Reasons Behind Work Hard Vs. Work Smart

Narinig mo na siguro or nabasa ang isang quoute na “Don’t Work Hard, Work Smart.”
work hard

Hindi ka ba nagtataka kung bakit may mga tao na sobrang sipag or mga hard worker pero hindi nagbabago ang estado sa buhay? Walang progress? Naghihirap pa rin?

Kilala tayong mga pilipino na masisipag at sanay magbanat ng buto.

Andyan na ating mga kababayang OFW, Construction workers, farmers, office workers, healthcare workers at iba pa.

Although sa lahat naman ng trabaho ay kailangan naman talaga ng hard work at sipag, pero naiisip mo ba na bakit ilang taon ka na nagtatrabaho ay paulit ulit lang ang cycle ng buhay mo?

Tipong nagkukulang pa din ang kinikita mo sa pang araw araw nyo? So tara talakayin natin ang mga dahilan kung bakit mahihirapan kang umasenso kung masipag ka lang. 

Earned/ Active Income- Ito yung meron ka ngayon na nakukuha mo through your job or sa employment. Ano nga ba ang hindi maganda sa active income? 

#1 Ito yung nagtatrabaho ka kapalit ang oras mo.

Kung nagtatrabaho ka ng 8 hours a day, ganun din ang bayad sayo. At kung lalagpas ka naman sa oras, babayaran ka din nman ng overtime pay.

Pero bottom line kapalit nun ay oras. Sabi nga ni Warren Buffet, “If you don’t find a way to make money while you sleep, you will work until you die.“

Meaning, kung gusto mo talaga umusad sa buhay or umasenso kailangan mong gumawa ng paraan para magkaroon ng income na hindi mo kailangang i-extend ang oras mo at ang pagod mo kapalit ang pera.

Kung titingnan mo din ang realidad ng buhay, halimbawa na lang mga mga OFW.

Tumatanda na lang sila sa ibang bansa, inaabot ng more than 20 years pero ganun pa rin.

Mas maraming time ang binibigay nila sa work as a result na wala na din silang time sa sarili nila at sa pamilya.

Kaya hindi sapat ang ang work hard lang, kahit gaano ka pa kasipag sa trabaho mo hindi ito ang sagot sa pag unlad mo.

What you need is to find another way, kung paano madadagdagan ang income mo.

Walang masama sa pagiging empleyado. Pero hindi mo dapat tambayan ito kung gusto mong may mabago sa buhay mo. 

#2 Nakadepende ka sa Boss/ Company

work hard
work hard

Lahat ng sabihin ng boss mo ay kailangan mong sundin. Kung sinabi ng boss mo na mag OT ka, mag OOT ka.

Kung sinabi ng boss mo na pumasok ka ng maaga, kailangan mo pumasok ng maaga.

At kung sinabi ng boss mo na gawin mo ang isang gawin na hindi kasama sa trabaho mo, kailangan mo din gawin.

Dahil kung hindi, pwede itong makaapekto sa performance mo sa trabaho at maging resulta din ng pagkatanggal.

Hindi ka pwedeng mag NO, dahil binabayaran ka ng boss/company at trabaho mo na sundin ang pinagagawa sayo kapalit ng sahod. 

#3 Kapag wala ka, wala ka ding kita. “No Work, No Pay”

Kapag absent ka, wala kang kita. Applicable ito sa mga empleyado na walang paid leaves.

Or asa probation period pa lang or contractual. Kung self employed ka naman, halimbawa may pwesto ka ng tindahan ng isda sa palengke.

Meron kang mahalagang gawain na kailangan mong bigyan ng oras at nagsara ka, that day na sinarado mo ang tindahan ay wala ka ding kita. 

In short, Kahit anong hard work mo pa at sipag mo sa trabaho kung dito ka lang umaasa hindi ka pa din secured at hindi garantisado ang pag asenso mo.

Again, hindi ko sinasabi na mali ang maging empleyado. Ang point ko kung magrerelay ka lang sa sipag mo sa trabaho di ka talaga aasenso.

Ang kailangan mo ay diskarte kung paano mo mahihiwalay ang pagkita mo ng pera ng hindi mo sinasakripisyo ang oras at ang pagod mo sa isang kumpanya or sa boss mo.

 Ano naman ang Passive income?

Ito ay ang pera na pumapasok sayo kahit di mo ito pagtrabahuhan. Or kung meron man, ay minimal work lang ang kailangan mo dito.

Pero ang passive income ay dumaan din sa proseso, ito ay resulta lamang ng pagsusumikap mo noon at bunga din ng hard work mo bago mo ito naistablished.

Sa passive income din, hawak mo ang oras mo at ikaw ang may control sa lahat. Hindi mo rin kailangang maghintay ng kinsenas at katapusan para kumita dito.

Halimbawa na lang nyan ay kung meron kang parentahan na unit or bahay.

At ang binabayad sayo ng umuupa ng unit mo ay 4,000 pesos kada buwan.

Nagtrabaho ka ba ng 8 hours para makuha ang 4,000? Hindi di ba?

Isa lang yan sa napakaraming option na pwede mong gawin para magkaroon ng passive income kung talagang gugustuhin mo. 

Teka eh ano naman yung work hard vs work smart?

Sige daanin natin sa isang kwento para mas madaling maintindihan.

Si Juan at Pedro ay parehong mayroong tricycle. Si Juan ay kumikita ng 500 pesos a day sa pamamasada.

At halos pagod at gabi ng umuuwi sa kanilang tahanan. At ganun din si Pedro na kumikita ng 500 pesos pero hindi sya namasada.

Hindi nya ginigul ang oras nya para kumita sa pamamasada. Paano nangyari yun?

Dito na papasok ang salitang work smart. Naghire si Pedro ng tao na mamamasada ng tricycle para sa kanya.

So kumita sya ng 250 pesos kada araw sa boundary. Dahil ayaw ni Pedro na gamitin ang walong oras nya para kumita lang ng 500 pesos,

nagamit nya ito sa ibang bagay pa na pwede nyang pagkakitaan.

Nagtayo sya ng isang maliit na vulcanizing shop sa harap ng kanyang bahay na kumikita ng 250 pesos at higit pa sa isang araw.

Pero hindi rin sya ang nag aayos ng mga gulong ng mga motorista, kumuha din sya ng tao na gagawa nito para sa kanya.

Dahil dyan mas marami pang time si Pedro na gumawa pa ulit ng ibang pagkakakitaan, time sa pamilya, at time para sa sarili nya.

Si Juan sa kabilang banda ay nakatali na sa trabaho nya, sa pagta tricycle, kaya naman halos wala na syang time para sa sarili at sa pamilya nya.

Nakukuha mo na ba ngayon ang nais iparating ng atng kwento? Yes tama, ginamit ni Pedro ang work smart.

Kaya hindi sapat ang work hard lang tulad ng ginawa ni Juan. At yan ang tinatawag din na leverage. 

Ano naman ang Leverage?

Gaya nga ng ginawa ni Pedro sa ating kwento, ginamit nya ang skill at oras ng ibang tao.

Ginamit nya ang skill ng isang tao sa pagmamaneho ng tricycle ganun din sa pagbu- vulcanize.

Si Juan work hard,kapag nagkasakit sya, no pay. Si Pedro naman work smart, kahit magkasakit sya may pay pa rin.

Sa leverage matutulungan ka nito na madagdagan pa ang time mo, ang income mo, ang kaalaman mo at iba pa.

So ngayon alam mo na siguro ang dapat mong gawin para umusad ka naman sa buhay mo.

Kailangan makagawa ka ng paraan maseperate ang sarili mo or oras mo sa trabaho.

Siguro naman alam mo na din ang mga rason bakit walang pagbabago sa ilang taon mong pagtatrabaho.

At dahil yan sa wala kang passive income at hindi mo ginagamit ang leverage.

Paalala, walang instant sa pagyaman or pag asenso. Lahat yan kailangan din masusing pag aaral at pagtitiyaga.

Ang mahalaga ay makapagsimula ka na ngayon na ibuild ito. I  hope may bagong aral kang napulot sa topic natin ngayon. See you again sa ating next blog. 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment