5 Tips How To Be Motivated Everyday

motivated
Ang totoo mahirap talaga maging motivated sa araw araw.

May mga pagkakataon talaga na nawawala na yung exitement natin sa isang bagay or tinatamad na tayo.

Yung gusto mo naman talaga maging productive pero hindi mo makita yung dahilan para maging motivated ka na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin.

Minsan kasi naboboring na tayo kapag paulit ulit na lang ang gingawa natin at dyan na papasok yung katamaran.

Kaya lang sa ganyang sitwasyon naman kung papairalin mo ang katamaran, ay walang magandang mangyayari sa buhay mo.

Katulad na lang sa trabaho, kapag ba tinamad ka at ayaw mo ng magtrabaho kikita ka ba or magkakaroon ka ba ng income?

Or di kaya naman pinipilit mo na lang ang sarili mo na magtrabaho dahil na lang sa sweldo?

But in that case maapektuhan din ang performance mo sa work at maaring maging dahilan ng pagkatanggal sayo ng boss mo.

So sa blog na ito ay ituturo ko sayo ang 5 tips para maging motivated ka araw araw. 

#1 Always think about your purpose 

Para maging motivated ka araw araw isipin mo kung para kanino ka bumabangon? Sabi nga sa tagline ng nescafe.

Bakit mo ito ginagawa? Bakit kailangan mo itong gawin? Para kanino? Para ba sa sarili mo?

Para ba sa mga pangarap mo? Para ba sa pamilya mo? Kailangan lagi mong isipin yung “WHY” mo bakit kailangan mong magpatuloy.

Mahlaga na malaman mo ang rason bakit mo ginagawa ang isang bagay.

At yang mga why na yan ang magbibigay sayo ng direksyon para hindi ka tamarin sa buhay.

Maganda rin na may listahan ka or checklist kung saan nakasulat ang mga activity na gusto mong gawin sa araw araw. Magsisilbi itong guide para magawa mo ang isang gawain. 

#2 Avoid Distractions

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka motivated ay dahil sa mga distractions na ine-entertain mo.

Halimbawa na lang ng mga gawain na isinisingit mo sa oras ng trabaho. Or mga bagay na una mong pinagtutuunan ng pansin kaysa sa mga bagay na mas importante.

Katulad ng lang ng pagbababad mo sa social media, sa TV, sa games at kung ano ano pang mga bagay na hindi din makaktulong sayo para magmove forward ka.

Iwasan mo din ang pagmumulti-task na isa ding form of distraction. Dahil isa din yan sa mga dahilan kaya nawawala ka sa focus.

Focus kung ano ang gusto mong marating sa buhay. At kung gusto mo naman matutunan paano maka avoid sa mga distractions I suggest na mabasa mo din ang Article ko tungkol dito. 

#3 Set a deadline

Gumawa ka or magset ka ng deadline. Malaki ang maitutulong nito para maging motivated ka sa mga gagawin mo.

Tayo kasing mga Pilipino mahilig tayo magpaliban ng mga gawain or yung pangit na kaugalian na tinatawag natin na Mañana Habit.

At isa pa yung kadalasan na naririnig natin “Filipino Time.

Mahilig din tayong gawin ang isang bagay ng late, or kung kelan pasahan ay staka pa lang tayo maghahabol ng oras para tapusin ito.

Kaya napakaimportante talaga ng pagseset ng deadline para laging on track ka lagi. Para maiwasan mo ang tamarin at mawalan ng gana. 

#4 Simplify the tasks

motivated

Simplehan mo ang mga gawain mo. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka na motivated sa ginagawa mo,

ay yung naooverwhelm ka at sa dami ng information ay hindi mo na ito kayang iabsorb.

At ang ending ay ayaw mo ng kumilos at tatamarin ka na. Kaya pasimplehin mo lang ang mga gawain mo, ika nga start small.

Magsimula ka muna sa baby steps, or first step ka muna palagi at wag humakbang agad ng malaki.

Ibreakdown mo lang yung mga malalaki papuntang malilit. Halimbawa may target ka na makaipon ng 1 million peso, at alam mo na malayo layo pa bago maabot mo yan.

So umpisahan mo munang abutin yung 10,000 pesos, next 20,000, 100,000 pesos and so on hanggang sa maabot mo na yung 1 million pesos.

Kaya pasimplehin mo lang yung mga bagay na gusto mong gawin or simulan. 

#5 Reward yourself

Hindi naman masama na minsan ay bigyan mo din ng reward ang sarili mo kahit sa maliliit na bagay na acomplished mo.

Isa ding paraan yan para maging motivated ka pa na pagtrabahuhan ang bagay na gusto mong maabot.

Sabi nga nila you need to celebrate even small victories para ganahan ka pa sa mga susunod na hakbang na gagawin mo.

Iba din kasi yung feeling kapag nirereard mo yung sarili mo. Ito din kasi ang proof na kaya mo pala,

na posible pala yung dating iniisip mong imposible nung wala kang ginagawang aksyon.

As long as nagagawa mo yung mga maliliit na bagay, patunay na yan na kaya mo rin gawin yung mas malalaki pang goal. 

At yan ang 5 tips ko sayo today kung paano maging motivated araw araw. Tandaan mo lagi na walang rason para tamarin ka, sarili mo lang ang kalaban at kakampi mo.

I hope hindi mo lang binabasa ito ngayon, dapat ay simulan mo na din itong gawin.

Lagi mong alalahanin yung reason bakit kailangan mong isakripisyo ang ilang mga bagay para dito. Hanggang sa susunod nating topic, Stay Motivated! 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

1 thought on “5 Tips How To Be Motivated Everyday”

Leave a Comment