Sa buhay natin may mga bagay tayo o habit na ginagawa na hindi tayo aware na nagiging dahilan kung bakit tayo naghihirap.
Posibleng aware ka din naman pero dedma ka lang at ginagawa mo pa rin para masatisfy ang kagustuhan mo.
Kung paulit ulit ang cycle ng buhay mo at sawa ka ng maging mahirap. Mag isip isip ka na,
baka ito na ang panahon para baguhin mo na ang mga bagay na ginagawa mo ngayon.
So tara, simulan na natin pag usapan ang 6 bagay na dapat mo ng tigilan kung ayaw mong manatiling mahirap.
#1 Tigilan na ang pagsabay sa uso

Ikaw ba ang tipong tao na mahilig sumunod sa uso? Fashion ikaw nga ng iba…
Buwan buwan ay nagbabago ang mga nauusong damit, gadgets, sapatos, kulay ng buhok, atbp.
Wala namang masama sumunod kung ikaw ay may pera nakalaan para sa mga uso na yan.
At ok lang din naman bumili ng mga bagay kung kailangan mo naman talaga.
Pero paano kung wala ka naman talagang pera at gusto mo lang talaga sumabay sa uso dahil yun ang gingawa ng karamihan, ng mga kaibigan mo, at ng mga nakikita mo sa social media.
In other words FOMO ka na, Fear Of Missing Out. Yung kapag di ka nakasabay sa uso ay pakiramdam mo ay hindi ka na in, or hindi ka na pasok sa standard ng mga nakararami.
Walang magandang maidudulot sayo ang pagsabay sa uso, lalo nat kung hindi mo naman afford bilhin ang isang bagay.
Mas ok ang maging simple, at gumastos lang ng ayon sa pangangailangan. Or ayon sa kaya ng bulsa.
#2 Tigilan ang pagbili ng Sale
Isa sa mga bad financial desicion ay ang pagbili ng mga sale.
Hindi ka naman talaga totoong nakadiscount sa pagbili ng sale kung yung binili mong bagay ay hindi mo naman talaga kailangan.
Binili mo lang dahil sa sale sya. Halimbawa bumili ka ng bag na worth 4,500 at dahil sale nakasave ka ng 500 pesos.
Hindi ka naman talaga nakasave ng 500 bagkus nawalan ka ng 4,500. Dahil hindi mo pa naman kailangan ng bag at marami ka pa nito.
Usong uso din ang online shopping. Lazada at Shoppee kada buwan may sale. At di lang yan meron pa kunong birthday sale.
Tigilan na ang impulse buying o pagbili ng mga sale kung ayaw mong manatiling mahirap.
#3 Tigilan ang pagmamayabang sa pera

Iba iba naman ang ugali ng mga tao, meron lang talagang sadyang gusto magyabang at magshow off.
At meron naman na gusto lang ay nasa low key. Katulad na lang ng nakikita natin sa social media, na pinopost pa kung magkano ang kinikita nila sa isang buwan.
And guess what yung mga taong gumagawa ng ganyan ay hindi totoong mga mayaman o maraming pera.
At yung totoong mayaman, sila yung hindi showy at simple lang.
Magugulat ka na lang kapag may nabalitaan kang isang tao na mayaman pala pero hindi kasi halata at hindi ito nagpapakita ng kung anong bagay ang meron sya.
Kaya mas ok na tahimik ka lang, at walang nakakaalam na marami kang pera. Ang importante ay ginagamit mo ang pera mo para makatulong sa iba,
at marunong kang magpasalamat sa Diyos sa napakaraming blessing na pinagkaloob sayo.
#4 Tigilan ang pangungutang
Isa sa mga problema ng mga mahihirap ay ang pagkabaon sa utang. Dahil sa mga maling financial decision na ginagawa nila sa pera.
Uutang para makabili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Or pag babalewala sa pagbabayad ng utang,
kaya tumataas ang interes at di na alam kung paano makakabayad at makakalabas sa utang.
So isa sa mga bagay na dapat mo ng tigilan ay ang pangungutang. Kung mangungutang ka naman,
make sure na gagamitin mo ang pera para palaguin ito kagaya ng pang puhunan sa negosyo. And make sure din na garantisadong may pambayad ka.
#5 Tigilan ang pagbibisyo

HIndi naman sa nilalahat ko pero may mga tao talaga na kahit walang pera o maliit lang ang income ay talagang napaglalaanan pa nila ng budget ang pagbibisyo.
Katulad ng alak, sigarilyo at sugal. Yung lingguhang inuman, 3 packs ng sigarilyo sa isang araw, or yung 3x na pagtaya sa weteng.
Naku po, kapag kinuwenta mo ang mga ginagastos nila dyan sa ilang taon baka nakapundar na sila ng negosyo.
Nakakalungkot lang at may mga taong ayaw tigilan ang mga ganitong uri ng mga bisyo.
So kung ikaw na gustong may mangyari sa buhay mo or gusto mo umusad, tigilan na ang pagbibisyo.
At baguhin mo na ang sarili mo habang may oras pa. Ikaw lang ang may control at ikaw ang driver ng buhay mo kung saang trip mo gusto pumunta.
#6 Tigilan ang katamaran
Awts! Malakas talaga ang hatak ng katamaran. Kung hindi mo kayang kontrolin at di mo kayang disiplinahin ang sarili mo.
Mas masarap naman kasi ang humilata maghapon, manood ng tv, manood ng mga series, magbabad sa social media, at maglaro ng Mobile legend.
Pero kung pagpapatuloy mo ang katamaran, wag ka ding umasa na aasenso ang buhay mo.
Hindi ka magkakapera kung puro ka lang pasarap sa buhay, at wala kang aksyon na ginagawa.
Ang masama pa nyan,wala ka na ngang pera ay tatamad tamad ka pa. Wag maging si juan tamad,
na naghihintay lang na may mahulog na biyaya. Matuto kang kumilos, at maghanap ng paraan paano ka magkakaroon ng income.
Dahil ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan muna bago mo makuha.
Thank you sa time mo at tinapos mong basahin ang blog na ito. And I hope na malaki ang maitulong nito sayo para tigilan mo na ang mga bagay na lalong magpapahirap sayo.
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!