Secret Of The Millionaire Mind- Top 5 Lessons

Last time ay nagbigay ako ng isang mahalagang principle sa libro na the obstacle is the way. Ngayon naman ay bibigyan ulit kita ng kaalaman or mga lessons na base sa libro na secret of the millionaire mind.
secrets of millionaire mind

Dito matutunan ko kung gaano kahalaga ang mindset ng isang tao para maging successful or para yumaman.

Sinasabi kasi ng author ng libro na kahit meron ka ng lahat ng karunungan sa mundo, skills, at mga tools kung hindi nakaset ang mindset mo or yung tinatawag na money blue print sa pagyaman ay hindi ka magiging mayaman.

Ang money blueprint kasi ay ang mga bagay na nagiging foundation natin patungkol sa pera. Ito yung nasa subconscious na natin na dala dala na natin hanggang sa pagtanda.

Ang money blueprint natin ay napo-program sa mamagitan ng 1. Verbal Programming, 2. Modeling, 3. Specific Incidents.

Verbal Programming 

 Ito yung kadalasan na naririnig natin sa paligid natin patungkol sa pera. Kadalasan ay nagmumula ito sa ating mga magulang, na naipasa din galing sa kanilang mga magulang.

Ito yung mga paniniwala na “Money is the root of evil” na masama maging mayaman at kung ano ano pang mga negatibong mga bagay tungkol sa pera. 

Modeling 

Sa modeling naman ito naman yung mga habits na ginagawa ng mga tao sa paligid natin patungkol sa pera.

Halimbawa na lang ng nanay mo na mahilig magshopping, or gumastos sa mga luho at ng tatay mo na mahilig magsabong, uminom ng alak at kung ano ano pang mga bisyo.

Itong mga bagay na nakikita mo na ginagawa nila noong bata ka pa ay maaring magaya mo din at posible na gawin mo din sa hinaharap or pagtanda mo. 

Specific Incidents

Sa specific incidents naman, ito yung mga personal experience natin patungkol sa pera. Na pwede din maging resulta sa pagiging negatibo nito sa atin. 

Bakit mahalaga ang Money Blueprint kung gusto mong maging mayaman? Unang una ito ang foundation mo.

Imagine kung nakaset ang money blueprint mo na galit ka sa mayaman? Na ang tingin mo sa pagkakaroon ng pera ay masama.

Sa tingin mo ba gugustuhin mong maging mayaman? Malamang ay hindi na, at makukuntento ka na lang sa kung anong meron ka.

Naalala mo ba yung mga pamahiin ng mga matatanda noon? Or narinig mo na din sa mga magulang, tiyahin at sa lola mo?

Isa sa mga ito ay yung bawal magwalis sa gabi dahil lalabas daw ang pera?

At dahil bata ka pa lang noon, naniwala ka naman at di mo namamalayan ay hanggang sa magkaanak ka na din ay ganito din ang sinasabi mo sa mga anak mo?

Naipamana mo din sa kanila ang ganitong paniniwala. Another example, kung ang paniniwala mo sa buhay ay wala ka ng mararating, na hanggang dyan ka na lang.

Dahil mahirap ang buhay na kinagisnan mo, ay magiging mahirap ka din kagaya ng mga magulang mo.

Yan ang mga poor mindset na naituro din sa kanila at naipasa din sa atin. Ngayon tignan naman natin yung money bueprint ng mga tao na nakaset sa pagyaman.

Kagaya na lamang ni Robert Kiyozaki, na ilang beses na nalugi sa kanyang negosyo pero nakabangon pa rin at naging mayaman.

Or ni Donald Trump na ilang beses na din nabankrupt ang negosyo ngunit nagiging mayaman ulit pagkalipas ng ilang taon. Ito ang pagkakaiba kung nakaset sa pagyaman ang money blueprint mo.

Ngayon na alam mo na ang ibig sabihin ng money blueprint ay dumako na tayo sa top 5 lessons sa libro na secret of the millionaire mind. 

#1 Rich people believe, “I create my life” Poor people believe “Life happens to me”.

Ang mga mayayaman na tao, may may paniniwala na sila ang may control sa buhay nila.

Na sila ang responsable sa mga actions at desisyon na ginagawa nila sa buhay.

