Nahihirapan ka bang magdesisyon kung magsisimula ka na ba ng online business mo?
Na stuck ka din ba sa idea lang at hanggang ngayon ay wala kang ginagawang action? Let me help you with this, I know there’s a lot of noise and options on the internet. Gawin natin itong simple para sayo. Meron kang dalawang option, at kailangan mong pumili kung ito ba pagbebenta ng services or pagbebenta ng products.
Services- Ito yung pagbebenta mo ng iyong skillset and expertise. Sa madaling salita binenbenta mo ang saril mo. Yung value na maibibigay mo na makakalutas ng problema ng karamihan.
Products- Ito naman ay pwedeng physical products na malimit mong makita sa mga e-commerce store or digital products like software, ebooks, courses, Apps, coaching packages at iba pa.
So may 3 questions na dapat mong tanungin ang sarili mo bago ka magsimula ng isang online business.
#1 Does it have high-profit margins?

When it comes to starting an online business, you have to ask this question if the product or services that you choose have a high-profit margin?
Let me give you an example, halimbawa yung produktong binebenta mo ay tumutubo ka ng 50 pesos kada piraso.
Do you think sapat na ba yung kumikita ng 50 pesos sa bawat product na mabebenta mo?
Macocover na ba dyan yung pababayad mo sa marketing or pag a-advertisement at sa pagbabayad ng employees mo?
Or baka lugi ka pa? Kapag ganito ang scenario, mahihirapan kang palaguin ang business mo.
What if yung nakuha mong product ay may puhunan na 100 pesos lang at nabebenta mo ng 500 pesos o more?
So meron kang 400 pesos na kita kada piraso.“ Business is a game of margins, Not volume.”
Hindi ibig sabihin na marami kang nabebenta ay kumita ka na ng malaki,
kailangan mo din iconsider kung malaki ba yung tubo or kikitain mo to cover all the expenses at yung matitira is yung net profit mo.
Buy low and sell it high, It makes sense tama ba?
#2 Are they actively looking for solutions?
Kailangan mong tanungin kung yung product ba na ibebenta mo ay yung product na sinesearch ng mga costumers online?
Ito ba ay solution sa mga problema nila? Ito ba yung product na gugustuhin nilang bilhin?
Gaya ng nabanggit ko sa isang vlog ko 12 Things To Do Before Becoming An Entrepreneur
You need to validate the product that you want to sell if ito ba ay in-demand sa target market mo.
So paano ba malaman kung ano yung hinahanap ng mga consumers?
You can do research by looking for the keywords that people are searching for products, needs, and solutions online.
It will be easy for you na magbenta ng produkto na alam mong yun ang hinahanap ng isang customer.
Meron dalawang type ng demand sa market, ito yung existing demand and created demand.
Mas madali magbenta ng kahit ano if there is a existing demand.
Because hindi mo na need i-explain and i- convince ang potential customer kung bakit nya kailangan bilhin ang produkto na binebenta mo dahil alam na nila kung bakit nila kailangan yun.
They are just looking for the best option to buy. Ito yun advantage ng existing demand sa created demand,
hindi mo na kailangan pang mag create ng bagong demand sa market kung pwede ka naman magbenta ng isang product na hinahanap na ng mga consumers.
#3 Is It On Trend?

Yes, kung mag o- online business ka alamin mo kung yung product na gusto mong ibenta ay asa trend.
Hindi lang dahil sa uso sya ngayon, kundi ang ibig kong sabihin yung product na hindi nawawala sa uso kahit lumipas ang taon.
Katulad na lang ng mga health & wellness and beauty tech products.
Di ba ang daming mga tao ngayon ang naghahanap paano maiprove ang kanilang health lalo na sa panahon ngayon.
Beauty tech naman, madami din sa mga kababaihan at kalalakihan ang gusto iimprove ang kanilang skin,
lalo na yung mga nagsa suffer sa acne, gusto pumuti ang balat, gustong bumata ng 10 years and so on.
Hanapin mo yung product na trend sa mga mamimili, im sure it will give you a good profit margin.
Dahil nga sa trend sya, expect mo na maraming tao ang naghahanap nito at gustong bumili.
Let’s have a review sa mga question na dapat mong tinatanong sa sarili mo bago ka mag online business;
#1 Does it have high-profit margins?
#2 Are they actively looking for solutions?
#3 Is it on-trend?
That’s my business tip for you today kung gusto mo mag start ng online business. I hope na nakatulong ito sayo na magkaroon ng clarity sa mga ideas mo. See you on my next blog!
To your success,
Jay Gregorio
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.