Gusto mo rin bang makamit ang tagumpay sa buhay mo, kung oo kailangan mong maging ready sa mga sakripisyo na dapat mong gawin para maabot mo ang mga pangarap mo.
Katulad ng mga successful na tao na maaaring kilala mo ay hindi lang basta nagtagumpay sa buhay nila ng ganon kadali.
Hindi iyon parang natulog ka na lang at pag gising mo ay mayaman ka na. May mga bagay silang isinakripisyo makuha lang ang mga bagay na gusto nila.
Halimbawa na lang ni Bill Gates, bago pa siya binansagan na isa sa mga pinakamayamang tao sa mundo nag- sakripisyo muna sya.
Nasabi niya sa isang interview noon na noong nagsisimula pa lang ang mirosoft ay nagtatrabaho siya ng 16 hours a day at hindi siya nagbabakasyon at gumagala sa loob ng sampung taon na yon.
Kung iisipin mo napakalaki ng sakripisyo na ginawa niya bago siya nagtagumpay, Ikaw ba willing ka din ba mag- sakripisyo para sa mga bagay na gusto mo makamit?
Halika at talakayin natin ang 5 sakripisyo na dapat mong gawin para magtagumpay.
#1 Entertainment

Ang kagustuhan na maging successful sa anumang larangan sa buhay, ay nangangailangan ng practice at focus.
So handa ka ba na isakripisyo ang entertainment kapalit ng pangarap mo?
Para maging matagumpay ka hindi pwede ang mga distractions kagaya ng mga panonood ng mga entertainment sa TV, neflix at sa online na karaniwang napapanood natin ngayon.
Or updated ka ba lagi sa social media, kagaya ng Facebook, TikTok, Twitter para tingnan kung anong bagong post ng kaibigan mo?
Ang mga successful na tao ay walang oras sa entertainment, dahil ang kanilang focus ay doon sa mga bagay na gusto nila makamit.
Wala silang panahon na magsayang ng oras para sa mga walang kwentang bagay. If you are willing na maging successful kailangan mong baguhin ang ginagawa mo,
Instead of wasting time sa entertainment bakit hindi mo simulan ang mga steps kung paano makukuha ang mga gusto mo.
We all have 24 hrs a day, at di kaba nagtataka why some people after 10 years ay malaki na ang pinagbago sa buhay?
Kung baga asensado na at yung iba naman ay ganun pa din at walang pinagbago. Kaya simulan mo na ngayon na i-build ang mga pangarap mo.
Wag mong hayaan na magtrabaho ka sa ibang tao at tuparin ang goal nila.
“It takes ten thousand hours to truly master anything. Time spent leads to experience; experience leads to proficiency; and the more proficient you are the more valuable you’ll be.”
#2 Time
Para magkaroon ng financial freedom kailangan mong isakripisyo ang oras. Kailangan mo talagang pagtuunan ng time and dedication ang pagbi-build mo sa goal mo.
Katulad ng isang halaman na kailangan mong diligan araw araw at alagaan sa mahabang panahon bago ka may makuhang bunga mula dito.
Ang mga mayayaman na tao or successful na ay mas naniniwala na ang success ay isang proseso.
At kasama sa proseso na yan ay mga challenges na na nasosolved nila or napagtagumpayan nila.
Mas importante sa kanila ang pag develop ng skills kesa sa yaman na hinahangad.
Kasalungat naman nyan ay ang mga taong nanalo sa Lotto.
Kung gaano kabilis ang pagdating ng pera ganon din kabilis ang pagkaubos.
Dahil nga wala silang skills at di nila alam kung paano ang tamang paggamit dito.
Kung talagang seryoso ka na abutin ang mga pangarap mo kailangan mong magsakripisyo ng time para i-improve ang mga skills mo, and enjoy mo lang ang proseso.
Kung gusto mo magkaroon ng long term result kailangan mo din magkaroon ng long term na skills.
#3 Pahinga/ Tulog
Alam mo ba na ang mga successful na tao ay natutulog lang ng 5-6 na oras nung nagsisimula pa lamang sila?
Mahaba kasi ang paglalakbay tungo sa tagumpay kaya nagtatrabaho sila ng extrang oras para magkaroon din ng extrang resulta.
Hindi sila nag iisip ng pahinga hanggat hindi nila nakukuha ang goal nila. Iniisip nila ang pag abot nila sa kanilang pangarap ay parang isang trabaho.
Kung on duty ka ngayon, kailangan mong magtrabaho, gustuhin mo man oh hindi.
Kaya kung gusto mo na mapabilis ang resulta ng pagyaman mo, kailangan na tratuhin mo din sya na parang trabaho.
Handa ka na ba isakripisyo ang extra mong oras para sa mga pangarap mo?
#4 Toxic Friends
Alam naman natin na isa sa mga dahilan ng hindi natin pag unlad sa buhay ay ang pakikisama natin sa mga negative people or toxic friends.
In every solution, lagi silang may problema. So isa sa mga sakripisyo na ginagawa ng mga successful na tao ay ang pag iwas sa mga toxic na kaibigan.
Katulad na lang kung may mga kaibigan ka na mahilig mag bisyo at maglustay ng pera, hindi malabong ganun ka din katulad nila.
Kung ang mga kaibigan mo naman ay mga business minded at kumikita ng 50k a month, sigurado ako na ikaw ay pareho din na kumikita ng 50k a month.
So kaya mo bang i- sakripisyo ang mga toxic friends mo sa ngalan ng pangarap?
Samahan mo yung mga taong may matataas na pangarap, yung mga tao na tutulungan ka at susuportahan kang magtagumpay, yung mga taong may positive mindset.

#5 Pride & Ego
Ikaw ay ang tipo ng tao na mataas ang pride? Yung mas iniisip mo pa ang iisipin ng ibang tao kaysa humingi ng tulong?
Para maging successful sa buhay kailangan mong lunukin ang pride mo. Walang masama sa paghingi ng tulong kung kailangan mo, hindi yun kabawasan sa pagkatao mo.
Ang mga taong nagtagumpay na sa buhay, minsan na din nagpakababa. Ginawa nila lahat ng paraan na alam nilang makakatulong sa kanila sa pag achieve ng mga goals nila.
Hindi nila binibigyan ng importansya ang sasabihin ng ibang tao. So ikaw kaya mo bang i- sakripisyo ang pride at ego mo?
“ To Become successful, It’s not about doing what you love, It’s about doing whatever it takes.” – GRANT CARDONE
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
Worth it basahin. Thanks Jay.👍👌
Your welcome Bro Vergel 🙂
sacrifices and focus sa goal, salamat coach
You are welcome, Donald! 🙂
salamat coach jay gregorio sa sisikapin ko po para makamit ko ang akin tagampay sa online business
maganda sana kaso mas iniiisp ko din health ko physically and mentally. para naiisip ko kasi pag lahat binigay ko para sa goal ko madali ako mamamatay due yo health condition.