Karamihan sa mga tao ngayon ay may mga plano na magsimula ng negosyo.
Ayon sa article ng Forbes, lahat ng maliliit na Negosyo, 80% lang ang nagsusurvive sa unang taon ng pag ooperate.
So ano ba ang sikreto ng nasa 20% o yung mga nagtatagumpay na negosyo?
Sinabi ni Josh Kaufman na ang pagnenegosyo ay mayroong limang parte…
1. Value Creation – dapat mayroon kang produkto na magbibigay value sa ibang tao.
2. Marketing – kaya mo dapat kunin ang kanilang atensyon.
3. Sales – Gawin mong customer ang iyong mga prospek.
4. Value Delivery – Nabibigay mo sa iyong mga customer kung ano ang pangako mo sa kanila.
5. Finance – Dapat alam mo din kung paano magpapa ikot ng pera.
Malaki man o maliit ang isang Negosyo, napaka importante na dapat mayroon lahat ng ito, dahil dito mo malalaman kung ano ang pinag kaiba ng mga Negosyo na nasa 20% na nagtatagumpay at kung bakit ang 80% ay nabibigo.
Kaya, pag uusapan natin ngayon ang limang parte ng isang matagumpay na Negosyo.
#1 Ang Pagbibigay ng Value
– lahat ng siguro ng tao ngayon ay naghahanap ng solusyon sa kanilang mga problema, maliit man o malaki.
Ang gagawin mo naman bilang isang business person ay maghanap ka ng paraan kung paano mo mabibigay sa mga tao ang pangangailangan na iyon.
Ang bawat Negosyo at nagbibigay ng ibat ibang klase ng value, pag walang value, wala ka ding negosyo na mabubuo.
Walang transaksiyon na mangyayari kung wala kang value na mabibigay sa iyong mga kustomers, kaya kung plano mong magsimula ng Negosyo.
Mas mainam na mag isip ka muna kung ano ang madalas na problema ng karamihan at dapat ay alam mo rin kung ano ang kailangan nila para mayroon kang idea kung ano ang produkto na pwedi mong ibenta.
#2 Kunin mo ang Atensyon ng mga Tao
Hindi sapat ang pagbibigay ng value sa ibang tao kung hindi naman nila ito alam.
Kaya dito na pumapasok ang MARKETING.
Kung walang marketing, walang Negosyo na magtatagumpay, dahil kung hindi alam ng mga tao ang iyong Negosyo at ang value nito, hindi din sila bibili sa iyo.
At kapat hindi sila bibili, wala ding pera na pumapasok.
Kaya napaka importante na mayroon kang alam sa marketing.
Ang marketing ay isang pamamaraan sa pagkuha ng atensyon sa mga tao, na posibleng maging kustomers ng iyong Negosyo sa hinaharap.
Atensyon ang kailangan ng iyong negosyo para patuloy ang pagpasok ng mga bagong kustomers at mayroong consistency sa pagbebenta ng iyong mga produkto.
So, paano mo naman makukuha ang atensyon ng mga tao sa sobrang busy na panahon natin nagyon?
Una, ay dapat hanapin mo ang mga tao na mayroong interes sa iyong binebenta.
Aminin naman natin na hindi talaga lahat ng tao ay interesado sa iyong produkto, kaya naman ay huwag ka ng magsayang pa ng oras, lakas at pera, para ibenta yan sa lahat. Dahil kung iisipin mo, napakadaling ibaling ng atensyon sa isang bagay kung wala kang pakialam dito.
Halimbawa...
Kahit ikaw lang ang nagbebenta sa buong mundo ng high quality na karne, hindi pa din bibili dito ang mga vegetarians.
Kaya napakabuting I market mo ang iyong produkto sa mga tao na mayroong interes dito.
Pangalawa ay dapat mayroon kang remarkable na produkto.
Kung nagbebenta ka ng mga produkto na kilala ng ng mga tao, mag isip ka kung paano mo ito mabibigyan ng kakaibang dating, para makuha mo ang kanilang atensyon.
#3 Gawin mong Customers ang iyong Prospects
Pagkatapos mong makuha ang atensyon ng mga tao, hindi ibig sabihin na bibili na agad sila sa iyo.
Ang matagumpay na pagbebenta ay nagsimula sa prospects na naging customers.
Kapag walang customers, walang benta. At kapag walang benta, wala ding Negosyo.
