How To Avoid Impulse Buying – 4 Question To Ask Yourself First

Pwede ba talaga maiwasan ang impulse buying? Ano ba yung mga tanong na dapat tinatanong mo muna sa sarili mo bago ka bumili ng isang produkto? 
impulse buying

Katatapos lang kahapong ng 6.6 mid year sale ng Lazada At Shopee.

Isa ka din ba sa mga nadala ang emosyon sa pagbili sa mga online shopping platform na ito?

Im sure yes, dahil kahit saan ay makikita natin ang mga advertisement nila sa TV programs, commercials, sa ating mga mobile phones, sa internet lalo na sa social media.

Pa ulit ulit ito nagpapaalala tungkol sa mga produktong until 90% off daw at free shipping voucher.

At talaga namang hindi mo mapigilan ang sarili mo na hindi iclick ang ads, at mag ad to cart then check out.

Dahil nga sa sale ang isang item at iniisip mo na sayang ito kung di mo makukuha ng mura, kayat agad agad mo na din itong binili.

Then naisip mo kung tama ba ang desisyon mo na bilhin yun, dahil napektuhan ang budget mo.

Malaking problema yan, kaya naman let’s talk about paano mo maiiwasan maging impulse buyer o ang impulse buying.

#1 Kailangan ko ba ito ngayon?

Unang tanong na dapat mong itanong sa sarli mo para maiwasan ang impulse buying.

Kailangan ko ba ito ngayon? Halimbawa ng bagong labas na model ng Iphone.

Kailangan ko ba ng worth 30k na cellphone ngayon? At kung hindi ang sagot, edi wag mong bilhin.

Dahil nga sa di mo naman sya kailangan ngayon at kung may cellphone ka pa naman na ginagamit at gumagana pa.

Minsan kasi nakakalimutan na natin timbangin kung yung gusto nating bilhin ay needs ba natin ngayon or wants lang.

Yung kagustuhan lang na makasabay sa uso or maging in dahil ang karamihan ay meron na ding ganong cellphone.

So para makaiwas sa impulse buying, stop and think muna kung kailangan mo ba talaga ito ngayon.

#2 Ayos lang ba ako ngayon?

Isa pang dahilan na nagiging impulse buyer ang isang tao dahil sa mga emosyon na nararamdaman natin.

Kung ikaw ba ay masaya, malungkot, stress, galit, heart broken at kung ano ano pa.

Kapag mataas kasi ang emosyon natin hindi na tayo nakakapag isip ng maayos kaya ang end up ay nagiging emotional buyer tayo.

At nadadala ng emosyon or impulse buying. Katulad na lang ng stress eating. Kapag stress daw, mas marami ang nagagastos sa pagkain. Ginagawang stress reliever yung pagkain.

impulse buying

Or yung iba naman na sobra ang saya na nagpapaparty at nagpapainom na hindi na iniisip yung gastos basta alam nya gusto nya lang magcelebrate.

Ending kinabukasan, kamot ulo dahil wala ng pera. Ang tip ko sayo bago ka bumili ng isang bagay ay tanungin mo muna ang sarili mo kung ayos ka lang ba ngayon?

At kung hindi ay mag pause ka muna at mag inhale exhale…

Dahil ang trabaho talaga ng mga advertiser ay targetin ang emosyon ng mga mamimili sa pamamagitan ng tinatawag na Scarcity at Urgency.

impulse buying
Gaya ng Don’t Miss out! Up to 70% off, Super Sale! 2 Pieces Left, Flash Sale! 1 Minute Left!

Ipapamuka nila sayo na mauubos na yung item, or kailangang kailangan mo na itong bilhin kasi until today na lang ito.

Kaya kung emotional ka talaga sa pagbili madadali ka talaga ng mga sale strategy na ganito. 

#3 Gagamitin ko ba ito ng matagal? 

Isa sa mga tanong na dapat mong tanungin ang sarili mo is kung gagamitin mo ba ito ng matagal?

Isa pang factor ng impulse buying ay dahil trending or uso ang isang produkto. 

Pero kadalasan naman ng mga ganitong produkto pagkalipas ng ilang buwan or isang taon ay wala na or wala na talagang gumagamit.

So kung bibili ka ng isang produkto tanungin mo ang sarili mo kung gagamitin ko ba ito ng matagal?

Hindi sa dahil trending lang kaya mo bibilhin at di mo naman magagamit ng matagal at itatambak mo lang naman sa bahay mo.

Isipin mo kung sulit ba yan kapag binili mo at kung magagamit mo ng pang matagalan. 

#4 Afford ko ba ito?

Masakit na tanong na dapat mong itanong sa sarili mo bago ka bumili ng isang bagay, afford ko ba ito?

Dahil gustong gusto mo ang isang bagay kahit di mo afford ay talagang pinilit mong bilhin gamit ang credit card mo, or umutang ka pa sa kaibigan mo.

So ang ending nagkautang ka pa at nagkaroon ka pa ng stress paano hahatiin ang sweldo mo para sa budget at para sa pambayad sa utang.

Kaya importante na alam mo kung afford mo, kasi kung hindi ay mainam na wag mo ng bilhin.

Mas masarap mabuhay ng may peace of mind, na walang iniisip na utang na kailangan bayaran. 

Sabi nga sa isang qoute, “Don’t live beyond your means. If you cannot afford something then save for it.”

Ito ang apat na questions na dapat mo munang tinatanong sa sarili mo para maiwasan mo ang impulse buying or maging impulse buyer. I hope may natutunan ka ulit, until my next blog! 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment