How To Be Productive Using Eisenhower Matrix

Familiar ka ba sa Eisenhower Matrix? Kung hindi pa, yan ang topic na pag uusapan natin ngayon na makakatulong sayo na magawa ang mga bagay na kapaki pakinabang.

Or makakatulong sayo na maging productive ang araw araw mo. Normal lang na minsan ay nawawalan tayo ng gana or motivation sa mga bagay na palagi nating ginagawa.

Kaya naman dapat na malaman mo ang IMPORTANCE AT URGENCY ng mga ito.

Ibig sabihin dapat alam mo kung gaano kaimportante ang isang bagay sayo at kung kailangan mo na ba itong gawin or matapos agad.

Isang paraan para mavisualized mo yung mga projects or activities mo sa TO-DO LIST mo ay ang paggamit ng Eisenhower Matrix.

Gaya nga ng nabanggit ko kanina, mahalaga na alam mo ang kahukugan ng importance at urgency.

Ang  Eisenhower Matrix ay nahahati sa 4 boxes. Gaya ng picture sa ibaba. 

Eisenhower matrix

IMPORTANT- URGENT

Eisenhower matrix

Kapag ang isang bagay ay importante at urgent gawin mo na agad ito at ilagay mo sa unahan ng mga priorities mo.

Halimbawa nito ay yung mga projects na merong deadline, Pag update sa mga potential customers,

pagpunta sa grocery store ng maaga para maiwasan ang mahabang pila, or ang simpleng pagdedevotion mo sa umaga at marami pang iba.

Dyan papasok ang mga priorities mo, important at urgent. Disclaimer lang, ang mga halimbawa na binanggit ko ay subjective lang. Maaring importante ito sayo, maaring hindi sa iba. 

IMPORTANT- NOT URGENT

Ito naman ay kapag ang isang bagay ay importante pero hindi ganun ka urgent.

Ito yung mga activities na walang deadline pero still mahalaga ito sayo.

So ito yung mga bagay na pwede mong ischedule. Halimabawa na lang ng pag eexercise ng 3x a day na gusto mo gawin ng Monday, Wednesday at Friday.

Pagsscedule ng pagwiwithraw at pagdedeposit ng pera, or kung mahilig ka naman magsulat sa pamamagitan ng blogging at gusto mo sya gawin ng once a week.

Ang mga bagay na ito ay examples lamang na maaring importante sayo pero hindi urgent. 

NOT IMPORTANT- DELEGATE

Dito naman papasok yung mga bagay na kailangan mo din gawin pero pwede mo din naman ipagawa sa ibang tao.

Ibig sabihin hindi kailangan ng set of skills para magawa ang mga bagay na ito.

For example, in an online business perspective, pwede mo na lang i-deligate yung mga pagsagot ng mga inquiries sa facebook pages mo,

sa emails, pagbook sa lalamove or other couriers at pagship ng mga orders at iba pa.

Ang point din ng box na ito ay kailngan din natin ng tulong ng ibang tao para makapagfocus pa tayo sa mga bagay na mas importante at urgent na need na natin gawin. 

NOT IMPORTANT- ELIMINATE IT

Lastly, yung mga bagay na hindi ganoon kaimportante sayo at di din ganoon ka urgent ay pwede mo munang ipagpaliban or i- eliminate.

Dito papasok sa box na ito yung mga leisure recreational activities tulad ng video games, social media, Netflix, your favorite show, night outs or hang out with friends.

Hindi naman ibig sabihin na totally alisin mo ang mga bagay na ito. Dahil kailangan din naman natin mag unwind para sa ating emotional health.

Ang gawin mo ay i- moderate mo lang tong mga mga na hindi naman ganon kaimportante sayo para hindi naman sya maging cause of distraction sa mga bagay na mas importante sayo.

In summary, ang Eisenhower matrix ay makakatulong sayo para maging efficient or maging as productive ka araw araw.

Dahil nga pinapaala nito sayo na kung ano yung mga gawain na mahalaga at kailngan mo ng gawin agad.

Tandaan ang Importance and Urgency. Now I want you to get a paper and idrawing mo ang Eisenhower matrix at magreflect.

Isulat mo dyan ano ba yung mga bagay kung ano ang mga priorities mo at kung ano ang mga bagay na importante sayo. 

I hope may bagong aral kang natutunan sa short topic na ito.

And syempre kinakailangan samahan mo rin ng aksyon kung talagang gusto mo na maging productive

at hindi masayang ang oras mo sa mga bagay na hindi makaktulong sayo para lumago.

Godbless sayo and see you on my next blog! 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment