
Sa pag nenegosyo, talagang napaka importante ang malaman mo kung ano ang mga pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang bago mag simula.
Mayroon kang magandang ideya para simulan mo ang iyong negosyo, ano na ang balak mo ngayon? Hanggang balak nalang ba?
“Syempre hindi, Coach.”
Oo tama, kailangan mong gawin at subukan. 😊
“Baka malugi kasi, Coach. Sayang ang pera.”
Sabi nga nila,
“Ang pag nenegosyo ay parang sugal, hindi mo malalaman kung ano ang kahihinatnan kung hindi mo susubukan.”
Narito ang mga key factor kung ano ang mga kailangan gawin bago mo simulan ang iyong pag nenegosyo.

#1 Get Good at Money Management
Syempre, obvious na advice naman na kapag mag i-start ka ng Negosyo, kailangan mo ng kapital. Kailangan mo ding malaman kung paano mag manage ng iyong pera o paggastos— sa madaling salita, iwas utang at sure na mapopondohan mo ng maayos ito.
Ang isang magaling na negosyante na marunong humawak ng pondo o pera ay hindi basta basta malulugi kahit na meron hindi inaasahang biglaang paggastos.
#2 Write Your Goals Down For Your Business
Ang pagbuo ng isang plano sa negosyo ay hindi lang para hindi mo makalimutan ang mga importanteng bagay, ito rin ay para makagawa ka ng actions at mai apply mo ang iyong mga nabuong ideas.
Kapag pinaghahandaan mo muna lahat bago ka sumubok sa isang Negosyo, natutukoy mo agad ang mga magiging problema at makakapag handa ka ng plano para ma-solusyunan agad ito.
#3 Figure Out How Much Money You Need
Regardless of how great your idea is, you can’t move forward without adequate funding.
Oo, nakaka excite na masimulan mo agad ang iyong Negosyo lalo na kung nagsisimula ka pa lamang, pero mas importante na malaman mo muna kung magkano ang aabutin para hindi ka mabigla sa gastos at hindi ito maudlot at magka problema.
Halimbawa,
Kung gagamitin mo ang iyong personal na savings para mapondohan lamang ang kulang sa iyong Negosyo, baka naman pagdating ng panahon, makapag-loan ka sa bangko o lending business para lamang masustentuhan mo ito, at imbes na mai-invest mo ang iyong savings at may posibilidad pa na lumago ito, e mauwi lahat sa wala o kalugihan.
Ang mga ganitong factor sa pagsisimula ng pag nenegosyo ay dapat isaalang alang sa iyong business plan.

#4 Mag Research at Mag Prioritize
“Business plans contain a lot of boilerplates that can’t be modified easily”
You need to find the most important parts: A mission statement and key goals, for example.
Halimbawa…
Kailangan mong mag research ng mga trending na bagay, tukuyin ang iyong strength and weaknesses kapag sisimulan mo na, ikonsidera kung magkano ang aabutin nito kung sakali or if there are any legal issue to address.
Sumabay sa kung ano ang uso na makakatulong sa iyo.
Dahil sa pagnenegosyo, kailangan mong isabay ito sa kung ano ang napapanahon.
#5 Paano ka kikita?
Mahalagang pag-isipan ang iyong target na market at mga pagmumulan ng kita. Pag-isipan ang apat na tanong na ito:
- Sinu-sino ang iyong mga target na customer?
- Magkano ang handa nilang bayaran?
- Paano ihahatid sa market ang iyong produkto o serbisyo?
- Ikaw ba mismo ang bubuo, gagawa, magpapakete, magma-market at magbabahagi ng iyong produkto o serbisyo o sa pamamagitan ng pakikipagsosyo sa isa pang negosyo?
Lahat ng ito ay makakatulong sa iyong pagpa-plano.
Hope nakatulong ang mga ito o maging sign ang mga ito para simulan mo na ang iyong panagarap.
Kaya mo yan! 😊
If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
Or you can also visit my YouTube Channel for more free tips and learnings. Click Here!