Lahat tayo ay mayroong ibat ibang level ng mga challenges na pinagdadaanan sa buhay. And today let’s talk about the 5 painful truths na kailangan mong tanggapin kung gusto mo talaga marating ang sucess sa buhay mo.
Kakambal na talaga natin sa buhay ang pagkakaroon ng mga pagsubok na nagdudulot ng mga masasakit na karanasan.
Halimbawa na lang nyan noong mga panahon na nag aaral ka pa. Magkahalong saya, lungkot at hirap ang dinanas mo.
Pero sa kabila ng mga paghihirap na tiniis mo nakamit mo naman ang isang achievement.
Ang makapagtapos at makapasa sa license exam ng kursong napili mo. Ipinapakita lang nyan, na sa buhay natin ika nga nila “No pain, No gain.”
Makukuha mo lang ang mga bagay na gusto mo maachieve kung willing ka na magsacrifice para dito.
Ask yourself now, What price are you willing to pay to be successful?
#1 Failure
Number 1 painful truth na kailangan mong tanggapin ay ang mag failed. Karamihan sa atin ay takot na makaranas ng failure.
Ayaw natin magkamali sa mga desisyon sa buhay. Pero tandaan mo na walang perpekto sa mundo.
Ke mahirap ka o mayamaman, dadating at dadating ka talaga sa point na magkakamali ka sa mga desisyon mo sa buhay.
Sabi nga sa isang qoute, “Failure is part of success.” At hindi masama ang mabigo, dahil isang sangkap yan para matuto ka at hindi na gawin ang pagkakamali na iyun.
Lahat ng mga naging successful na tao ay nakaranas ng mga pagkabigo, kaya wag kang matakot na mag fail ka.
Depende yan sayo kung paano mo titignan yung failure na nagyari sa buhay mo, kung gagamitin mo ba itong inspirasyon para maabot ang pangarap mo,
or titignan mo na parang katapusan mo na. Sumuko na, or maging pursigido pa?

#2 Not Trying Things That You Don’t Know About
Is it true na mas masarap gawin yung mga bagay na alam mo na, dahil alam mo na hindi ka na magkakamali at kumportable ka.
Pero ang painful truth about being in the comfort zone sometimes, yan ang nagiging dahilan para hindi ka mag grow.
Kontento ka na sa mga bagay na alam mo na. Ayaw mong lumabas at sumubok ng iba pang mga bagay na posibleng makatulong sayo na mas mabilis mo mabuild yung pangarap mo.
Dahil hindi mo nga alam, kaya takot kang sumubok at takot kang mag fail. Pero paano mo malalaman kung di mo susubukan?
Minsan kasi itong mga bagong bagay na darating, let’s say bagong opportunity na dumadating sa buhay natin, we never know baka yan ang susi para matupad yung mga pangarap mo.
Para lang yan pag akyat sa bundok, nakakatakot talaga sa umpisa dahil hindi mo alam kung anong naghihintay sayo doon at delikado.
Pero once na nakarating ka na sa summit, ang sarap sa pakiramdam na hindi mo akalain na magagawa mo yun.
Napakalaking achievement na maituturing yun sa buhay mo. Iba yung feeling na nagawa mo ang isang bagay na hindi mo iniexpect na kaya mo pala,
kaya palakasan lang talaga ng loob yan. Kung gusto mo may magbago sa buhay mo,wag kang matakot sumubok ng bagay na hindi mo pa alam or bago sayo.

#3 Resign From Your Work
One of the painful truths about building your wealth is you need to resign from your work.
Alam naman natin na kung gusto mo talagang maging matagumpay din sa buhay, hindi ka dapat nagtatrabaho sa iba para ibuild yung pangarap ng iba.
Get’s mo ba? At ang mga successful na tao na kilala mo ay may mga sariling negosyo. At ang totoo hindi ka talaga uusad sa buhay kung ikaw ay isang empleyado lang.
Pero di ko sinasabi na umalis ka na agad sa trabaho, its still a blessing na sumasahod ka kada kinsenas at katapusan.
At naibibigay mo ang pangangailangan ng pamilya mo. What I am trying to say is hindi talaga dapat tinatambayan ang pagiging employee.
Dapat gumawa ka din ng paraan para makapagsimula ka ng negosyo kahit na may current job ka.
Umpisan mo ng magsave at maghanap pa ng ibang pagkakakitaan or another source of income
para maihanda mo ang sarili mo kung sakaling magdesisyon ka ng magfull time sa pagnenegosyo.

#4 Being Irresponsible
Masakit man pakinggan at tanggapin pero may iba na nakakalimutan na ang responsibilidad.
Pwedeng nasanay sila na nakasandal lagi sa iba, sa magulang, sa kaibigan or sa gobyerno.
At kapag may hindi magandang nangyari sa buhay nila ay sisihin ang ibang tao. Dapat ay matuto ka na maging responsable sa mga desisyon mo sa buhay.
Dahil kung nakikita ng tao sa paligid mo na iresponsable ka, magsasawa sila na tulungan ka.
Matuto ka na tulungan ang sarili mo, at wag umaasa sa iba. Walang ibang pwedeng maging responsable sa sarili mo kundi ikaw.

These are the 4 painful truths na kailangan mong yakapin at tanggapin kung gusto mo talaga marating ang pinapangarap mo sa buhay. Wag kang matakot na sumubok at maging responsable ka para sa iyong sarili.
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
But wait, maybe you are interested to know about the things you need to consider before making a jump from employee to entrepreneur. CLICK HERE!