Number 1 Money Rule That You Should Do

Ano nga ba ang number 1 money rule na dapat na ginagawa mo pero hindi mo ginagawa?

Sa panahon ngayon iba na ang may diskarte. Dahil kung wala kang gagawing action ay talaga namang walang mangyayari sa buhay mo.

Lalo na ngayon na mahirap kitain ng pera para sa iba dahil nga sa kakulangan sa diskarte at ayaw mag invest ng ibang skills.

Kung ano yung alam nila yun lang ang gusto nilang gawin, na hindi na nga effective sa panahon natin ngayon.

Alam mo ba na kahit pandemic ngayon ay marami pa rin ang patuloy na kumikita ng malaki?

Yes, kahit na maraming negosyo ang nagsara marami din naman ang mga mga bagong negosyo ang pinanganak.

Kung ikaw naman ay hindi naapektuhan ng pandemic at patuloy na kumikita sa trabaho or business mo, ano ba yung money rule na ginagawa mo sa pera mo? 

Most People Do

Kapag kumikita ka ng pera ano ba yung mga desisyon na ginagawa mo? Isave? Gastusin? Or Palaguin?

Karamihan sa iba ay hindi maruong humawak ng pera. Na- ooverwhelmed kapag nakahawak ng malaking halaga.

Sila yung mga taong inuubos ang pera nila sa pagsa- shopping, pagbili ng mga luho, or sometimes sa sugal.

Gumagastos sa mga bagay na hindi naman nila kailangan.

Pero im sure most people dumaan din sa ganitong sitwasyon at natuto na sa mga pagkakamali na ito sa maling paggamit sa pera.

At ngayon ay mas wais na sila sa paghandle ng kanilang finances.

 And the number 1 money rule na ginagawa nila ay ang “Pay Yourself First.
money rule

Pay yourself first, it means na unahin yung sarili mo by putting money in your savings, in your investments, or sa business mo.

You need to do it every month, paglaanan mo yung tatlong bagay na ito bago ka gumastos sa ibang mga bagay.

But what happens to most people, inuuna ang online shopping 5.5, 6.6, 7.7.sale at every month na sale.

At yung matitira yun ang itatabi para sa sarili. Gusto mo ba na tira tira na lang ang mapunta sayo?

Or kung minsan ay wala pa ngang natitira. Maling mindset ng mga pilipino ay kung ano na lang ang matira after nila gumastos ay yun na lang ang isesave.

Baguhin mo na ang ganitong mindset at matuto kang gamitin ang pera mo ng tama. Here is my sample kung paano ko denidevide yung kita ko ng isang buwan. 

money rule

So ang simpleng Pay yourself first ang ginagawa ng mga mayayaman kaya sila yumayaman.

Kailangan na consistent ka din na gawin ito kung talagang gusto mo sumunod sa yapak ng mga mayayaman.

At mas mataas ang chance mo na magkakaroon ka ng mas maraming option na padamihin ang pera mo.

Ano ba yung mga options na pwede mong gawin kapag may naitabi ka or may sobra kang pera?

  • Option para sa mga paparating pang mga opportunities
  • Option na makabili pa ng mas maraming investments
  • Option para matuto at i- upgrade ang mga skills mo
  • Option para palaguin pa ang business mo. 

Ngayon naman na marami ka ng option na pwede mong gawin, ang tanong mo naman paano mo papabilisin ang pagdami ng pera mo na dapat ginagawa mo na ngayon?

#1 Pataasin at padamihin ang source of income – One of the easiest way para pataasin ang income mo ay dagdagan mo pa ang skills mo.

Or pataasin mo yung value na naibibigay mo sa ibang tao. And since na nagkaroon ka ng mahusay na skills ay pwede mo rin ito magamit sa pagsisimula mo sa negosyo na katumbas din ng malaking earning potential para sayo.

Kung gusto mo talaga maging successful hindi lang sa pagyaman kundi maging financial free,

yung hindi mo na iniisip ang mga pagkakagastusan dapat mong maintindihan na kailangan mo muna magbigay ng value sa ibang tao.

There’s no other way para umasenso ka sa buhay. Pag naintindihan mo ang concept na ito, pataasin ang income mo instead of pataasin ang gastos mo. 

#2 Start building another source of income–  Habang nagtatrabaho ka or empleyado ka, simulan mo ng magcreate ng another source of income.

Pwede ka magsimula sa mga araw at oras na libre ka. Pwede ka rin mag part-time para madagdagan yung kita mo at para lumaki din yung pera na pwede mong ilagay para sa sarili mo.

And eventually, kapag talagang kumita ka na sa nasimulan mo, pwede ka na magresign sa trabaho mo at magfull time na sa negosyo mo.

Alam mo ba ang sikreto ng mga mayayaman na tao? Nag iinvest muna sila sa sarili or pinapadami muna nila ang pera nila bago padamihin ang pera ng iba.

Ang ibig kong sabihin halimbawa na lang ng taong may poor money habit, uunahin na ubusin ang pera sa pagbili ng mga bagay na di naman nila kailangan.

So ang inuna nilang payamanin ay ang taong mayayaman na. Instead of paying their self first.

See gaano kahalaga itong # 1 money rule na ginagawa ng mga successful na tao.

Na pwede mo rin naman i- apply sa sarili mo kung talagang seryoso ka magkaroon ng pagbabago sa buhay mo. 

I hope may bagong kang natutunan sa blog na ito. Don’t forget our # 1 money rule to Pay Yourself First na dapat mong i- implement at simulan ngayon. 

At kung desidido ka na mag create ng another source of income maybe this INCOME TIPS will help you. 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Leave a Comment