5 Bad Financial Decisions An Entrepreneur Made

Have you ever made bad financial decisions in your entire life? Na magpasa- hanggang ngayon ay di mo makalimutan?
5 Bad Financial Decisions An Entrepreneur Made.
Bad Financial Decisions

Kaibigan…di ka nag iisa, we all experienced na magkaroon ng maling desisyon sa usapang pera.

At sa mga pagkakamali na yun, doon tayo natututo na wag ng gawin ulit yun.

So here is the 5 bad financial decisions that I made. To know more, keep on reading…

#1 Lending Out Money

Sigurado ako naexperienced mo na magpautang sa kakilala mo at di ka binayaran. Naku! Ito talaga napakasakit na aral sa napakarami.

Pinautang mo kasi pinangakuan ka na babayaran ka pag narecieve ang sweldo, padala ni mister, or sa katapusan ng buwan. Yun pala katapusan ng mundo!

Wala na palang balak na bayaran ka. At kapag siningil mo, sya pa ang galit. Ikaw pa ang nahihiyang magremind ng utang.

But I don’t say na wag ka magpautang lalo na kung alam mo na nangangailangan yung taong umuutang sayo.

Ganito na lang, kung alam mo na yung umutang sayo ay walang kakayahan na bayaran ka for some reasons…consider it na tulong mo na lang.

Para magkaroon ka na din ng peace of mind…Pero don’t ever do that mistake again.

#2 Getting Into Business You Do Not Understand

Ikaw ba ay sumubok na rin ng magnegosyo then hindi ka kumita?or walang nangyari sa negosyo mo?

Haayyy kaibigan, sandamakmak din ba ang mga sinubukan mo noon? Instead of making money, You loose money becuase you don’t understand yung concept sa pagbi- business.

Sa larangan ng pagnenegosyo, kailangan pag aralan mo muna at unawain yung risk ng pinasok mo. Ika nga para kang sumugod sa gyera na wala kang dalang baril or armas.

So, wag lang sugod ng sugod, your best weapon is aralin at intindihin ang isang bagay bago ka magjump into business. 

#3 Expanding Business Too fast And Too Soon

Kung ikaw naman ay may isang negosyo na talagang kumita ng malaki. Nag isip ka na iexpand na yung business mo.

friend wag na wag mong gagawin yan dahil wala namang easy money. It will takes time…

Hindi ibig sabihin na nagwork ang isa mong business sa isang particular na lugar,ay pwede din magwork sa 10 pang business.

Ok lang maexcite, pero wag magmadali, dahil wala namang bigalaang pagyaman. Make sure na ok ang system mo to expand. 

#4 Getting Into Business With People You Don’t Fully Trust

Sa pagkuha ng business partner, mahalaga na kilalanin mo muna sya ng mabuti. Don’t get into business kung yung mga sasamahan mo ay mga di katiwa- tiwala.

Yung iisahan at gugulangan ka pag dating ng panahon. Mahirap magtiwala sa taong di mo pa lubos na kakilala.

So may tip, kilalanin ng maigi para di ka magsisi sa huli, at ma- prevent mo pa ang pagkalugi sa negosyo mo. 

#5 Buying Things That Depreciates In Value

Ito pa ang nakakalungkot, mahilig tayong bumili ng mga bagay na uso gaya ng mga gadgets, sasakyan, at iba pa.

Minsan din ba pinagsisihan mo ito sa buhay mo? After ilang months or years yung binili mong bagay ay bumaba na ang presyo?

Kaibigan, maging aral sana ito sayo. Mag invest ka sa mga bagay na nag aapreciate ang value, hindi nagdedepreciate.

Again, maging wais at praktikal ka na sa paghawak ng pera. Bumili ng ayon sa pangangailangan, hindi dahil sa uso or trending.

Kung di mo pa nabasa ang article na ginawa ko about sa Tunay na Investment or pag iipon I recommend that you read it here: What Is Real Savings?

Resource

P.S. Kung may napulot kang aral sa mga maling desisyon na ginawa ko noon, please comment your thoughts below or share it with your friends. 

Leave a Comment