Welcome again sa Blog na ito. And today, pag uusapan naman natin ang 10 psychological tricks na makakatulong sayo para makapag- ipon ka ng pera ng mas mabilis.
Ano nga ba itong Psychological tricks na ito? Pwede pala natin lokohin ang ating utak pagdating sa pera?
Marami ang nahihirapan makapagsave ng malaki dahil ang number 1 reason nila ay maliit ang kanilang kita.
So paano ba lalago ng mabilis ang savings kung ang income ay maliit? Pero alam mo ba na may mga tao na kahit maliit ang kita ay nakakapagsave ng malaki?
Its about your spending Habit at Diskarte kung paano dadagdagan ang kita mo. At kung paano ka ba mag isip kapag may perang dumarating sayo? Paano ka ba gumastos ng pera?
Ano ba yung mindset mo at ginagawa mo pagdating ng sweldo? So tara, pag- usapan na natin ang 10 psychological tricks na pwede mong gawin.
#1 30 Days Rule
Wag magpadala sa emosyon sa pagbili, or tinatawag na 30 days rule.
Kapag may gusto kang bilhin, maghihintay ka muna ng 30 days bago mo ito bilhin.
As a result maiiwasan mo ang emotional buying or yung pagbili ng padalos dalos at wala sa budget.
So kapag ginawa mo ito consistently, magiging habit mo na sya. Everytime na may gusto kang bilhin at inapply mo itong 30 days rule, chances are hindi mo na sya bilhin after 30 days.
Pwedeng hindi mo na sya gusto at natakam lang ang mata mo dahil ito ay popular.
#2 Limit Impulse Buying Due To Hunger
Kung lalabas kayo para mamili sa grocery, unahin nyo muna ang kumain. Pwedeng bago umalis ng bahay, or pwede din naman sa kainan na madadaanan nyo bago kayo mamili.
Na pasok sa budget ang presyuhan ng mga pagkain. Dahil kapag inuna mo ang pamimili bago kumain, ang tendecy ay bumili ka ng mga sobra sobrang pagkain na hindi mo naman kailangan.
One of the psychological tricks is to limit impulse buying due to hunger.
#3 Putting Names On Your Savings
Baka iniisip mo na kabaduyan ito, No No No. Dahil ang iba ginagawa talaga ito para hindi nila magastos ang pera na naitabi nila.
Halimbawa ng alkansya or let’s say Bank Account na nakapangalan sa anak mo.
Mahihirapan ka na kunin ang pera dito dahil alam mong para sa pag aaral ng anak mo yun.
Gusto mo ba na bawasan ang pera ng anak mo para sa future nya? Hindi di ba? Kaya napaka effective na gawin mo ito sa mga saving mo.
Dahil nagkakaroon ka ng emotional atachement dito. Savings para sa pagpapatayo ng bahay, Para sa pagbabakasyon with your family, para sa pagnenegosyo mo and so on.
#4 Save Before You Spend
Number 4 Psychological tricks na kailangan mo na matutunan ay ang unahin mo ang savings mo bago ka gumastos.
Or unahin mo muna ang sarili mo, na nabanggit ko sa isang blog “#1 Money Rule.”
Pwede mo sya i- automate sa bangko na hindi mo na kailangan intindihin buwan buwan.
Dahil may system na naka- automate na syang magttransfer ng savings mo once na nakareceive ka na ng sahod.
In this way kusa ng mag aadopt ang utak natin dahil hindi natin hawak ang pera, at di mo namamalayan na nakakapagsave ka na.
#5 Avoid Seeing Ads
Ilang taon man ang lumipas, nagbago bago man ang technology. Ang mga ads ay hindi mawawala.
Kung sa magpasa hanngang ngayon nga may mga billboards pa ri tayo nakikita na nag -aadvertise ng isang produkto.
Kapag pumasok ka naman sa isang supermarket, may makikita kang Buy 1 Take 1, Best Deals, Sale.
Sa ating mga mobile phones, usong uso ang online shopping. At walang katapusan ang sale kada buwan.
Relate ka ba? Kung gusto mo talagang makaipon at makapagsave iwasan mo ang mga ads.
#6 Make A-List
Sa paggawa ng listahan maiiwasan mong bilhin ang di mo naman kailangan.
Naranasan mo ba pumasok sa supermarket na wala kang listahan at dampot ka lang ng dampot ng kung anong makita mo?
Pagdating mo sa cashier at after mo magbayad, feeling mo na- holdap ka? Nag iisip ka tuloy bakit napabili ka ng isang bagay na hindi mo naman kailangan.
At yung bagay na kailangan mo ay yung hindi mo nabili. Chances are babalik ka ulit para bilhin ang hindi mo nabili at mapagastos ka.
So make sure na gumawa ka ng listahan, para may guide ka kung ano lang talaga ang mga kailangan mong bilhin. It will help you to save money and save time.
#7 Pay With Cash
Marami sa panahon natin nagayon ang gumagamit ng credit card para ipambayad.
Alam mo ba na sa ganitong way ay naloloko mo din ang utak mo na hindi ka gumastos?
Dahil hindi ka naglabas ng cash at asayo pa rin ang card mo. Hindi ko naman sinasabi na mali ang gumamit ng card, pero dapat alam mo kung tama ba at kelan mo lang sya dapat gamitin.
At kung cash ang gagamitin mo na pambayad, makakaiwas ka pa sa pagbili ng mga bagay na hindi mo naman kailangan.
#8 Track Your Money
Mahalaga na alamin mo kung saan napupunta yung pera mo. Pwede mong isulat sa papel, sa cp, or sa computer.
Isulat mo yung pumapasok na pera or income at lumalabas na pera or expenses kada buwan.
So aware ka kung saan napunta ang pera mo, kung lumaki ba gastos mo. Kung sa tingin mo ay lumaki ang gastos mo, balik ka sa tip #1 natin.
#9 Magbudget Para Sa Mga Luho
Yes hindi naman masama na mapagbigyan mo ang sarili mo, dahil deserve mo naman na i- reward ang sarili mo from your hard work.
Pero dapat maglaan ka ng budget para dyan, for example 10% ng sahod.
Sa 10% doon muna pwede bilhin ang gusto mo, or kung malaki ang amount let’s say gusto mo bumili ng bagong Cellphone, yung 10% kada buwan ay pwede mo naman ipunin hanggang sa mabuo mo yung amount na kailangan mo.
Nakatipid ka na, at baka bumaba na rin ang price ng model ng CP na gusto mo that time.
#10 Palakihin Ang Income Wag Ang Gastos
Pinakahelpful sa mga naunang psycological tricks ay ang palakihin ang income mo at wag ang gastos.
Sabi nga nila kapag lumalaki daw ang income ay lumalaki din ang gastos. Yes totoo yan kapag inuna mong pag gastusan yung Wants Vs Needs.
Kaya maging wise at gawing tama ang paghawak sa pera. Maghanap ng ibang side hustle para madagdagan ang kita, at wag magdagdag ng pagkakagastusan.
I hope may natutunan ka sa ating blog na Psychological Tricks To Save More Money. I hope it will help you na ma- increase pa yung income mo na makakatulong sayo for your future investments.
At kung desidido ka na mag create ng another source of income maybe this INCOME TIPS will help you.
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.