Ang best practices ng mga taong nagbebenta, ay tinutulungan nila ang mga customers na gumawa ng desisyon at kaya din nilang ipaliwanag ng maayos kung bakit dapat bumili ang customes sa kanilang produkto.
Mahihirapan ka lang magbenta kung kailangan ng iyong target customers ay iba sa iyong offer.
Hindi magsusurvive ang isang Negosyo kung palaging mas mataas ang pera na lumalabas, kaysa pera na pumapasok. Kaya siguraduhin mo na consistent ka na magbenta.
Ang sikreto naman sa consistency sa pagebbenta, ay kapag mayroong ng tiwala ang iyong customers sa brand at quality ng iyong produkto.
At makukuha mo lang ang kanilang tiwala kapag napatunayan mo sa kanila na tapat at totoo ang iyong serbisyo. At pag uusapan natin yan sa number 4.
Ang patuloy na pagpasok ng income ay nanggagaling sa iyong ability sa pagbebenta.
Kung hindi mo kayang magbenta, hindi rin magsusurvive ang iyong Negosyo.
Tandaan..
“Ang patas at tapat na pagbebenta, ay ang rason kung bakit mayroong customers na patuloy na gumagamit at bumibili ng iyong produkto.”
#4 Value Delivery
Kaya mong magbigay ng values sa mga tao.
Makuha ang kanilang atensyon, at posibleng bibili din sila sa iyo.
Pero ang tanong? Ano ang gagawin mo para bibili pa ulit sila s aiyo?
Siguro ay naranasan mo na na bumili ka ng isang produkto at pagkatapos mo itong gamitin ay sinabi mong hindi na ulit ako bibili dito.
Maraming factor kung bakit hindi na ulit bibili ang mga customer.
Isa dito yung mali ang tunay na qualities sa kung ano ang nasa description.
O di kaya ay mayroong inconvenience sa delivery.
Gusto ng mga customers ang serbisyo na mabilis, reliable at consistent.
Kapag nakuha ng isang customer ang kanyang expectation sa iyong produkto, panigurado na bibili pa ulit siya sa iyo, at sasabihin pa niya sa kanyang mga kaibigan kung ano ang kanyang experience.
Sa paraan na iyon ay lalo mo pang mapapaunlad ang reputasyon ng iyong Negosyo at mas lalo pang dadami ang darating na bago pang customers.
Ang mga nagtatagumpay na Negosyo, ay nabibigyan nila ng satisfaction ang kanilang customers.
Habang ang mga unsuccessful na mga Negosyo naman, ay patuloy na hindi nila naidedeliver ng maayos ang kanilang serbisyo at posibleng ikalugi pa ito ng kanilang Negosyo.
#5 FINANCE
Nagiging kumplikado ang takbo ng Negosyo pagdating Finance. Dahil maraming area kung saan tumatakbo ang pera.
Tumatakbo ito sa expenses, sa incomes, sa tax, at sa sahod ng mga taong nagtatrabaho sa iyo.
Pero madali mo lang maiintindihan ang finance kung focus ka lang sa kung ano ang mahalaga.
Dapat alam mo kung magkano ang pera na lumalabas at ang pera na pumapasok.
Kung Malaki ang pera na pumapasok sa iyong Negosyo, makakatulong yan para mas lalo mo pang paghusayan ang pagbibigay serbosyo sa mga tao.
Ang pinaka mahagalagang parte ng Negosyo ay ang pagkakaroon ng kita, dahil yan ang indicator kung magpapatuloy pa ba ang iyong negosyo o hindi.
Isang paraan din para madali mong malaman na ang kita ng iyong Negosyo ay ang paggamit ng Income Statement, dahil dito mo malalaman kung magkano ang pera na lumalabas at pumapasok.
Madali lang gumawa ng income statement..
Ilista mo lang ang kung magkano na ang total na pera ng iyong Negosyo ngayon o revenue, minus sa total expenses, minus din sa tax, at ang sagot ay ang iyong total na kita.
Napaka importanteng ginagamit mo ito sa iyong Negosyo, dahil walang sense kung kumikita ka ng isang milyon taun-taon, pero hindi mo alam na ang iyong total expenses ay 1.1 million.
Yan ang limang parte ng isang matagumpay na Negosyo na dapat mong aralin.
Hope may natutunan ka sa blog natin.
If you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here. Or you can also visit my YouTube Channel for more free tips and learnings. Click Here!