
Kung merong mga ugali or habits para maging successful, meron ding mga behavior that make us poor na dapat mo na bitawan.
Sabi nga “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Ibig sabihin asa atin pa rin nakasalalay ang pag unlad natin sa buhay.
Sa mga iniisip natin, paniniwala, at sa mga actions na ginagawa natin. At ang gabay ng Panginoon ang tutulong sa atin sa pamamagitan ng panalangin.
Aminin man natin oh hindi, may mga ugali tayo na hindi natin alam na nagiging sanhi ng kahirapan.
Tayo mismo na pala yung nagiging dahilan bakit di tayo umuunlad sa buhay. So let’s see ano yung mga behaviors that make us poor na dapat mo ng baguhin.
#1 Being Unclear Of Your Financial Goals And Priorities
It all started kung ano ang gusto mo sa buhay. I am sure na lahat ng tao may Pangarap, but most people are just unclear kung ano ang gusto nila.
Ikaw, ano ba yung gusto mo makamit? Kung wala kang clear goals sa buhay mo, or hindi mo alam kung ano ba ang gusto mo.
Thats one of the reason na walang direksyon ang buhay mo. Dahil hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mong gawin, kaya wala kang ginagawang aksyon.
So dapat alamin mo kung ano ang financial goal and priorities mo sa buhay. You need to analyze yourself, meditate and think.
If we don’t have meaningful specific, we are just a wandering generality.” -Zig Ziglar
#2 Living Outside Your Means
Walang masama na mag enjoy from our hard-earned money. Sometimes gusto din naman natin ireward ang sarili natin to relax galing sa perang pinaghirapan natin.
Pero dapat may limit, iisipin mo din yung mga pinagkakagastusan mo at kung may budget ka ba talaga para gumala, kumain sa labas, or magbakasyon.
Make sure na hindi lalagpas yung spending mo kesa sa kinikita mo. Gumastos ng naayon sa lifestyle at financial status mo. Control your spending habit, wag maging 1 day millionaire.
#3 Ignoring Your Debts
Isa sa mga behaviors that make us poor ay ang pagsasawalang bahala ng mga utang.
Kagaya na lang ng mga credit cards, masarap lang magswipe ng magswipe kapag dumating na ang bill di natin alam paano babayaran.
Tataas ng tataas ang interest at ang mangyayari mababaon na tayo sa pagkakautang.
Kaya sa una pa lang dapat harapin mo ang problema sa pagkakautang at maghanap ng paraan para masulusyunan.
If you want to live happy and stress-free wag i- ignore ang pagkakautang.
#4 Thinking That It’s Too Early To Start Saving
Madalas nating naririnig lalo na sa mga kabataan, You only live once”. Kaya naman they spend the most of it to enjoy.
Kasi, they have this belief na minsan lang mabuhay sa mundo. But it doesn’t mean na hindi ka na magse- save, darating ang panahon na kakailanganin mo ng pera in the future.
We never know anong mangyayari bukas di ba? So it is better to start saving habang bata pa.
Katulad na lang ng nararanasan ng mundo ngayon, marahil marami sa inyo laging out of town before ng pandemic.
Pero when lockdown hits, nawalan ng trabaho,nawalan ng source of income…Kaya Be ready at all times, save and padamihin ang pera mo.
That’s our #4 na behaviors that make us poor na dapat mong i- let go.
#5 Lack Of Value System

Ano ba ang value system? Ito yung magbibigay sayo ng purpose and direction to fulfill your goals in life.
Yung mga values like disiplina and atttitude mo toward sa isang bagay or situation. Halimbawa nagfail or nareject ka, ano yung value system mo?
Dapat ka bang magreklamo? Huminto na at sabihin na hindi mo kaya? Or kaawaaan mo na lang ang sarili mo?
Yan ang mga behaviors that make us poor. Instead na manghina ka, ay gumawa ka ng paraan at magsimula ulit.
Ang tamang value system mo dapat dyan is LUMABAN! Hindi ka hihinto hanggat hindi mo nakakamit yung gusto mo sa buhay. You will never quit, and you will never stop!
#6 Poor Budgeting Habits
Alamin mo kung saan napupunta ang pera mo. Sa upa, sa kuryente, sa tubig?Isang ugali na nagpapahirap sa atin yung hindi marunong magbudget.
Kapag hindi ka nagbudget alam mo na kung saan mapupunta ang pera mo. Lalo nat uso ang online shopping,may mga sale, we are tempt mag add to cart and buy now.
So one of the one behaviors that make us poor na dapat mo na talagang baguhin.
#7 You Only Work For Money
Ibig sabihin nito ay umaasa ka lang sa isang source of income or tinatawag na active income.
Kapatid, hindi sapat na nagtatrabaho ka lang para sa mga pangangailangan mo. Dapat makaisip ka din ng paraan kung paano mo dodoblehin ang kita mo or dodoblehin ang pera mo.
Let money works for you. Kasi nga hindi habambuhay malakas ang pangangatawan natin.
When you stop working, you stop earning. So habang may oras ka pa gumawa ka na ng action to create another source of income.
Kasi when time comes na hindi mo na kayang magtabaho, then dyan na magwowork yung money for you.
#8 Making Space For Negativity
Kaya hindi tayo nakakapagsimula sa mga gusto natin dahil we allow negativity sa mind natin.
Sa pagnenegosyo, maraming ayaw magsimula dahil mindset nila agad baka malugi. Instead of paano kumita.
So dapat sa mindset pa lang wag mong hayaan na unahan ka kaagad ng negativity, pero given na yun na may risk naman lahat ng bagay kaya importante din na maging handa ka.
If you don’t start now, paano mo malalaman?
#9 Giving Up Easily
Pinakamalaking reason bakit tayo naghihirap ay ang ugaling madali sumuko. Wag mong kalimutan na laging may pag asa.
Lahat ng mga paghihirap mo ngayon ay may kapalit na tagumpay kaya don’t give up easily sa mga pangarap mo.
Kumuha ka ng inspiration sa mga successful na tao, sa tingin mo ba narating nila yung katayuan nila sa buhay ngayon kung sumuko sila noon?
Maging ganun ka din, walang nagwawagi sa taong sumusuko agad. Laban Lang!
#10 Focusing On Material Growth Instead Of Personal Growth
Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga pilipino ay mas focus sa mga materyal na bagay or pagkakagastusan.
Or bumili ng mga bagay na sunod sa uso na hindi naman makakatulong sa pag unlad sa buhay.
It is just to impress people,tama ba? Wag mo sayangin ang pera at panahon mo, mag invest ka.
Mag invest ka sa isang bagay na alam mo na kikita ka. Pero bago ka pumasok sa mga investment, invest in yourself first.
Pag aralan mo muna, you need to have a financial education bago ka magsimula sa kung anong negosyo ang gusto mong simulan. You need a foundation,that is by educating yourself .
Thank you for tuning in sa mga blogs ko and I really hope na I-let go muna yung mga Behaviors that make us poor. Or mga ugali na pumipigil sa atin para tayo ay umasenso.
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!
Thanks for sharing your time and effort with me that inspiring, motivating and awakening thoughts you’ve imparted.