How To Master Time Management- The 3 Bucket Rule

Time management? Paano mo ba minamanage ng maayos ang oras mo sa araw araw?

Maraming tao ang nagsasabi na wala silang time sa ibang bagay.

Yun bang may mga gusto pa silang gawin kaso nga ay wala na nga daw silang extrang oras o panahon para dito.

Lahat ng tao magkakaiba man ng estado sa buhay, ay may magkakaparehong oras mapa negosyante, empleyado, ordinaryong tao o yung pinakamayaman pang tao sa mundo.

Lahat tayo ay mayroong 24 oras sa isang araw. Ano ba ang ibig kong sabihin dito? Ang oras natin ay napakahalaga. Tignan mo sya as an Asset.

Dahil kapag marami kang oras, makakapaghanap ka pa ng ibang bagay o makakagawa ka pa ng ibang paraan na magbibigay sayo ng pera.

Kung magaling ka naman magmanage ng time ay malamang na madami ka na din na accomplished sa carreer mo ngayon.

Halimbawa na lang ng pandemya na ito, maraming tao ang mas maraming oras ngayon sa kanilang mga tahanan.

Pero hindi yan dyan nagtatapos, marami din ang nasa bahay ngayon ang kumikita ng pera or yung mga nagwowork from home.

Dahil sa nagkaroon sila ng maraming oras ay nagawa nila na mag add pa ng ibang skills.

At yung mga bagong skills na natutunan nila ang syang naging daan para kumita ulit kahit sa hirap ng sitwasyon natin ngayon.

At may iba naman na nasa bahay lang na walang ginagawa at hanggang ngayon ay naghihintay lang kung kelan matatapos ang pandemic na ito.

It’s really just a matter of perspective kung paano mo titignan ang isang bagay gaya nga ng topic ko sa BLOG na ito.

Nasayo pa rin ang desisyon kung paano ka magrereact sa isang sitwasyon. Kung titignan mo ba sya as an obstacle or as an opportunity?

So today im going to share kung paano mo mamaster yung time management mo. The 3 bucket Rule na hango sa libro na The Happiness Equation ni Neil Pasricha.

Sinasabi sa libro na ito na lahat tayo ay mga 168 Hours per week. 24 hours x 7 days kaya 168 hours a week. Tapos hatiin ulit natin yan sa 3 Bucket. 

168 ÷ 3 = 56 Hours per Bucket

#1 Sleep

Yung unang bucket daw ay dapat binibigay natin mandatory sa pagtulog. Dahil lahat naman tayo ay kailangan talaga matulog.

So sa isang linggo dapat meron kang atleast 8 hours na tulog kada araw o ang total ay 56 hours per week.

Ito daw ang ideal na amount ng oras na dapat ibigay natin sa pagtulog. 

#2 Work

Ito namang pangalawang bucket ay nakalaan naman sa trabaho.

Syempre kailangan natin magtrabaho para kumita ng pera, Para meron tayong panggastos sa mga pangangailangan sa araw araw.

Sa budget sa pagkain, pamabayad ng mga bills, At pambili pa ng iba pang mga kailangan.

Usually nagtatrabaho tayo ng 8 hours per day, at total of 56 hours din per week.

Depende na lang kung mahilig kang mag overtime at yung travel time mo din papunta sa work mo. 

#3 Side Hustle, Passion

But Here is the catch meron ka pang isang bucket na natitira. At depende sayo kung saan mo ito gagamitin o saan mo ito ilalaan.

Ito ba ay oras na kasama ang pamilya or mga kaibigan? Oras para lumabas para magshopping, oras para maglaro ng video games,

tumambay, manood ng mga movies, series at kung ano ano pa.

Lagi mong tandaan na ang tanong ay hindi kung paano ka magkakaroon ng mas maraming oras kundi kung paano ka magkakaroon ng tamang time management.

At dito sa third bucket pwede mo ng gawin ang business na matagal mo ng pinaplano, pag aaral tungkol sa investment, pag aaral tungkol sa personal development.

So dito din sa 56 hours mo pa na natitira, pwede mo na rin i- execute yung mga side hustle mo.

May time ka na para sa iyong passion, time para makahanap pa ng mga learning opportunities para  maimprove mo pa ang iyong sarili.

Imagine yung 56 hoours per week or 8 hours mo per week. Ang dami mo ng pwedeng gawin, again it’s just a matter of perspective at nakadepende ito sayo.

time management

Pero syempre may kanya kanya tayong mga responsibilities na ginagamitan natin ng oras, pero siguro naman hindi mo magagamit yung 8 hours sa isang araw sa isang gawain lang na yun. 

Your 9 am – 5 pm pays the bills and your 6 pm – 10 pm builds your empire. Sabi nga din sa isang qoute “Use your time as a tool, not as a couch.” – John F Kennedy

Gamitin mo ang oras mo na isang tool para sa pag abot ng mga pangarap mo, at wag mong ituring ang oras mo na parang isang sofa na pwede kang tumambay at humiga na lang buong araw. 

I hope may bago kang natutunan sa konsepto na ito patungkol sa time management.

And sana pag isipan mo din mabuti kung ginagamit mo ba yung third bucket mo para sa mga bagay na kailangan at mahalaga sayo.

Magmeditate ka at magtake ka ng action para magamit mo na ang oras mo ng tama. Goodluck and see you on our next article! 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment