Smart Tips For Newbies As An Onlinepreneur

Isa ka ba sa mga nagsisimula pa lang sa larangan ng negosyo online? Or onlinepreneur kung tawagin sa panahon natin ngayon. Well, these smart tips are for you,

and make sure na tapusin mo basahin ang article na ito. We are in “The New Normal” ika nga.

Kung saan many people choose to buy stuff and their needs without leaving their home for safety.

And that is why kailangan mong malaman ang ilan sa mga smart tips na ito kung paano mo mapapalaki ang online business mo and syempre para magkaroon ng maraming sales. So tara, simulan na natin. 

But before that meron tayong tinatawag na “NICHE”. Na ang ibig sabihin ay ang theme or category ng iyong business. Halimbawa ng mga niche ay Fitness and weight loss, health, cosmetics, and skincare products, fashion, jewelry, etc…

Tip #1 Maging consistent sa paggawa ng Content

smart tips

Yes, you read it right, as an onlinepreneur ang trabaho mo ay ipakita sa mga consumers ang binebenta mo.

And you have to be consistent sa pagpopost ng content about your product or services sa mga social media pages mo.

At ayun sa research, kailangan makita ng tao ang isang produkto ng 7 times bago sila magdesisyon kung bibili ba sila or hindi.

Kaya napakaimportante na nakikita nila palagi kung ano ang binebenta mo.

Pero hindi naman palagi about sa product or services ang ipopost mo, pwede ka din gumawa ng content na related sa niche ng online business mo.

Mas Creative, Informative at Relatable na content ay mas maganda dahil mas maaalala ito ng mga tao at possible na irecommend nila yung page or ishare pa nila yung post.

And mas ok dahil mas marami ang makakakita nito at makakatulong din na magdrive ng traffic sa page mo. 

Smart tips: Also you can schedule your content sa facebook para hindi na paulit ulit ang ginagawa mo or naka automate na. 

Tip #2 Sumali sa mga Facebook Groups

Napakaraming facebook groups ang pwede mo salihan, at depende yan sa category or niche ng online business mo.

Pero nakadepende din yan sa rules and policies ng isang group.

May mga groups na hindi nila inaallow ang pagbebenta unlike sa mga buy and sell groups.

So you have to follow their rules para mag- stay ka at hindi ma- banned.

Ang advantage ng pagsali sa isang group na specific sa brand or niche ng business mo ay lahat ng members doon ay maituturing mo ng possible prospects or customers. 

Smart tips: Maging involve ka sa group by helping other members.

If may mga nagtatanong on a specific matter at alam mo ang sagot or you have an idea, help them.

Pwede ka magbigay ng opinion or advice. Being in a group of people or community does not always mean you have to sell.

Remember the golden rule to be successful in everything, you have to provide value first.

And then kapag nakilala ka na sa group na yun at nagkaroon na ng trust sayo ang community,

mas madali na sayo ang magmarket ng products at madalas sila pa ang lalapit sayo. 

Tip #3 Gumawa ka ng isang Community

Isa ito sa napakahalagang parte ng pag oonline business, dahil dito ka magbubuild ng relationship sa mga customers mo.

Kailangan kasi na inaalagan mo yung mga customers or clients mo.

Maari kang gumawa ka ng sarili mong facebook page na related sa niche ng business mo.

Halimbawa, kung ang niche mo ay health and beauty. Pwede ka magbuild ng community about health and beauty tips,

or kung mga halaman naman gumawa ka ng group para sa mga Plantito at Plantita.

Dahil community mo ito, ikaw din ang in control sa mga rules and policies.

In the long term makakatulong din ito sa business mo kapag dumami na ang members at kilala ka na dito. 

Tip #4 Gumamit ng Ads

As of 2021 meron ng 80 million Facebook users ang Pilipinas.

Imagine kung gaano karaming tao ang makakakita ng binebenta mo kapag gumamit ka ng Facebook ads.

Pero hindi rin ibig sabihin na lahat yan ay bibili sayo. Depende ito sa interest ng isang tao at ipapakita ni facebook ang ads mo sa interesado sa kung anong binebenta mo.

Kung makikita mo sa newsfeed mo, lumalabas yung mga sponsored ads na related sa sinesearch mo?

Ganun natatrack ni facebook ang mga interest ng mga tao. Alam ni facebook kung ano ang gusto mo at interest mo.

So sa paggamit ng ads mas marami kang marereach na mga possible customers na bibili sa product or services na inooffer mo. 

Smart tips: Magresearch ka muna about facebook Ads, kailangan mo muna itong araling mabuti.

You can get a lot of resources online. Sa google, youtube, or even sa mga Facebook groups din.

You can find free training on how to set up your first Facebook ads. 

Tip #5 Take advantage of different platforms

smart tips

Kung mapapansin mo lahat ng napag usapan natin ay tungkol lang sa facebook platform.

You can do it on other platforms like Instagram, Shopify, Lazada, Shopee, and Facebook Page.

Ilan ito sa mga pwede mong itake advantage para mas lumawak ang reach mo.

Maari ka ding magpagawa ng website, or even ikaw mismo kung kaya mo naman.

At doon mo ipost ang mga product and services na meron ka. 

Smart tips: Alamin mo kung anong platform ang sa tingin mo babagay sa online business mo.

Dyan na papasok ang pag aaral at pagreresearch. Lalo na sa panahon ngayon na lahat ng nagnenegosyo ay nagtatransition na online.

Kaya dapat alam mo kung paano imaximize ang social media at iba pang online strategies para makapag adopt at lumago ang online business mo. 

That’s our 5 free smart tips for your online business.  I hope may bago kang natutunan,

at maiapply mo ang mga strategies na tinuro ko. Godbless sa bago mong business! See you on my next blog. 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment