Isa ka ba sa mga Overseas Filipino Workers na matagal ng nagtatrabaho abroad?
Isa ka ba sa napakaraming kababayan natin ang nasa cycle na ito?
Well, kabayan baka makarelate ka sa topic na ishashare ko sayo today.
This is based on my own experience as a former ofw.
Maybe you are here because it’s time to change your cycle as an OFW or isa sa mga overseas filipino workers.

RICH NOW STAGE
Likas siguro sa atin na kapag bago tayo sa isang lugar or bansa, we tend to adopt their lifestyle. We are surrounded by temptations.
Sabik tayo sa kung anong bago na nakikita natin.
Like mga bagong style ng sapatos, damit, branded bags, gadgets at iba pa.
Dahil sa hindi mo naranasan magkaroon ng mga bagay na ito, nung asa Pilipinas ka pa noon and wala pang kakayahan na mabili ang mga gusto mo.
You reward yourself every payday and think that it’s time for you naman to enjoy your hard earn money. At dahil dyan wala kang ipon.
Next, is dahil nga gusto mo din na mapasaya ang pamilya mo ,kahit malayo ka gusto mo iparamdam sa kanila yung pagmamahal mo.
Magpapadala ka ng naglalakihang balikbayan boxes.
Gusto mo ibigay lahat sa kanila kasi iniisip mo yung kaligayan nila at ito ang tamang timing para makabawi sa kanila.
As a result wala ka din ipon, dahil sa kabibili mo ng mga groceries, damit, at kung anong ano pa para mapuno yung box na ipapadala mo.
The One Day Millioner- Maybe for some talagang uso pa rin ito na kapag umuuwi ng bansa ang isang ofw ay may nakahandang isang malaking salo salo.
Or di kaya naman pinapakain sa restaurant ang buong angkan, mga kaibigan, at may kalakip pa na pasalubong.
Hindi ko sinasabi na masama to share your blessings, but you need to be practical. Ang perang nauiwi mo para magbakasyon ay mauubos at baka negative pa.
Put in mind na pinaghirapan mong kitain iyun sa loob ng 2 taon o higit pa at mawawala sa isang iglap lang.
Dahil nga sa nagkapera ka na, magpapagawa ka ng napakagarbong bahay at bibili ng latest model ng sasakyan na gusto mo.
Again, im not saying na masama ito pero dapat isaalang alang mo muna ang mga bagay na higit na mas kailangan mo in the future.
At dahil sa maling paggastos kaya nauuwi sa kahirapan ang isang ofw.
POOR LATER STAGE
TUMANDA SA IBANG BANSA – Lingid sa kaalaman ng karamihan, marami sa ating mga kababayan abroad ang hindi makauwi at inabot na ng 30-40 years dahil sa takot.
Sa takot kung saan kukuha ng mga pang araw araw na pangangailangan at pambayad sa mga sa bills at kung sa kung ano ano pang mga bagay na pag gagastusan.
BIGLAANG PAGKAWALA NG TRABAHO- At dahil din sa panahon natin ngayon simula ng pandemya, maraming mga na – lay off sa kanilang mga trabaho,napauwi ng hindi handa, bankrupt or zero dahil sa maling paggamit ng pera.
May mga kababayan din tayo na umuwi ng bansa na bumalik sa kanilang dating trabaho.
Halimbawa ay ang isang driver na nagpunta sa Dubai, napauwi dahil nagsara ang kumpanyang pinapasukan.
Bumalik sa pagiging driver dahil sa walang ipon at walang kahandaan.
Nakakalungkot mang isipin, ito ang realidad ng buhay ng ating mga kababayang nakipagsapalaran makapagtrabaho sa ibang bansa.
At sa loob ng apat na dekada paulit ulit lang RICH now, POOR later cycle ng ng mga Plipino sa ibang bansa.
Ngayong alam mo na, panahon na para mag isip ka ng way to manage your finances well.
Tandaan, ang perang kinikita mo sa ibang bansa ay hindi madaling kitain.
Dugo at pawis ang pinuhunan mo dyan. Matuto kang gamitin ito ng tama.
Source: Free And Rich University
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.