Katulad ng pag aaply sa trabaho, mula sa resume natin may nilalagay na tayong mga skills na isang malaking point din sa HR or employer ng kumpanya para ma hire ka.
Meron tayong soft skills at technical skills na tinatawag. Ang isang employer ay hindi lang nakabase sa technical skills ng isang applicant,
binibigyan din nila ng importansya ang soft skills which means your personality, attitude, flexibility, motivation, and manners.
To be wealthy, meron din mga skills na dapat mong taglayin na kayang kaya mong gawin at matutunan.
Wag ka mag alala hindi ito tungkol sa mga technical skills gaya ng iniisip mo. Pag uusapan natin ngayon ang mga practical skills na kahit sino ay kayang gawin ito.
#1 Tamang Paghawak Ng Pera
Ikaw ba ay may disiplina sa paghawak ng iyong pera? Nababudget mo ba ng tama ang income mo?
Well Alam mo na nag sagot sa tanong ko kung ikaw ay magpahanggang sa ngayon ay walang ipon.
Or naghihirap ka pa rin at laging negative pa ang income mo versus expenses. Sabi nga nila, hindi daw ayan about sa laki ng kinikita mo, tamang disiplina lang yan.
May mga tao na kahit maliit ang income ay napapagkasya at nakakapag ipon pa.
Ang key talaga ay sa tamang paghawak ng pera. Iwasan ang maging impulse buyer, dahil alam mo na mangyayari kapag nagpadala ka sa emosyon mo.
Imaster mo ang tamang paghawak mo sa pera kahit maliit pa lang ang kinikita mo.
At sigurado ako na kapag lumaki pa ang income mo in the future, mas matalino ka na kung paano hahawakan ito ng maayos.

#2 Patience
Kung gusto mo talaga maging wealthy at maging successful sa buhay kailangan mo din ng magkaroon ng patience. Karmihan kasi sa atin ay gusto ng instant.
Gusto yung laging mabilisang pagkuha ng isang bagay. Nasanay kasi tayo sa tinatawag na instant gratification o yung lahat ng bagay gusto natin nakukuha natin agad.
Na kabaliktaran sa mga katangian ng mga chinese na delay gratification.
Na kung saan naman ay nagtitiis muna sila at naghihintay ng matagal bago kuhanin ang isang bagay na gusto nila as a reward for their hardwork.
Kaya kung gusto mo talagang maging wealthy, matuto kang magpasensya at wag maging mainipin.
Dahil alam naman natin na wala naman talagang instant sa pagyaman.
At baka sa pagmamadali mo ay baka mascam ka pa sa mga napakaraming nag aalok sa internet ngayon ng mga rich quick scheme.
#3 Time Management
Ang hirap din nito kapag wala ka talagang plano ng mga gawain sa isang araw.
Isang skill na dapat mo din ipractice ay pagkakaroon ng time management.
Para maging succeessful ka sa buhay, kailangan mo din na mamanage ng tama ang oras mo.
Yung may oras ka para gumawa ng mga makabuluhang bagay. Gaya ng pagpapalawak pa ng kaalaman, at paggawa na din ng aksyon sa mga bagong kaalaman na natutunan mo.
Hindi kasi pwedeng maging successful ang taong nagsasayang lang ng oras sa mga bagay na hindi naman nakakapag palago sa kanila.
Hindi iyun nakakatulong para makausad ka din at magkaroon ng pagbabago sa kung anong stado mo man ngayon sa buhay.
Kaya dapat ay magkaroon ka din ng isang listahan na susundan mo or magiging guide mo sa araw araw.
Isulat mo yung mga dapat na gagagawin mo mula sa pag gising mo sa umaga.
Sa ganyang paraan makakatulong yan sayo na mapush ka na mayroong gawin at maging productive ang araw mo.

#4 Paghandle Sa Problema
Ang buhay natin dito sa mundo ay tila ba di nauubusan ng mga problema. Pero sa bawat problema ay di rin naman nauubusan ng mga solusyon.
Nasa tao na lang talaga yan paano nya ihahandle ang problemang nararanasan nya.
May mga tao kasi na kapag nakaranas ng problema ay lugmok na lugmok na at nag-dwell na sila doon.
Yung nagfocus na sila doon sa problema at sinukuan na nila. Meron namang iba na instead na gumawa ng solusyon ay puro reklamo pa at kung sino sino pa ang sinisisi.
At meron din namang iba na ginagamit ang problema as an inspiration na na magpatuloy pa sa buhay.
Instead na malugmok ay hinaharap nila ang kanilang problema at gumagawa ng solusyon.
May magandang naidudulot din naman ang mga problema na dumadating sa atin, yun yung tuturuan tayo na maging strong tayo sa ating personality
at tinuturuan din tayo ng mga aral na makakatulong sa pag level up natin at umusad sa buhay.
#5 Communication Skills
Ayun, kailangan mo din na maging magaling na makipag communicate sa tao. Hindi aasenso ang taong mahiyain!
Kailangan mo talagang matuto makipag usap sa mga tao. Paano ka magnenegosyo kung mahiyain ka, paano mo kakausapin ang mga tao na bumili sa inaalok mong produkto?
Or kung may nililigawan ka naman, paano mo mapapasagot ang babaeng gusto mo kung nahihiya kang makipag usap?
Overall, ang communication skills ay kailangan natin in terms of good relationship, sa family, sa business, or sa trabaho.
Para magkaintindihan at maiwasan ang mga pagkakaroon ng problema dahil sa misunderstanding at kakulangan sa communication ng bawat myembro.
Kung gusto mong maimprove ang iyong communication skills bisitahin mo itong Blog ko.

Lastly, Pinakaimportanteng skills sa lahat ay ang Focus at Continuous learning.
Sa pag abot mo sa mga pangarap mo or kung gusto mo talagang maging matagumpay ito ang dalawang skills na dapat ay meron ka.
Pagiging focus sa kung ano ba talaga ang goal mo sa buhay. Kasi kung wala kang focus,
at hindi ka nakatuon sa mga bagay na makakatulong sa pagtupad mo ng goal mo,
malaki ang chance na walang mangyari at walang progress sa pag angat mo sa buhay.
Kaya isipin mo ngayon saan ka ba nakafocus? Ano ba yung mga ginagawa mong paraan para maisakatuparan ang mga pangarap mo?
Continuous learning skill naman, ayan ang skill na meron ang mga mayayaman na tao.
Patuloy silang nag aaral ng bagong kaalaman para makasabay sa takbo ng panahon.
Kaya naman patuloy din silang yumayaman. The moment na magstop ka mag absorb ng mga karunungan, ay para na ring nagstop ka na ring mag move forward.
Ang tagumpay kasi ay nakadepende din sa mga matutunan mo at inaapply mo.
Walang shortcut sa pagyaman, kailangan mo talaga ng tamang focus at continuous learning.
I hope may bagong natutunan ka na naman ngayon and simulan mo ng i-practice ang mga skill na ito. Stay updated sa ating mga susunod pa na blogs!
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.