4 Reasons Why You Need To Be Financially Free

Sino ba ang may ayaw na maging financially free?

Or yung hindi mo pinoproblema ang pera sa araw araw na gastusin dahil meron ka ng isang system na mag gegenerate sayo ng income kahit di ka nagtatrabaho. 

Pero iba iba kasi ang mindset ng mga tao. Merong kuntento na sa kanilang buhay na nakakakain ng 3 beses sa isang araw.

Dahil nga kuntento na sila sa ganong sitwasyon, hindi na sila gagawa ng paraan para maka angat sila sa buhay.

Meron din silang mga maling paniniwala tungkol sa pera. May mga nagsasabi na pag marami kang pera,

mas marami kang problema, or di kaya naman magiging mitsa ito ng buhay mo.

Kaya di na sila naghahangad na mas mag improve pa ang katayuan nila sa buhay.

Meron din namang iba na naniniwala na ang pagkakaroon ng maraming pera ay isang kasangkapan lamang na matupad ang kanilang mga pangarap.

At ito ay resulta lamang ng pagsisikap, determinasyon, at pagbibigay ng magandang serbisyo sa karamihan.

Ang pagyaman ay isang desisyon na para lamang sa mga tao na gusto pang mahigitan ang kanilang potential or mastretch pa ang kanilang kakayahan.

So, Let’s Find out the 4 reasons why you need to be financially free. 

#1 Marami kang matutulungan

financially free

Sa dami ng problema ng mga tao sa mundo, naramdaman mo na din ba yung pakiramdam na gusto mong makatulong?

Pero wala kang maitulong financial dahil kung meron ka mang pera ngayon ay sapat lang ito sa pangangailangan ng pamilya mo.

Isa sa mga dahilan kung bakit kailangan mong maging financially free ay para marami kang matulungan din na nangangailangan.Hindi lang para sa sarili mo kundi para sa ibang tao din.

Para sa kaalaman ng iba, ang mga mayayaman na tao ay ginagamit ang kanilang yaman sa pagtulong sa mga charity at sa pagbibigay ng tulong para makalutas ng problema.

Yan naman ang opportunity na naibibigay kapag ikaw ay financially free.

So kung ang goal mo ay makatulong din sa iba, gawin mong motivation ito sa pagyaman mo. 

#2 Marami kang matututunan

Sa proseso ng pagiging financially free, mayroong nyang tinatawag na learning curve.

Kung saan natututo ka sa mga experiences, yung mga struggle, lahat ng paghihirap na pinagdadaanan mo para makamit yung pangarap mo.

Dyan din mag ge- gain ka ng new skills, at personal growth. Malaki kasi ang kaibahan ng taong may pera lang or yung one day millioner sa taong dumaan sa proseso para yumaman.

Halimbawa ng mga tao na may pera lang ay yung mga taong ayaw maghirap, at naniniwala sa rich quick scheme gaya ng pagtaya sa lotto.

Kung ang ang pera nila ay nanggaling lang sa pagkapanalo sa lotto, asahan mo na hindi rin yan magtatagal sa mga kamay nila.

Kung gaano kabilis nila nakuha ganun kabilis din itong mawawala. Sa kadahilan na wala silang kaalaman paano ihahandle ito ng tama.

Hindi gaya ng isang tao na naghirap muna matutunan ang tamang proseso ng kanilang pagyaman.

Kahit malugi man ang kanilang negosyo, hindi iyun hadlang sa kanila para magsimula ulit at bumalik sa pagiging mayaman.

Bottomline, palagi mong tandaan na mas lamang ang may kaalaman at yung may mga natututunan sa kanilang mga karanasan.

At binibigyan din ng importansya ang proseso sa bawat tagumpay. 

#3 You have the time freedom

financially free

Isa sa mga dahilan kung bakit kailangan mong maging financially free ay magkaroon din ng time freedom.

Quality time with your family habang nagbabaksyon, time to enjoy other things that you love to do,

And time na ikaw ang nasusunod at hindi nakabase ang oras mo sa boss mo.

Majority kasi ng mga tao sa mundo ay nagtatrabaho ng walang oras o mahigit pa sa isang araw.

Lalo na ang mga kababayan nating ofw na may 20 years ng nag aabroad. At kung umuuwi naman ay isang buwang bakasyon lang.

Ang hirap di ba ng wala kang time freedom? At kung gusto mo talaga na mgakaroon ng time freedom ay trabahuhin mo na ngayon kung paano ka maging financially free. 

#4 You have the control

Pinakahuli sa mga reason bakit kailangan mong maging financially free ay dahil na sayo ang control kung anong lifestyle ang gusto mo.

Yung bang magkaroon ng mas malaki at kumportableng tirahan, yung mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak mo,

at yung nakakain mo yung mga masusustansyang pagkain na kailangan ng katawan mo.

Sad to say, marami kasi sa atin ang nakutento na lang na maging empleyado hanggang sa pagtanda nila dahil iniisip nilang wala silang kakayahan na magkaroon ng kontrol sa kanilang buhay gaya ng mga mayayaman.

Samantalang ang mga mayayaman, patuloy na pinalalawak ang ang kanilang skills at sumusunggab sa mga bagong oppotunity para ma maintain nila kung anong meron sila ngayon.

Gusto nila na may control sila buhay nila, yung binabayaran sila ayon sa value na naibibigay nila sa mga tao, at yung nagagawa din nila yung mga meaningful na mga bagay. 

Lahat ng mga bagay o pinapangarap natin ay mga dahilan at ito ang magiging driving force para tuparin yung mga goals na natin sa buhay.

I hope meron ka man lang isang reason sa mga nabanggit ko na kailangan mo para maging financially free. 

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.

Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!

Leave a Comment