How to Stay Motivated in your Business? Five Crucial Tips

“Building your business and achieving success takes hard work, dedication, and patience.”

Sa negosyo mo kung gusto mo ng massive results, kaylangan mo ng massive action.

Oo, sa una, nandun ang excitement, araw-araw e hands-on ka sa business mo o nandoon lagi ang focus, pero hanggang kailangan mo ito mapapanatili para maabot mo ang iyong goal?

Para makamit ang mag bagay na ito, kailangan mo ng matinding layunin.

At hindi mo iyon magagawa kung hindi ka palaging motivated.

Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga praktikal na paraan kung paano mo mapanatili ang iyong interes o motivations sa iyong negosyo.

#1 KNOW WHAT MOTIVATES YOU

Pag-isipan ang mga oras kung kailan ka na-motivate nang husto at ang mga oras na pinaka-demoralized ka.

Create a list of motivations and then rank them in order of priority.  

Pero maaari itong bahagyang magbago ayon sa iyong mga kalagayan sa buhay, but many of our motivations remain remarkably stable over time.

#2 LIMIT DISTRACTIONS

Maraming mga bagay ang pweding maka distract sa atin sa araw-araw. Nariyan na ang mga panonood ng movies, listening musics, playing video games, o social media.

Pero huwag na tayong lumayo pa, pinaka halimbawa ay ang paggamit ng cellphone..

Sa panahon yata ngayon, parang ang paggamit ng cellphone ang pinaka distractions sa mga bagay na gusto nating gawin, kahit sa simpleng araw-araw na Gawain. Tama ba ako? 😊 Dahil madalas ay nababaling ang atensyon at nawawalan ng pokus sa mahalagang gagawin.

Pwedi mong I-off lahat ng notifications lalo na kung may importante ka talagang kailangan gawin.

O kaya…

Pwedi mong I silent o airplane mode kung hindi mo mapigilan ang pagtingin-tingin dito pagkatapos ay iwanan mo lang malayo sayo o sa ibang silid kung saan ito ay hindi mapapansin at wala sa isip.

Ilaan mo din ang iyong break time sa mas makabuluhang gawain. Mas makabubuting makipagkapwa at makipag-usap sa katrabaho o kapamilya, Maging maingat din dahil unti unti nang kinakain ng social media ang pisikal na interaksyon ng mga tao na nagreresulta sa pagkawala ng oras sa pamilya, kaibigan at katrabaho.

#3 STAY POSITIVE

Deep Breath! Take things slowly, and don’t be so hard on yourself.

Halimbawa,

Hinihintay mo ang iyong kaibigan na late na sa oras na inyong pinag-usapan.

Huwag magalit.

Sa halip ay gawin itong isang pagkakataon upang mapag-aralan kung paano magkaroon ng mas mahabang pasensya.

Coach! Ang hirap naman nun!”

Oo alam ko. 😊

Pero always remember na…

Hindi mo makokontrol ang lahat ng bagay na nangyayari o mangyayari sa paligid mo, ngunit ang isang bagay na maaari mong kontrolin ay kung paano ka tumugon. Nasa iyo na hanapin ang tamang panig sa lahat ng bagay at mag-react nang mas positibo.

Ito ay isang proseso pero magtiwala na magbubunga ang iyong mapag pasensya at pagiging optimismo, at darating ang magagandang bagay sa iyo

#4 GET OUT OF YOUR COMFORT ZONE

Kung may kakilala kang tao na iniisip lagi na alam na ang lahat sa mundo, at tingin nya ay wala ng dapat pang malaman pa. Isa syang malaking halimbawa na nalunod na sa kanyang sariling comfort zone.

Isang paraan para makapunta sa growth zone ay kailangan mong magtry ng mga bagong bagay, kung gusto mong everyday, bakit hindi.

Araw-araw , meron dyan opportunities at merong chances na hindi lang napapansin kasi malamang takot kang magtry ng new things everyday. This is for the sake na mas maging self aware ka.

Ang boring kaya kung araw araw ay paulit ulit yung ginagawa mo, sobrang monotonous, yung walang bago. Relate ka ba?

#5 STAY AROUND WITH PEOPLE WHO ARE TAKING MASSIVE ACTIONS

Hindi sapat na makisama ka lang sa mga positive minded. Kailangan mas sinasamahan mo lage ay ang mga taong nag tatake ng massive action. I-suround mo ang iyong sarili at mag build ka ng connection at makipaghalubilo ka sa mga taong action takers.. yun ang masarap talagang e absorb. Diba?

Pwedi mo silang I follow sa kanilang mga FB pages para ma subaybayan mo rin kung paano sila magbigay ng tips and ideas from their experiences at kung paano sila nagkakaroon ng malalaking resulta.

Kaya believe in yourself , believe that you can DO IT , take committed action and persist para makuha mo ang Goal mo at ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Most of all, look for the Right Coach and listen to them. 

Ayun! I hope nakatulong tong LIMA na  bagay sa iyo.

If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my YouTube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment