Top 5 Business Books Recommendation Na Magpapayaman Sayo

Dito sa blog na ito ay iseshare ko sayo ang ilan sa mga top business books na binasa na ng mga nagtagumpay ngayon sa kanilang buhay.
business books

Aware ka ba na ang mga mayayaman at sucessful na tao ay may common habit na magbasa ng libro?

Palagi silang naghahanap ng mga bagong idea na sa tingin nila ay magbibigay sa kanila ng malaking pagbabago sa kanilang buhay.

Tulad na lang ng stock investor na si Warren Buffet na nagbabasa ng 500 pages araw-araw.

Si Bill Gates naman ay nagbabasa ng 50 Books kada taon.

Ganun din naman si Elon Musk na natuto din sa pamamagitan ng pagbabasa ng Physics at Rocket Science.

Mahalaga ang pagbabasa dahil dyan mo madidiscover ang mga kaalaman na kailangan mo sa paggawa ng mga tamang desisyon.

Sabi nga ng isang sikat na entrepreneur at motivational speaker na si Jim Rohn,

“The difference between where you are today and where you’ll be five years from now will be found in the quality of books you’ve read.”

So Tara, pag usapang na natin ang mga top business books na pwede makatulong sayo magkaroon ng personal financial goal at disiplina sa mga finances. 

#1 The One Thing

The One Thing ni Gary Keller. Ang libro na ito magtuturo sayo na ang tagumpay ay resulta ng pagkakaron ng focus sa isang bagay.

Matutunan mo sa libro na ito na dapat magfocus ka sa mga mahahalagang bagay at iiwasan mo ang mga distraction na makakahadlang sa pag abot mo ng iyong mga pangarap.

Matutunan mo din sa libro na ito na pagkakaroon ng clarity sa kung ano ang gusto mo at magfocus sa iyong target hanggang sa makuha mo ito.

Matutunan mo din ang maging intentional sa goal mo at titiyakin mo na yung mga action mo ay may connection sa iyong tagumpay.

Kapag sinubukan mo ng iapply ang mga aral sa libro na ito, iiwasan mo ang pag mumulti-task dahil alam mo na ang iyong goal at priority.

#2 Rich Dad, Poor Dad

Top 2 business books in my list ay ang  Rich Dad, Poor Dad ni Robert Kiyosaki. Ito ay kwento ng dalawang ama ni Robert Kiyosaki.

Ang kanyang ama at ama ng kanyang kaibigan. Sa libro na ito matutunan mo ang konsepto tungkol sa cashflow.

Ang cashflow ay ang takbo ng ating pera at kung saan ito madalas dumadaloy.

Matutunan mo sa libro na ito ang pagkakaiba ng cashflow pattern ng mga mahihirap, middle class, at ng mga mayayaman.

Ituturo din sayo sa libro na ito ang tungkol sa Financial statement. Yung pagkahati hati ng Income, expenses, asset, and liability.

I recommend na mabasa mo ang libro na ito, dahil magbibigay ito sayo ng idea paano mo ihandle ng tama ang iyong pera. 

#3 The E-myth 

the e-myth

Sa libro na E-myth ni Michael Gerber, matutunan mo naman na kailangan mo ng sistema sa pagpapatakbo ng iyong negosyo.

Sinabi ng Author na meron tayong 3 business personalities na kailangang ibalanse. 

Entrepreneur- 10 % Ang Entrepreneur ang nagbibigay ng vission sa kumpanya or negosyo. 

Manager- 20 %  Ang manager naman ay ang gumagawa ng plano.

Technician- 70 % Ang technician naman ay ang nagtatrabaho para sa plano. 

Maraming negosyo ang hindi naggrow dahil majority ng mga business owners ay merong personality na katulad ng isang employee.

So sa libro na ito ay tuturuan ka gumawa ng isang business system na patuloy na mag gegenerate sayo ng income kahit nagbabakasyon ka.

#4 The 7 Habits Of Highly Effective People

Top 4, one of the Business books ay ang The 7 Habits Of Highly Effective People ni Stephen Covey.

To be successful, you need to develop the same habit of what successful people do.

At sa libro na ito ay ituturo sayo kung paano. At isa sa mga nagustuhan ko ay ang Habit #2 Begin with the end in mind.

Dito kailangan mo ng vission o pangarap sa buhay, para meron kang purpose at direction na susundan.

Habit #3 Put First Thing First ibig sabihin naman nito ay yung mga action na ginagawa mo ay dapat nakaalign sa goal na gusto mong maachive sa buhay.

Dapat inuuna mo ang mga bagay na mas importante na maghahatid sayo papalapit sa pangarap mo.

Be aware of the habits you do every day. Kung yung mga habit na ginagawa mo ba ay patungo sa pagyaman oh baka naman habit ng mga unsuccessful people. 

#5 Secrets Of The Millionaire Mind- T. Harv Eker

secrets of the millionaire mind

Ang mga tao ay may ibat ibang opinyon tungkol sa pera. Sinasabi ng iba na ang pera ay masama, or root of evil.

Meron naman iba na positibo ang ang mindset tungkol sa pera dahil naniniwala sila ang pera ay isang tool lamang na ginagamit ng tao na maaaring tumupad sa mga panagarap nila, at makatulong din sa iba.

Sa libro na ito ay matutunan mo ang tinatawag na Money Blueprint. Parang isa itong termos stat na nakaset sa isang default financial setting.

Katulad ng isang mahirap na tao,na ang kanilang money blueprint ay nakaset sa pagiging mahirap.

Kaya ang kanilang pag iisip or mindset ang maghahatid sa kanila sa kahirapan kahit anong dami pa ng pera ang dumaan sa mga kamay nila.

Lahat ng resulta sa ating buhay ay reflection ng ating mindset. Kaya kung gusto mong may mabago sa buhay mo ay baguhin mo din ang mindset mo.

At Basahin mo na din ang libro ng secrets of millionaire mind.

I hope ay may napulot ka na namang aral sa blog na ito, at I recommend na basahin mo ang mga business books na nabanggit ko. 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Leave a Comment