Yung mga ginawa nila noon at ginagawa sa kasalukuyan ay ang syang makakaapekto sa kapalaran at tagumpay nila sa buhay.

Samantalang ang mga mahihirap naman ay tila go with the flow na lang. Yung wala silang control or kakayahan na mabago ang takbo ng kanilang buhay.

Speaking of control, sino ba madalas ang tumataya sa LOTTO? Tama ka ang mga mahihirap.

Dahil tingin nga nila na sa Lotto lang sila yayaman, dahil nga wala silang control sa buhay nila.

Inaasa nila sa swerte ang kapalaran, or ang posibleng pagyaman nila. Imbis na sila ang kumontrol at humawak ng manibela nito.

At sila din ang mahilig magblame, magjustify at magcomplain sa mga nangyayari sa kanila. 

#2 Rich people play the money game to win, Poor people play the money game to not lose.

Ang mga mayayaman ay mayroong mindset sa pera kung paano ito lalago at kung paano sila mananalo.

Samantalang ang mga mahihirap naman ay may mindset na kung paano sila hindi matatalo.

Kung titignan mo parang pareho pero magkaiba ang kahulugan. Ang mga mahihirap kasi nag iisip na paano kung matalo sila, paano kung malugi sila, paano kung magfail sila.

Kaya ang ending, kung gusto nilang magpayaman hindi na nila ito gagawin. Dahil sa takot na matalo sila.

Pero kung sa mayaman naman yan, iniisip na nila kung paano sila mananalo at kung ano ano ang mga paraan na ginawa ng ibang tao para manalo. 

#3 Rich people are committed to being rich, Poor people want to be rich.

Ang mga mayayaman committed talaga sila na yumaman, yung talagang ginagawa nila ang lahat para makuha yung gusto nila.

Yung kahit anong mangyari ay nagpapatuloy pa rin sila. Samantalang ang mga mahihirap gusto lang nilang yumaman.

Kung gusto mo talagang umangat ka sa buhay ay kailangan mo talagang gumawa ng mga paraan at kumilos para maabot mo ito.

Hindi sapat ang simpleng pangangarap lang o pagnanais lang dito. Marami kang dapat isakripisyo kung gusto mo talagang yumaman.

At hindi mo yan makukuha sa pamamagitan ng pag iisip lang at paghiga sa kama. You need to take action!

#4 Rich people think big, Poor people think small.

Ang mga mayayaman ay malaki mag isip or mangarap na kabaliktaran naman sa mga mahihirap.

Ang mga mayayaman ay mga ambisyosong mga tao talaga at malaki ang nakikitang end goal.

Samantalang ang mga mahihirap ay masyadong minamaliit ang sarili at ang sariling kakayahan.

Sa buhay natin kung gusto mo talagang magtagumpay, kailangan talaga na magkaroon ka ng tiwala sa sarili.

Dahil kung wala kang tiwala sa sarili mo, sino na lang ang may kakayahan na magtiwala sayo? Think Big! At magtake Action ka! Wag panghinaan ng loob kung ayaw mong matalo sa huli. 

#5 Rich people focus on opportunities, Poor people focus on obstacles

Ang mga mayayaman ay nakafocus sa mga opportunities ng kanilang mga pagsusumikap sa buhay.

Samantalang ang mga mahihirap naman ay nakafocus sa mga obstacles or sa mga problema, sa mga darating pang mga problema at sa mga negatibong bagay.

Napakaimportante na meron kang confident sa sarili na kaya mo. At di magandang mindset ang palaging nag iisip na may masamang mangyayari sa buhay mo.

Sa bawat problema palaging merong nakatagong opportunity at yun dapat ang hinahanap mo instead na magfocus ka sa mga problema. 

mindset

I hope may napulot ka na namang mga aral sa librong The secret of the millionaire mind ni T. Harv Eker. Hanggang sa mga susunod na blogs! Stay Updated! 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

1 thought on “Secret Of The Millionaire Mind- Top 5 Lessons”

  1. Good Day Sir:
    Thank you for all your blog. I saw 1st time your youtube and very helpful and informative ang mga topic mo. Just like this blog, yung tipong pag nag start mong basahin gusto mo na tapusin lahat ng blog kasi sa dami ng insights and learning. Thank you again!

    Reply

Leave a Comment