5 Types Of People You Should Avoid To Become Successful

types of people
Alam mo ba na may types of people you need to avoid para maging matagumpay ka sa buhay?

Ang mga tao na ito ang nagiging dahilan kung bakit ay hanggang ngayon ay hindi ka umuusad sa buhay.

Kaya sa blog na ito ay pag uusapan natin ang 5 types of people na dapat mong iwasan para makapag level up ka sa buhay. 

Madalas natin marinig sa payo ng ating mga magulang na piliin daw natin ang ating mga kakaibiganin o sasamahan.

Kapag isa sa ating mga kaibigan ay may hindi magandang impluensya, sa ayaw at sa gusto mo ay magiging kagaya ka din nila.

At pag pinagpatuloy natin ang pagsama sa taong may mga masamang gawin ay malamang na maging katulad ka na din nila.

Hindi mo namamalayan na ginagawa mo na rin pala ang kung ano ang ginagawa ng mga taong tinuturing mong kaibigan at madalas mong makasalamuha.

Sabi nga sa isang qoute, “You become like the people you spend most time with.”

#1Puro “Mahirap” ang bukang-bibig

Sila yung mga tao na kakilala mo na kapag nagsabi ka ng isang idea ay puro mahirap ang sinasabi.

Halimbawa gusto mo magtayo ng small business, ang laging sagot sayo ay

“mahirap pasukin yan, mahirap kumuha ng permit nyan, mahirap imanage yan, di mo kakayanin yan, mahirap yan, baka malugi ka lang dyan.”

kung baga puro negatron ang una nilang nakikita agad instead of isipin yung posible na outcome kapag ginawa mo yung isang bagay.

Sa personal life nila ganoon din sila mag isip, kaya naman ganon din ang bukang bibig nila na sasabihin sayo.

So iwasan mong yung mga ganitong type of people na hindi makakatulong sayo na gawin ang mga bagay para umusad ka.

Hanapin mo or samahan mo yung mga tao na susuportahan at tutulungan ka sa mga ideas mo.

Yung taong mas excited pa sayo na simulan na yung mga plano mo. Yung positive ang pananaw sa buhay. 

#2 Mga Chismosa/Chismoso

types of people

Naku naman, ano pa ba ineexpect natin sa mga taong mahilig pag usapan ang buhay ng ibang tao?

Please please please kung may kapitbahay ka or kaibigan na mahilig sa mga usapin tungkol sa ibang tao, iwasan mo na.

Dahil wala namang magandang maidudulot or mapapala kung pag uusapan nyo ang buhay ng ibang tao na wala ka namang kinalaman.

Sila yung mga tao na nagsasayang ng oras at energy para pag usapan ang mga walang kwentang bagay.

Sa halip na ayusin na lang nila ang sariling pamumuhay. May tatlong bagay na pinagkukwentuhan ng mga tao sa araw araw.

Una, yung ibang tao o chismis ika nga, pangalawa tungkol sa mga events or pangyayari na naganap.

Pangatlo tungkol sa mga ideas, or topic tungkol sa mga makabuluhang bagay.

Piliin mo yung mga taong mahilig pag usapan yung mga tungkol sa mga bagong ideas na magbebenepisyo sa maraming tao yan ang samahan mo.

And avoid those types of people who care to talk about other people’s lives. 

#3 Mabisyo sa oras

Mabisyo sa oras, ito yung mga tao na maaksaya sa oras. Mga taong mahilig mag ubos ng oras.

Yung konting kibot pahinga, konting kibot idlip, konting kibot higa.

Or kaya naman yung mahilig tumambay, mahilig pumunta sa bahay mo para tumambay lang.

In other words itong mga mabisyo sa oras ay mga TAMAD. Wala na silang inisip kundi magpahinga ng magpahinga.

Iwasan mo yung ganitong type ng mga tao kung ayaw mo maging katulad ka din nila.

Dahil sa malamang kung panay dikit mo sa mga taong mahilig magsayang ng oras ay masasayang din ang buhay mo.

Mauubos ang oras mo na sana ay ginugugol mo sa mga bagay na makakatulong sayo para maglevel up.

Oras na nauubos na dapat pinagtatrabahuhan mo na para sa pagtupad sa mga pangarap mo. 

#4 Comfortable people

Isa sa mga tao na dapat mong iwasan ay ang mga comfortable people.

Sila yung kumportable na sa na achieved nila sa buhay. Yung humihinto na kapag ok na sila at kumportable.

Samahan mo yung mga tao na kahit na mayaman na ay patuloy na nagtatrabaho para makapagbigay ng serbisyo sa maraming tao.

Ang i- goal natin sa buhay kahit marami na tayong pera ay makagawa pa rin ng paraan para makapagbigay ng value or service sa iba.

Makapagbigay ng kaalaman, or anything na makakatulong din sa iba para umangat din sila sa kanilang estado sa buhay.

At kung yung mga kasama mo ngayon ay ang goal ay maging relax at kumportable na sa kanilang pansariling success ay mabuting iwasan mo na.

Hindi sila nararapat na pakisamahan mo pa. Dahil ang totoong tagumpay ay makukuha mo lamang kapag natuto kang magibigay ng serbisyo sa karamihan. 

#5 Mga taong galit sa mga nagtatagumpay

Sila yung mga tao o types of people na galit kapag may nababalitaan sila na taong umaasenso.

Sila yung mahilig manira, yung mga nagsasabi na kaya nagtagumpay dahil may ginawang di maganda, nandaya, nanloko yan kaya umasenso, or chamba lang yan.

Yan ang mga taong galit dahil naiinggit sila sa tagumpay ng iba. Lalo na kapag ka level nila yung tao na naging successful na.

Imbes na maging masaya sa tagumpay ng iba, ay mga ganitong salita ang maririnig mo sa kanila.

So iwasan mo yung mga ganitong klase ng mga tao, o toxic na mga tao.

Hanapin mo yung mga tao na kapag nahiwalay sa kanila ay yung pakiramdam mo na ang dami mong energy,

yung pakiramdam mo inspired na inspired ka, yung pakiramdam mo kaya mong gawin lahat.

Hanapin mo yung mga ganitong klase ng tao. Sila yung makakatulong sayo para mapabilis yung progress mo. 

Disclaimer: Di ko sinasabi na iwanan mo yung mga naging kaibigan mo na although may dala dala silang negative energy ay naging parte pa rin sila ng buhay mo.

Ang kailangan mo ay magtagumpay sa buhay mo. Balikan mo sila kapag matagumpay ka na,

at pag may napatunayan ka na. Balikan mo sila, para maitama rin nila yung buhay nila.

Sa ganoong paraan maniniwala na sila sa mga idealization mo sa buhay at mas madali mo na silang mahatak para umusad din sa buhay.

At yan ang 5 types of people, you should avoid if you want to succeed in your life. Hanggang sa susunod na kwentuhan natin, Godbless! 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment