Napakaimportante sa larangan ng pagnenegosyo na alam mo kung sino ang target market mo bago ka magbenta ng isang produkto. Good News! Yan ang business tip ko sayo today!
Tatalakayin natin ngayon kung paano ka magkakaron ng maraming benta sa negosyo mo.
At ito ang karaniwang struggle ng mga baguhan sa pagiging entrepreneur.
Natanong mo na ba minsan ang sarili mo bakit nahihirapan kang makabenta?
Yung tipo ng ang ganda at quality product naman ang inooffer mo ay walang bumibili sayo?
Well baka asa wrong market ka kaibigan. Anong ibig kong sabihin na mali ang target market mo?
Ganito yan…Halimbawa na lang ng isang negosyante na nagtayo ng kanyang sosyal na restaurant sa lugar kung saan ang mga tao ay may payak na pamumuhay lang.
Or let’s say, they can’t afford to eat sa mamahaling restaurant. In other words ang market is “PANGMASA”.
Kung pangmasa ang market mo, it means ang mga tao dyan ay bibili lang ng mga produkto na mura lang.
Sa tingin mo ba may papasok at kakain sa ganong kamahal na mga menu? Sa malamang wala.
Dahil ang mga tao kung saan ang market mo ay walang pera. Kahit gaano pa kasarap ang pagkain at kaganda ang ambiance ng restaurant mo,
kung mali ang target market mo ay hindi ito magiging successful. Ganyan ka importante na malaman mo muna kung sino ang target market mo then to follow na yung produkto.
Business Tip #1

For me, kung ikaw ay magsisimula pa lang sa pagnenegosyo. Ang Business tip ko sayo ay hanapin mo muna yung community mo or niche mo.
Bago ka pa magdecide kung anong product ang gusto mong ibenta. Unahin mo muna hanapin yung community na gusto mong paglingkuran
or gusto mong magbigay ng value, yung community na pare-parehas ang interest ng mga tao.
Halimbawa ng community ng mga taong mahilig magpaganda or mahilig sa mga skincare.
What do you expect sa community na yun? Sila yung mga tao na gumagastos para mapanatiling maganda ang kanilang skin.
Sila din yung mga may problema na nangangailangan ng solusyon para maimprove ang kanilang kutis.
At Sila din yung walang pakialam sa pera, basta ang goal nila is mapanatiling maganda ang kutis nila or mabigyan ng solusyon yung problema nila sa balat ay talagang gagastusan nila.
Its perfect niche para sayo para makapagbigay ng value sa karamihan.
Pwede kang magbigay ng mga tips, or educate your community on how they can take care of their skin. Then dyan na magfofollow yung product na gusto mong ibenta.
Business Tip #2

Targetin mo yung community kung saan tumatambay yung mga mayayaman.
Another example yung community or grupo ng mga taong mahilig sa mga bike or mga bikers.
Targeting mo yung mga mayayaman na biker. Kasi sila yung mga bibili ng wala ng pasikot pasikot ay magbabayad agad.
Sila yung madaling utuin kung baga, yung hindi ka na mahihirapan pang magbenta dahil nga mayaman naman sila at kaya nilang bumili ng Nmax or isa sa mga mamahaling bike ngayon.
Wag na natin targetin yung masa. Kasi sila nga yung walang pera. Kahit tatlong araw na nag iinquire yan, hindi pa rin yan bibili puro inquire lang😅😅😅.
So kung magnenegosyo ka ang targetin mo na yung mayayaman, kasi andun yung pera.
Sila ang bentahan natin. Here’s the logic, ang walang pera kahit gaano kamura ang ibinebenta mo sa kanila wala pa ring pera yan.
Kahit gaano pa kaganda ang produkto mo or gaano pa kasarap yung milk tea na binebenta mo.
Wala pa ring bibili sayo kasi nga nagtitipid sila. Kaya ang business tip ko sayo bentahan mo yung mga mayayaman dahil sigurado walang kaabog abog bibili agad ang mga yan.
So alisin na natin yung mindset na pangmasa na negosyo ang tatrabahuhin natin, dahil wala nga sa masa ang pera andun sa mga mayayaman.
I hope nakatulong itong blog na ito sayo para sa sisimulan mong negosyo or para mahanap mo yung target market mo.
Business tip # 1 Find your community first, business tip #2, targetin mo yung community kung nasaan ang mga mayayaman. That’s for today! And Godbless sa business mo
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!