6 Enemies In Business That Preventing You To Succeed

enemies in business

Do you really know who are your enemies in business?

Kilala mo ba yung mga kalaban mo na pumipigil sayo na magtagumpay sa negosyo mo?

Alam natin na hindi madali ang pagnenegosyo kaya naman dapat meron kang laging bagong strategy para makasabay ka sa mga kakumpitensya mo.

Tara kilalanin natin ang 6 enemies in business na pumipigil sayo na magwagi sa negosyo mo.

#1 Toxic Competition

Competition ito ay given na sa pagnenegosyo. Una sa magiging enemies in business mo.

Kung ikaw ay asa food business, kagaya na lang ng mga fastfood chain like jolibee, Mcdo, Burger King, KFC at iba pa.

May maganda rin naman naidudulot ang competition dahil magkakaroon ka ng dahilan para mas galingan mo pa, or maging creative ka na i-improve pa yung product or services na meron ka.

Dyan lalabas yung mga bagong idea mo na makakatulong din naman sa paglago ng iyong business.

Pero kapag nakalimutan mo yung totoong dahilan mo bakit ka nagnenegosyo at yung focus mo ay puro na lang sa mga competitors mo, dyan na papasok ang toxic competition.

Yung wala ka ng ginawa kundi makipagtunggali sa mga kalaban mo at halos siraan mo na ang mga ito para sayo bumili ang isang customer.

Or kaya naman nag bagsak presyo na kayo at ang ending pareho kayong nalugi.

Treat competition as motivation for you, wag mong kalimutan yung “why” mo bakit ka nagnenegosyo.

Focus on what you can give to your customer and potential customer. Eventually, magbubunga din lahat ng pinaghirapan mo in a good way. 

#2 Pagiging Kampante

Maybe some of the business owners ganito ang kaisipan kapag kumita na ng malaki or tuloy tuloy na ang pasok ng pera.

Kampante na sila, petiks or chill chill na lang sa kanilang pagnenegosyo. Pero sabi nga nila hindi araw araw pasko, wag mong kalimutan na sa business hindi palaging malakas ang sales.

May mga time na matumal din. Wag kang maging kampante, hindi porket na na achieve mo yung gusto mo ay ok na.

Tandaan, na may mas malalaking objectives or malalaking bundok ka pa na aakyatin.

Gaya na lang din sa ating personal life, may mga pagkakataon na lagi tayong masaya.

Nasasabi pa nga natin sa ating sarili na sana lagi na lang ganito, at wala ng mga problema pang dumating.

Ganon din naman sa pagnenegosyo, talagang darating at darating din ang mga pagsubok.

Kaya importante na panatilihin mo yung apoy, yung desire mo na makaisip ng mga bagong produkto or strategies.

Kung talagang gusto mo na magstay sa kinalalagyan mo at maachieve yung success na maipapamana mo pa sa mga susunod na generation ng lahi mo.

Katulad na lang ni Henry Sy at Lucio Tan.

“Success Is A Journey, Not A Destination.”- Arthur Ashe

#3 Maling Mga Tao

Isa sa mga magiging enemies in business mo ay mga maling tao. Pwedeng yung business partner mo or katransaction, or ang iyong mga empleyado.

Mahalaga na ma- identify mo kung fit or babagay ba ang tao na pipiliin mo maging parte ng business mo.

Hindi din ibig sabihin na kamag anak or kakilala mo ay pwede mo na pagkatiwalaan.

Mahalagang kilalanin mo muna ang isang tao kung karapat dapat ba sya sa negosyo mo.

Kung dapat ba syang pagkatiwalaan sa paghawak ng pera, or sa iba pang mga aspeto ng business mo.

Maari ka din magset up ka ng isang system, sabihin na natin sa pamamagitan ng kontrata or security system na makakatulong din sayo.

At dapat ipakita mo rin na ikaw ang leader at ikaw ang may authority sa negosyo mo. 

#4 Hindi Pagsabay

Isa sa mga magiging kalaban mo or enemies in business mo ang hindi pagsabay.

Ibig sabihin kung meron ka ng exixting business at  hindi ka marunong mag adopt sa takbo ng panahon at sa gusto ng market mo.

Yan ang isa mga dahilan kaya ang ilang mga negosyante ay nalugi or nagfail. The world is changing so fast.

Kaya kung di ka sasabay ay talagang mapapag iiwanan ka. Those who are strong na gumawa ng gumawa ng bagong strategy and yung kayang sumabay sa alon ang matitira or magiging stable sa business. 

#5 Wala Ka Na Sa Focus

Isa sa mga enemies in business mo ay ang pagkawala sa focus mo sa negosyo.

Pwedeng nawalan ka ng interes dahil di pumatok yung negosyo mo or di mo nakikita yung growth.

Or kaya naman nagsimula ka pa ng iba pang negosyo na hindi related sa una mong negosyo.

Kapatid, isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka nagtatagumpay ay dahil wala kang focus.

Mahalaga na magfocus ka muna sa isa, it does not matter kung di mo pa nakikita ngayon ang paglago.

Once na nakuha mo yung tamang diskarte, at namaster mo na yung negosyo mo dyan na papasok ang blessings mo.

Wala naman masama na magtayo ng multiple business, pero dapat mamaster mo muna yung isa bago ka magsimula ulit ng bago para di ka nalilito at hindi ka mawala sa focus mo.

Parang sa 80/20 rule lang yan, magfocus ka muna sa 20% na magbibigay sayo ng 80% na kita. 

#6 Sarili Mo

enemies in business

Pinakamalaking enemy or kalaban mo sa negosyo ay ang sarili mo.

Kapag nawalan ka na ng motivation, tinatamad ka na at wala ka ng ganang ipagpatuloy ang nasimulan mo.

Hindi mo namamalayan na ikaw ang dahilan at ikaw na mismo ang pumipigil para maabot mo yung success sa buhay.

I advised na wag kang titigil hanggang di mo pa nakukuha ang mga pangarap mo sa buhay, laban lang!

Kumuha ka ng inspirasyon sa mga successful na tao at gawin mong motivation iyun para magpatuloy ka.

I suggest na matutunan mo yung mga habit na ginagawa ng mga successful na tao na nagdala sa kanila sa tuktok ng tagumpay.

Kung di mo pa nababasa i-click mo lang ang link na ito ESSENTIAL HABITS.

I hope may bagong natutunan ka sa topic natin ngayon at nakikila mo ang mga enemies in business mo na pumipigil sayo para magtagumpay. 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Leave a Comment