Mahilig ka ba magbasa at makinig ng mga kwento? Kung oo may kwento ako sayo na ang konsepto ay base sa libro ng “The obstacle is the way” ni Ryan Holiday.
May isang hari na naglagay ng napakalaking bato sa gitna ng daan, papasok sa kanyang kaharian. Gusto nyang makita yung mga reaksyon ng mga taong dadaan,
Andun lang sya sa malayo at inoobserbahan kung paano magrerespond yung mga taong paparating sa nakaharang na malaking bato.
Nadisappoint ang hari sa mga iilan na dumating na pinanghinaan ng loob at umalis.
May iba pang mga dumating na sinubukan ding alisin ang napakalaking bato pero nung walang nangyari ay umalis din sila.
Hanngang sa dumating ang isang lalaki na tinulak ang bato sa abot ng kanyang makakaya.
Pero wala pa ring nangyari at umalis din sya. Pero pagkalipas ng ilang oras ay bumalik ito dala ang isang mahabang sanga.
Pumunta pala sya sa gubat para gumawa ng pang kalso sa napakalaking bato. At yun nga nagtagumpay naman sya na alisin ang bato sa daan.
At nakita nya ang napakaraming ginto sa ilalim ng bato at isang mensahe mula sa hari…
“The obstacle in the path is the path.” Within every obstacle is an opportunity to improve your condition.

Sinasabi sa libro na ito na ang mga obstacles or mga problema ay parte ng buhay natin, at ito rin daw ang daan sa kung saan ang gusto mong marating sa buhay.
Nasubukan mo na ba na takasan ang mga problema mo?
Pwedeng naiwasan mo nga ang mga ito, pero hindi ibig sabihin ay wala ka ng problema dahil andyan pa rin yan hangga’t hindi mo ito hinaharap at ginagawan ng solusyon.
There is no way na hindi tayo makakaranas ng mga problema, there comes a point na biglang uulanin talaga tayo ng mga problema at pagsubok sa buhay.
In terms of relationship, sa trabaho, sa pag aaral, sa business. Lahat ng mga yan ay may kaakibat na mga problema na kailngan mong harapin.
Perception

Pananaw o pag unawa sa isang pangyayari o konsepto. Sabi nga sa isang qoute,
“ There is no good or bad situation, there is only a perception.”
Ibig sabihin depende sayo kung paano mo titignan ang isang sitwasyon, kung paano ka magrerespond sa nangyayari sa buhay mo.
Kung baga ikaw ang naglalabel kung pangit ba o maganda ang nangyayari sayo.
Tayo ang nagbibigay ng mga interpretasyon ng mga nangyayari sa atin. Iba iba ang perception ng mga tao maaring ang mga pangit na sitwasyon sayo ay maganda sa iba.
Hindi lang tayo aware pero lahat ng actions natin ay nakabase lamang sa kung paano natin naiintindihan ang isang pangyayari.
So ito ang game changing part, ikaw ang magdedecide kung titignan mo ba ang isang sitwasyon bilang isang obstacle or bilang isang opportunity?
Sa kahit anong probema ang dumating sayo maliit man o malaki sanayin mo ang sarili mo na ituring ito bilang isang opportunity.
Opportunity para matuto, opportunity para gumawa pa ng ibang bagay na hindi mo pa alam, opportunity to be a better person and so on.
Kailangan mo lang baliktarin ang napakalaking bato na nakaharang sa daan mo.
Halimbawa bumagsak ka sa exam. Good! Opportunity yan para mas lumalim pa ang understanding mo sa course mo, dahil magkakaroon ka ng mas maraming time para mag aral.
Di kumikita ang negosyo at lugi ka pa. Ayos lang! Opportunity yan para maimprove mo pa yung marketing strategies mo at para mas mainitindihan mo rin yung behavior ng mga customers mo.
Or para mas makilala mo pa yung mga customers mo at kung ano ba talaga ang gusto nila.
Daming deadline sa work! Ok lang yan, opportunity yan para maging organize ka at maimprove ang time management skills mo.
Every obstacle is an opportunity to improve your condition. Kaya nakadepende talaga yan sayo kung magfofocus ka sa problema at ito ay magdudulot sayo ng di magandang epekto.
Mag oover thinking ka, sobrang mag woworry, magseself pity, palagi kang magrereklamo at sinisisi sa iba ang sitwasyon mo.
Kung ganito ang mangyayari sayo ay hindi mo talaga malulutas ang problema mo.
So bakit hindi mo baliktarin ang situation, take advantage of the situation na mag improve.
Normal na makaramdam tayo ng mga di magagandang emosyon kapag may mga problema na dumarating .
But hindi ibig sabhin na magsstay ka na sa ganoong sitwasyon.
My point is to do not dwell sa mga negatibong mga bagay na hindi makakatulong sayo para mag move forward.
We have the ability to choose how to respond in every situation.
Kaya nakadepende talaga sa perception mo kung paano mo titignan ang isang sitwayon o pangyayari.
Palagi mong hanapin ang nagtatagong opportunity sa bawat problema na dumadating sayo.
I hope nagustuhan mo ang small piece of lesson na shinare ko sa libro na the obstacle is the way ni Ryan Holiday. And I recommend na mabasa mo rin ito. Stay positive and motivated!

P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
Or you can also visit my Youtube Channel for more free tips and learnings. Click Here!