikita mong ads sa fb wall mo. Ibig sabihin ang mga yan ay paid advertisement.

Nagbabayad sila kay facebook para mas makita yung produkto nila sa mas maraming tao.

At sa mga target people na interesado sa binebenta mo. So kung wala kang marketing system sa negosyo mo kahit gaano pa kaganda ang produkto mo walang bibili sayo.

Napakaimportante na magkaroon ka ng tamang marketing system na makakatulong din sayo to save time and energy and to get measurable results. 

#2 Operation And Tracking System

Isa sa napakahalagang system na alam mo kung paano mata track yung mga orders.

Kung ilan ang umorder sa isang araw, kung nadeliver na ba or hindi pa upon purchasing ng customer.

Kung wala ka nito, magiging magulo ang isip mo,maiistress, at malilito ka sa mga day to day task mo.

At maaring maging resulta din ng pagkalugi at hindi mag grow ang business mo.

Ganyan ka useful at ka importante na may ganito kang system sa pagpapatakbo ng negosyo mo.

Magkakaroon ka ng peace of mind, mame measure mo din yung performance ng mga staff mo kung talaga bang ginagawa nila ang trabaho nila.

And lastly, it will help you to easily grow and scale your business

#3 Statistic And Reporting System

business system

Dito naman sa business system na ito malalaman mo kung ano ang top product na mabili sa business mo, kung ano yung oras na mas maraming bumibili, kung kelan malakas at kung kelan matumal ang benta.

Or kung tawagin din natin ay Analytics. Ito ay isang data na magbibigay sayo ng tamang information para malaman mo kung ano ba yung mga produkto na nagwowork at hindi.

Kagandahan ng system na ito ay magkakaroon ka ng tamang desisyon na hindi based sa emotions mo kundi dahil base sa data analytics.

Mas magfofocus ka sa product na mabenta, at iimprove yung mga hindi nagwork and you will understand your customers better.

Having a statistic and reporting system sa iyong business will also help you to gain more sales. 

#4 Inventory System

Isa din sa mahalagang business sytem na kailangan mo ay ang inventory system.

Simple lang para malaman mo kung ano yung mga pumapasok at lumalabas na produkto.

Kung may supply ka pa or stocks ka pa. Kung ano yung mabilis maubos at alin yung hindi masyadong mabenta.

Benefits of having an inventory system is maiiwasan mo ang pagkadelay ng delivery sa mga customers mo, and you are able to ship fast and on time.

Ibig sabhin lang nyan, you are giving a good service. Kapag maganda ang serbisyo na binibigay mo sa mga customers,magkakaroon sila ng tiwala sayo.

As a result magrerepeat order ang mga yan, at irekomenda ka pa sa ibang mga kakilala nila. Then you will get more sales. 

#5 Online Payment System

Napakaganda din sa negosyo mo kung meron kang online payment system  because hindi na mhihirapan ang customer mo na lumabas at magpunta pa sa bangko para magbayad.

Dahil kung wala kang business system na ganito pwede ka din mawalan ng customer at bumili sa competitors mo.

Sa panahon ngayon gusto ng mga customer yung mabilis silang makakabili at hindi sila mahihirapan sa pagbabayad.

Convenient  sayo at sa customers mo and it will save your time, money and effort.

Halimbawa ng mga online payment system is Paypal, Paymaya, G- Cash at meron na din mga online trasnfer ang mga bangko. You can send payment in just one click sa mobile mo. 

I hope na sundin mo ang guidelines na it kung nagsisimula ka pa lang sa pagnenegosyo or meron ka ng negosyo.

Ngayon alam mo ang importansya kung bakit kailangan mo ng sistema sa business mo.

And that for today, sana ay nakatulong ito sayo at simulan mo ng i- apply sa business mo. 

By the way, I’m offering All-In-One Marketing Tools In One Place For Building, Growing, And Scaling Your Business To The Next New Level.​  If you are interested to know just click the button below.

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

But wait, maybe you are interested to know about the 8 Passive Income Ideas To Help You Make Money In 2021 click HERE!

Leave a Comment