Free Investment ba kamo? Yes meron nyan! Kaya wala ka ng excuse para hindi magnegosyo or kung paano kumita ng pera.
Hindi sa nilalahat ko, pero karamihan sa ating mga pilipino ang parati kong naririnig ay “Wala akong perang pera.”
Paano magnenegosyo kung wala kang pangsimula or puhunan.
Good news! Merong free investment ako na isheshare sayo na siguradong makakatulong sayo umunlad sa kasalukuyang katayuan mo ngayon sa buhay.
Naniniwala ako na walang imposible, sa taong nagsisikap na maabot ang mga pangarap.
Tara talakayin natin ang mga 3 free investment na magpapalaya sayo kahirapan at posibleng ikayaman mo pa.
#1 Kaalaman
Number 1 na magdadala sayo sa pangarap mo ay ang kaalaman. Sabi nga ni Ernie Baron, “Knowledge Is Power”, kung walang knowledge, walang power.
Im sure na narinig mo na ang mga katagang ito sa programa ni mang Ernie noon. Free investment ang matuto, kailangan mo lang talaga maglaan ng oras at panahon para dito.
Sa panahon ngayong napakarami ng paraan para mag invest sa kaalaman.
Marami ang sources na nagbibigay ng libreng mga courses online na makikita mo sa mga facebook groups, sa youtube, or sa isang website.
Di mo naman ang kailangan ng pera para magsimulang palawakin ang iyong kaalaman.
Instead na sayangin mo ang extrang oras mo mag browse sa mga social media, bakit di ka mag-research ng mga groups or pages na nagbibigay ng mga libreng courses ng mga bagong skills at webinars kung paano ka kikita ng pera gamit ang mga bagong kaalaman.
Ika nga, “Lamang Ang May Alam.”
#2 Time
We all have 24 hours in an day, sabihin na natin na 10 hrs ay napupunta sa regular mong trabaho at 8 hours sa pagtulog.
Saan mo ginugugol ang sobra mong oras? Sa pag tambay ba sa social media? Sa paglalaro ng mobile legends?or sa pagti-tiktok?
Kaibigan alam mo ba na sinasayang mo ang iyong precious time sa mga walang kabuluhang mga bagay?
Maaring nagbibigay sayo yan ng enjoyment or relaxation pero hindi yan makakatulong sayo para maimprove ang sarili mo.
Sabi nga sa isang quote, “You Can’t Recycle Wasted Time.”
Yung 6 na oras na sinasayang mo sa social media, 6 na oras din ng iba para magsimula ng maliit na negosyo, magpart- time gaya ng online selling, or mag aaral ng iba pang mga skills.
Gamitin mo ng maayos ang time mo, at wag sayangin sa mga walang kwentang mga bagay na hindi makakatulong sayo para mag grow.
#3 Pagbebenta
Sa lahat ng free investment ito talaga ang magtuturo sayo paano kumita ng pera.
Hindi mo lang siguro napapansin pero lahat ng negosyo sa mundo ay involved ang sales.
Kung walang benta, walang kita. At kung walang kita, walang pera. Parte na talaga ng araw araw na buhay natin ang pagbebenta.
Mula sa pagbili mo ng ulam, pagbili mo ng damit, at pag aaply mo sa trabaho.
Di mo namamalayan na kasama pala ang pagbebenta sa pag aaply sa trabaho, yes kasi nga binebenta mo ang sarili sa Hr para ikaw ang kunin nilang empleyado.
Yung mga skills na taglay mo, both soft skill and hard skills, at experience yan ang inooffer mo sa kumpanya kapalit ng serbisyo mo.
Isa pa sa tinuturo ng pagbebenta ay ang makapagbigay ka ng value, or something na makakalutas sa mga problema ng mga tao.
At yun ang ibibigay mong kapalit sa pamamagitan ng pagbebenta. Halimbawa nyan nagbebenta ka ng kape na nakakapayat.
So nagbibigay ka ng solusyon sa mga taong gusto pumayat or mabawasan ang timbang.
Isa pang mindset na tinuturo ng pagbebenta ay hindi limitado ang kikitain mo kumpara sa sahod na natatanggap mo kada kinsenas at katapusan.
Sa pagbebenta walang limit ang pwede mong kitain basta masipag kang magbenta, at hindi ka nahihiyang mag alok ng kung anong produkto ang binebenta mo.
Bawal ang tatamad tamad sa pagbebenta, kasi kung tatamarin ka edi walang kang pera.
So ngayon alam mo na ang 3 free investment na makakatulong sayo na magbago ang status mo sa buhay.
Kung wala ka talagang pera, gamitin mo kung anong meron kang mga resources sa ngayon.
Gumawa ka ng paraan, gamitin mo ang oras mo sa mga mahahalagang bagay upang matuto ka ng mga bagong skills at mag umpisang kumilos na ngayon.
Itong mga free investment na ito malaki din ang balik sayo pagkalipas ng mga ilang taon.
P.S. If you found this article informative, kindly leave your comments below. Or if you’re enjoying reading my blogs, you can consider visiting my other topics here.
But wait, maybe you are interested to know about the 8 Passive Income Ideas To Help You Make Money In 2021 click HERE!